Chapter 24

25.2K 527 33
                                    

Chapter 24 ~ Two-Piece


Mia's POV:

Unang araw namin. Napansin nang mga kamag-anak ni Bryle ang mga pasa sa kaniyang mukha at agad na tinanong ang kapamilya kung ano ang nangyari.

Palaging umaayaw si Bryle na sabihin pero kinukulit pa rin nila ito. Knowing Bryle, mainitin ang ulo kaya nagdadabog itong umakyat sa kwarto.

Dahil sa masunurin akong tao, sumunod ako sa kaniya pati rin ang nanay niya para sermonan siya. Kakatapos lang namin kumain ng agahan at lilinisan ulit ang pasa niya.

Nandito rin ang kaniyang limang mga pansin para magpaliwanag kung bibigyan sila ng pagkakataon na makapagpaliwanag.

"What happened to you?!"

Mataray ng nanay niya at tinititigan ang mga pasa sa mukha ng anak. Talagang pinakititigan niya itong mabuti. Nanahimik muna sandali si Bryle bago sumagot.

"Napaaway lang. Don't worry about me. "

Nanatiling tikom ang bibig ng lima pati na rin ako dahil takot kaming madamay sa galit ng kaniyang Ina.

"With who?!"

May konting pasa si Bryle sa mukha. Namumula ang mga ito at nagkukulay violet na. May cut rin siya sa kaniyang labi.

"Si kuya Ivan po Tita."

Sabat ni Grace sa usapan nang hindi na nito mapigilan ang sarili na magsalita. Napabaling naman ang tingin ng nanay ni Bryle kay Grace.

"What did you say?" Nagtatakang tanong ng Ina.

"Konting hindi pagkaka-unawaan lang Mom. Magkakaayos din po kami."

Sana nga magkaayos pa sila.

"Malapit na ang kasal mo, nakikipag-away ka pa! Paano kung mas malala pa ang natamo? Puro gulo na lang ang binibigay mo sakin!"

Napahawak ang ginang sa kaniyang sentido at mahinang hinilot-hinilot iyon. Stress na stress itong nakatingin sa anak.

Hindi sumagot si Bryle imbes ay tumalikod sa Ina at nagtalukbong ng kumot. Napangiti ako ng palihim.

"Mia ikaw na lang bahala sa kaniya ha? Lagyan mo ng ointment. At ikaw Bryle, pwede bang lumayo-layo ka sa gulo?" Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

Bago umalis si Ma'am Lucy, binigyan niya muna ng huling tingin ang kaniyang anak at bumuntong-hininga.

Nanatiling nakatalukbong pa rin si Bryle. Sumunod sa kaniya ang mga pinsan ni Bryle at nagpaalam sa akin.

"Hindi ba tayo lalangoy sa labas?"

Tanong ko kay Bryle. Wala yata siyang balak na lumabas ng kwarto dahil nakahiga na ito at nakapatong ang kanang braso sa mukha.

"I'm not in the mood."

"Sige, yayayain ko na lang sina Eunice."

Tutal kanina ko pa natapos ang paggagamot sa kaniyang mga pasa. Aalis na sana ako nang magsalita ito.

"Don't you dare flirt with other men."

Banta nito sa akin at masama ang tingin. Bumaling ako sa kaniya at tumango ako agad-agad.

Napangisi siya at tumayo mula sa pagkakahiga. Hinapit niya ako sa bewang at binigyan ng halik sa labi. Malalim iyon kaya medyo nagtagal kami.

"Remember what I said earlier."

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now