Chapter 62

19.6K 337 32
                                    

WARNING: UNEDITED!!!

Mia's POV:

Nang makabalik ang dalawa,napatahimik naman kaming mga girls. Mahirap na at mabuko pa kami.

Nagsimula kaming maglaro. Sa una,masaya pa ang daloy ng game. Puno ng halakhakan ang buong kwarto. Puro nakakatawa ang mga tanong.

Habang patagal na ng patagal,doon na nagsisimula ang totoong SERYOSONG USAPAN.

At ako na nga ang natapan ng bote.

"Maghanda ka Mia. Tiyak na mabubuko namin yung secret mo." Pananakot sa akin ni Hera. As if na natatakot ako sa itatanong nila.

"Start na!" Sabi naman ni Glen.

"Mahal mo na ba si Bryle?" Seryosong tanong sa akin ni Hera. Napalunok naman ako ng dis-oras. Hindi ko inaasahan ang magiging tanong niya.

Kinabahan naman ako at matagal na hindi nakasagot. Para bang gusto kong sabihing OO pero pinipigilan ako ng isip ko dahil tiyak na aasarin nila ako.

"Ano na? Balak mo bang next year na sagutin ang tanong namin?" Naiinip na sabi ni Glen.

"Wag niyo kasing ipressure." Sabi naman ni Quenos.

Jusko! Bahala na kung ano ang maisagot ko!

Pikit-mata akong sumagot na hindi ko inaasahan na naisagot ko. Para bang nagslow motion ang paligid habang binibigkas ko ang salitang iyon.

"O-o-o-oo." Grabe akong nautal sa sinabi ko. Isang salita at dalawang letra lang pero hindi ko pa mabigkas ng maayos.

Naghalo-halong damdamin ang naramdaman ko. Habang ang apat ay napatulala sa akin.

Ang kaninang natatawang si Hera ay naging seryoso. Ang nakangiting mukha ni Quenos ay naging poker face. Ang nang-aasar na ngisi ni Quira ay biglang nawala. At nabitawan ni Glen ang isusubo sanang pagkain.

Parang lahat sila ay nagulat sa sagot ko.

"S-seryoso ka Mia?" Napapalunok na tanong sa akin ni Hera. Marahil siya ay nagtataka kung bakit ganun ang naging sagot ko.

Maliwanang nung una pa lang na wala akong nararamdaman kay Bryle na katiting na pagmamahal. Puro pagkamuhi ang nararamdaman ko sa kaniya.

Hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa kaniya. Talagang marupok ang puso ko at basta-basta na lang nahulog sa pakulo ni Bryle.

Ilang ulit ko itong pinigilan pero singbilis ito ng kidlat at inapektuhan na ang isip kong sumasalungat sa nararamdaman ko.

At ngayon nga,tuluyan ko nang naamin sa sarili ko na pati pala ako sa tatamaan kay Bryle. Na marerealize kong hindi lang basta paghanga ito. Na ang isang kagaya ko ay NAGMAHAL SA KANIYA.

"N-nung una hindi ko alam kung ano pa itong nararamdaman ko sa kaniya. First time ko kasi itong maramdaman. Basta makikita ko siya,palaging tumitibok ang puso ko ng mabilis. Kung minsan rin eh kinakabahan ako sa presensiya niya. Hangggang sa mapatanong ako sa sarili ko,normal ba lahat iyon? Akala ko takot lang ako sa kaniya." Natatwang kwento ko.

"Ready ka bang ibigay ang sarili mo Mia? Mula ulo hanggang paa? Kita mo naman na halimaw siya diba?" Tanong ni Hera sa akin. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

Marahil alam na niya masasaktan lang ako sa piling ni Bryle. Kita mo naman na hindi pa siya tapos na mahalin si Lian. Tapos daragdag pa ako?

"Alam ko naman iyan. Pero kasi ang hiral Hera." Naluluha kong sagot. Niyakap naman niya ako at hinagod-hagod ang likod ko.

I'm Pregnant (BOOK 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora