Prologue

140K 3.1K 298
                                    

Prologue
Knights 1: Empires High
Revised Version

•••

Napangiwi nang makarinig ng malakas na sigaw mula sa pasilyong nilagpasan ko. I shut my eyes closed. Nakaka-curious naman. Bakit ba kasi ang pakialamera ko sa mga ganitong bagay? 

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago humakbang papaatras para malayang makita kung ano ang nangyayari. My eyes widened in surprised with what I just witnessed. Nakatulala lamang ako sa kinatatayuan habang pinapanood kung paano paulit-ulit na saksakin ng nakatayong lalaki ang isa pang lalaki na nakahiga sa lupa. The guy even stabbed the other guy's eyes dahilan para mapakapit ako nang mahigpit sa damit ko. Kitang-kita ng mga mata ko ang bahagyang panginginig ng katawan ng nakahandusay na tao bago ito tuluyang mawalan ng buhay.

I held my chest nang maramdaman ang mabilis na pagkabog ng puso ko. Hindi ako sanay makakita ng ganito kabrutal na pagpatay.

Nahigit ko ang sariling hininga nang makita ang paglingon sa akin ng lalaking nakatayo sa dilim. Bahagyang tumagilid ang ulo nito habang pinagmamasdan ang direksyon ko na para bang inaaninag kung may nakakita sa kaniya. I know that this place is dangerous, this school tolerates legal killing at alam kong kayang-kaya akong patayin ng gagong 'to!

Mabilis kong hinakbang ang paa para tumakbo papaalis. Halos mawalan pa ako ng hininga nang maramdaman na sinundan ako ng lalaking 'yon. Hindi ako puwedeng makampante na kaya kong makipaglaban, not everyone is weaker than me, especially in this school.

Muntik na akong mapasigaw nang maramdamang ang paghablot nito sa akin, pero mabilis niyang natakpan ang bibig ko. Tinatagan ko ang pagkakatayo bago siya sikuhin, he managed to dodged my attack before holding my body tightly. Pilit ko siyang tinatakasan pero sobrang lakas ng lalaking 'to na para bang nagmumukha lang akong langgam.

"Ahh!" napadaing ako nang marahan niya akong itulak sa pader. Mahina lang naman ang pagkakatulak niya pero nawalan ako ng balanse kaya natumba ako sa lupa. I shut my eyes tightly when he came closer. Tumalungko siya sa harapan ko bago muling hawakan ang bibig ko para pigilan ako sa pagsigaw.

Marahas niyang tinanggal ang sombrero na tumatakip sa mukha ko bago ako titigan nang mariin sa mga mata. I saw how his eyes widened when he had the chance to meet my eyes.

Maingat niyang tinanggal ang kamay sa bibig ko dahilan para mapakunot noo ako. Naramdaman ko rin ang pagsakit ng ulo ko nang makita ang mukha niya. Hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko alam kung bakit matinding sakit sa ulo ang naramdaman ko nang makita siya. 

"I won't s-say anything. I swear, please don't k-kill me," mahina kong bulong.

But it seems like he didn't hear anything. Pinalibot ng lalaking 'to ang tingin sa buong mukha ko habang may kung anong emosyon na nakasuot sa mga mata niya. Takot na napalayo ako nang masuyo niyang haplusin ang magkabila kong braso.

He almost killed me a while ago with his aggressive touch and attack, pero ngayon, masuyo ang bawat haplos niya. Umiwas ako ng tingin nang haplusin niya ang pisngi ko. I was supposed to kick him for touching me like this, pero may kung anong pumipigil sa katawan ko para hindi siya saktan. His touch... it feels so soothing, it feels comfortable.

Lumapit siya sa tainga ko bago bumulong. "Next time, don't attack anyone especially when you can't handle yourself, little girl. Keep your nose away from everyone's business. Hmm?"

Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang malalim at malamig niyang boses. Gusto kong maiyak sa takot at sa kabang nararamdaman, pero nanatili lang akong nakatulala sa ibang direksyon.

Muling nilayo ng lalaking 'to ang mukha sa akin. Napaaatras pa ako nang ilapit niya ang mga labi sa pisngi ko. I shut my eyes when he kissed my skin gently. "See you anytime, baby. Be careful on your way."


•••

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon