Chapter 35

22.9K 436 15
                                    

Chapter 35 ~ Lucas


Mia's POV:

"Where do you want to go?"

Tanong niya matapos naming dumaan sa kaniyang opisina. Nagtagal kami sa kaniyang opisina ng isang oras dahil may kliyente siyang dapat asikasuhin.

Siya na mismo ang nagmamaneho ng kotse at naiwan kaming dalawa sa loob. Nasa unahan at hulihan naman ang ibang kotse sakay ng mga bodyguards.

Napatingin ako sa kaniya at tutok na tutok siya sa pagmamaneho. Mahirap na at baka mabangga pa kami.

"Ikaw na lang magdesisyon. Wala naman akong masyadong alam dito na pasyalan." Sagot ko. Katahimikan muli ang namayani sa amin.

Biglang tumunog ang kaniyang telepono kaya inihinto muna niya ang kotse sa gilid ng kalsada. Ganun din ang nakasunod sa amin na mga kotse.

Sasakyan iyon ng mga bodyguards niya. Sosyal 'diba? May sari-sarili itong mga kotse.

Sabagay baka mayayamang tao ang pinili niyang mga bodygards? Mga high-class.

May tumatawag na naman? Kakaresolba lang namin ng problema sa kompanya kani-kanilang ha? Nagsisimula na akong maghinala.

"Hello."

Inis niyang pagsagot sa tawag. Mukhang napilitan lamang itong sagutin. Basta na lamang niyang sinagot ang tawag nang hindi man lang tinitignan kung sino ang caller.

Kunot na kunot ang noo at galit na nakatingin sa harap. Nakakuyom rin ang kaniyang kamay na nakahawak sa kaniyang telepono.

"Ilang beses ko bang sasabihin na 'wag mo na akong tatawagan pa kahit kailan?!" Sigaw niya. Nagulat pa nga ako dahil sa lakas ng sigaw niya.

Hindi ko rinig kung ano ang isinagot ng caller. Natatakot rin akong sumabat sa takot na ako ang pagbuntungan niya ng kaniyang galit. Tsaka baka business matter pa 'yun.

"Fucking Bitch!"

Huling saad nito bago tinapos ang tawag. Malalalim ang ginagawa nitong paghinga.

"Look Mia, hindi muna kita masasamahan sa lakad natin ngayon. Bukas na lang kung pwede? Ihahatid na lang muna kita sa suite."

Saad niya at nagsimulang paandarin ang kotse. Nanlaki ang aking mga mata at agad na hinawakan ito sa braso para patigilin sa pag-akmang pagmamaneho pabalik sa suite.

No choice, kundi ako na lamang.

Limang araw na lamang ilalagi namin dito pero hanggang ngayon, hindi pa kami nakapapasyal kahit ni-isa dito. Naexcite pa naman ako kanina pero agad ding nabawi.

Gusto ko sanang magkasama ngayong araw sa pamamasyal at kukuha ng mga litrato nang sa gayon ay may panibago kaming alaala na babaunin namin pauwi ng Pinas.

Pero hindi na yata matutupad iyon.

"Hindi Bryle, ako na lang mag-isa ang mamamasyal muna. Marami pa namang araw kaya makakabawi ka pa. Tsaka isa pa, kaya ko ang sarili ko noh!"

Pilit kong pinapasigla ang aking boses pero hindi ko maitatangging mayroong dissapointment sa aking tono pero mukhang hindi niya ito napansin.

Pero ang totoo, naiiyak na ako.

Nabalewala ang ginawa niyang sweetness sa akin kanina sa nangyayari ngayon. Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang, piliin niya naman ako?

Masakit lang kasi.

Anong magagawa ko? Iyon ang nararamdaman ng lintik kong puso. Bakit kasi ang rupok ng puso ko at hindi magawang maging matapos sa ganitong oras?

"Are you sure?"

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon