Chapter 45

20.7K 368 21
                                    

Chapter 45 ~ Pinas

Mia's POV:

"Mia over here!"

Sigaw ni Eunice mula sa di kalayuan. Napangiti ako at tumingin sa papalayong pigura ng babaeng nakilala ko kamakailan lamang.

Tulad ng nakaraan, hindi ko muling naintindihan ang sinabi nito na mas nagpagulo sa akin. Pero tulad ng kaniyang sinabi, mananatiling nasa aking isipan ang kaniyang sinabi at hindi ito mabubura.

Binilisan ko ang aking lakad nang sa gayon ay makalapit ako nang tuluyan sa kanila. Inaamin kong nakakamiss rin ang kanilang presensya.

Sinalubong ako ng yakap nina Eunice at Grace. Sumunod ang nanay ni Bryle na seryosong tumingin sa akin. Yumuko si Melon bilang pagbati.

Napadako ulit ang aking tingin kay Ma'am Lucy at nakita ko itong nakatingin sa aking likuran na waring may hinahanap. Dahil doon, nagsalubong ang aming tingin.

Tumibok ng mabilis ang aking puso at kinabahan. Heto na naman ang nararamdaman kong ito. Kung makatingin kasi ito sa akin, parang gigilitan ako nito ng buhay.

"Where's Bryle?"

Tanong nito ng dahan-dahan. Tumaas ang kaniyang kilay at napatingin sa aking kabuuan. Taimtim akong nagdasal at napapikit ng mabilisan.

"Oo nga." Segunda ni Yevlin.

"Baka nagcr lang?" Si Grace.

"Nagpaiwan po dahil sa trabaho."

Sagot ko at ngumiti ng peke. Nanlaki ang mga mata nilang lahat at napatingin sa isa't isa. Kita ko kung paano mandilim ang paningin ng nanay nito.

"Bumiyahe ka ng mag-isa?"

Inis nitong tanong habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. Ang iba naman sa kamag-anak ni Bryle ay tahimik lang na nakikinig.

"Kaya ko naman po. Nasabi po sa akin ni Bryle na importante po talaga ang aasikasuhin niya doon." Paliwanag ko habang may pekeng ngiti sa labi.

Kumunot lalo ang kaniyang noo na ipinahihiwatig na tutol siya sa naging desisyon ni Bryle. Kahit na anumang mangyari, ipagtatanggol ko pa rin si Bryle kahit na kasalungat nito ang ipinapakita niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako.

"I call him later and make him explain." Saad pa nito sabay dukot sa phone niyang nasa loob ng kaniyang shoulder bag.

Nakaramdam ng tensyon ang lahat at nagkatinginan sa isa. Upang mawala ang tensyon, dali-daling yumakap rin sina Manang at Brenda.

"Naku! Andito na ang amo ko."

Nakangiting saad ni Brenda at ininspeksyon ang aking buong katawan. Marami siyang napuna na siyang ikinangiti ko.

"Medyo magulo ang buhok mo. Malamig rin ang mga kamay mo. Nilalamig ka ba Ma'am?" Tanong pa nito.

Siguro dahil sa kabang nararamdaman ko kanina kaya lumamig ang aking mga kamay. Pero buti na lamang at nakasama sila?

Tapos na nila siguro ang mga gawaing-bahay.

Speaking of bahay, namiss ko rin itong pagmasdan. Ang malambot na kama. Ang lawak ng paligid. At syempre ang magandang tanawin sa garden at swimming pool nito.

"Ipagluluto kita ng sopas maya-maya Iha kung ganun." Saad ni manang. Napailing-iling na lamang ako at binalingan ng tingin ang mga pinsan ni Bryle.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now