Chapter 53

19.3K 385 50
                                    

Chapter 53 ~ Black Balloon


Mia's POV:

Kumakabog ng mabilis ang aking puso at hindi alam ang gagawin. Nandito siya sa harap ko at nakatingin sa isa't isa.

So parang party niya na rin 'to dahil nakabalik na siya? Kaya pala atat na atat si Mama na malaman ang gender ng Baby ko.

Pero nasaan si Lian?

Wala akong ginawa kundi kunin ang nakalahad niyang kamay at iginaya ako nito sa mini stage. Ibinigay ng MC ang mike kay Bryle at nagpalakpakan ang mga tao.

"Thanks for this party anyway. Actually, wala sa plano ang pag-uwi ko ngayon but Mom forced to me go back home."

Nagtawanan ang mga bisita.

"He's lying."

Sagot ni Mama na natatawa rin. Mas lalong natawa ang mga bisita na puro kamag-anak rin ni Bryle.

"Honestly, I want to join my wife for this party for my child. I care about them." Dagdag ni Bryle.

Napangiti ako ng peke at hindi umimik. Sige lang Bryle. Magsinungaling ka pa. Alam ko ang totoo kaya hindi mo ako maloloko.

Alam kong pinilit ka lang talaga ni Mama na umuwi dahil kung wala ka, mapapahiya lang ako dito at magmumukhang tanga.

Ang mapait na katotohanan.

Wala ka naman talagang balak na umuwi 'diba? Tulad nga ng sinabi niya kanina, wala sa plano. Ngumiti muna siya sa kaniyang angkan bago ako binalingan ng tingin.

"You look good."

Pagpuri niya sa akin. Bago iyon sa pandinig ko kaya natulala ako sa kaniya. Muling kumabog ang aking dibdib.

"Thank you Mr. Aberla. Now, let's move on and start the gender revelation." Pagsingit ng MC.

May inilahad ang MC na parang ordinaryong remote lamang. Lahat ng mga bisita ay may kaniya-kaniya nang hawak na cellphone para ivideo ang moment na ito.

Nailang ako sa mga flash ng camera. Lahat ng mga ilaw ay nakatutok na rin sa amin. Si Bryle na ang umabot sa remove at ipinahawak sa akin.

Kinuha ko sa kaniya ang remote at walang kamalay-malay na hahawak siya sa kamay kong nakahawak sa remote.

Nagulat ako at napatingin sa kaniya. Pero nanatili ang kaniyang paningin sa harap. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at napatingin pabalik sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin.

"I want you to press the button together." Dagdag ng MC. Naghiyawan ang mga tao at sumigaw na sinasabihan kaming pindutin na.

May flatroom sa harap at doon nakapwesto ang mga domino at mga cards na gagamitin. Tumingin ako sa kaniya at sabay kaming tumango sa isa't isa. 

"Three... Two... One!"

Pagcountdown ng mga tao at nang marinig naming nasa one na, sabay naming pinindot ni Bryle. Naexcite ako nang magsimula na.

May lumabas na kotse-kotseng laruan at tuluy-tuloy ang takbo nito papunta sa isang nakahilerang domino. Tuluy-tuloy na nagsitumabahan ang iba pa at sumunod ay mga cards na.

Hanggang napunta sa Chain Reaction gamit ang mga sticks. Napalayo ng konti ang mga bisita ay nagsisitalsikan ang mga ginamit na sticks pero mas lalo kaming namangha.

Sunod ay mga laruang pambata at may marbles na tuloy-tuloy ang gulong nito. Nagkakakonekta ang mga laruan at doon gumulong-gulong ang mga marbles.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now