Chapter 17

42.9K 1.5K 165
                                    

Eh! Bakit diyan pa tayo bibili, mahal kaya mga gamit diyan," reklamo ko kay Primo nang huminto kami sa tapat ng isang mamahaling stall. Dito bumili si daddy ng mga instrumental equipments dati, at ilang milyon ang ginastos niya rito!

Galit na galit nga ako sa kaniya noon kasi grabeng pera rin ang ginastos niya.

"Hindi mo naman pera ang gagastusin mo, kung makapagreklamo ka," striktong sagot ni Primo sa akin.

"Eh! Kahit na, dapat nagtitipid ka. Ibigay mo na lang sa akin 'yang milyones mo kung gagastusin mo lang sa mga gamit na 'yan," galit kong singhal sa kaniya.

"Tsk, ang ingay mo."

"Eh! Huwag na nga tayo dito! Mahal diyan, 'saka mapapatagal pa tayong bumili kasi maarte ka sa quality. Ilang milyon ang gagastusin mo, alam mo ba kung gaano kamahal ang isang gitara diyan? Isang daang libong piso rin ang magagastos mo!"

"It can help thousands of people. Those who were working for this company, it's a big help for them," sagot niya bago dire-diretsyong pumasok sa loob. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sundan siya.

Naiirita pa ako sa suot ko dahil hanggang ngayon ay nakasuot pa rin ako ng uniform. 

Nakakabanas talaga dahil ang iksi ng paldang suot ko. Napahinto ako sa paghila pababa ng palda ko nang lapitan kami ng isang staff. Nakangiti ang babae kay Primo bago bahagyang yumuko.

"Good afternoon, sir. How may I help you? We have different instrumental equipments here with a good quality," nakangiti nitong sabi. Pasimple pa ako nitong nilingon bago ako taasan ng kilay.
Hindi makapaniwalang sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang natakot naman ang bruhang 'to dahil agad niyang binaling ang tingin sa katabi ko na nililibot ang tingin.

"I'm planning to buy all kinds of these, where's the manager?" walang pakealam na sagot ni Primo.

Ngumiti nang malandi ang lalaki bago bahagyang tumawa. "Oh, sure sir, I am the manager here. I can assist you—"

"I can manage." Pagputol ni Primo sa sasabihin niya.

Lumingon sa akin ang katabi kong lalaki nang mapansing tahimik ako. "Why are you frowning like a fucking retard Eerrah?" tanong niya sa akin. Sinimangutan ko ang babaeng nasa harapan naming na parang tuwang-tuwa pa na nilalait ako ni Primo. Akala mo naman matatalbugan niya ang ganda ko e mukha naman siyang bisugo.

"Ayoko rito," mariin kong saad.

"Why?" nakakunot noong tanong ni Primo.

"Sinasamaan niya ako ng tingin," nakabusangot kong saad bago ituro ang manager na babae.

Nanlaki ang mga mata niya at namutla pa nang balingan siya ng tingin ni Primo.

"Stay here. I'll be done within 5 minutes," malamig na sabi sa akin ni Primo atsaka muling binalingan ang babae. "On second thought, can you assist me?" Hindi makapaniwalang napanganga ako kay Primo. Talagang kinampihan niya pa ang bruhang 'to!

Padabog na umupo ako sa sofa nang maglakad na sila papalayo sa akin. They went inside somewhere, marahil ay naroon ang mga kailangan ni Primo. Naghintay na lang ako ng ilang minuto rito para abangan sila.

Kumunot ang noo ko nang makitang naglalakad na palabas ang manager mula sa pinasukan nila ni Primo. Umiiyak ito habang nakabaon ang mukha sa dalawang palad. Nang mapadaan siya sa akin, agad siyang yumuko nang ilang beses.

"I'm sorry, ma'am," umiiyak na saad niya bago tumakbo papalayo. Natulala na lang ako sa pagkagulat. Nahagip rin ng tingin ko ang pamumula ng leeg niya na para bang may sumakal doon.

"Anong nangyari doon?" takang tanong ko.

"Let's go." Bumaling ako kay Primo nang mapansin ito sa tabi ko. Nakabalik na pala, bigla bigla na lang nanggugulat!

"What's with your face?" tanong niya bago hawakan ang baywang ko. Tinuro ko naman ang direksyon ng direksyong tinakbuhan ng babae kanina.

"Umiiyak kasi 'yung manager paglabas ng kwartong pinasukan ninyo kanina. Tapos nag-sorry siya sa akin. Ang weird niya," sagot ko. "May nangyari ba kanina sa loob?" dagdag ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ang paglapat ng tingin niya sa direksyong tinuturo ko. I saw how his jaw clenched before smirking, muli siyang lumingon sa akin. "Oh. That woman?"

Tumango ako. "Umiiyak siya kanina, e."

"I almost strangled her to death a while ago."

Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. "W-What?" I asked him while stuttering.

"Sinakal ko. Masyadong matabil ang bunganga." Kinakabahang napalunok ako.

"B-Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko habang malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

He caressed my cheeks gently. "She murmured things about you, and I can't stand it. No one should belittle you, Eerrah. I will fucking kill them in the worst way once they do or talk shit on you."

Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko at pilit 'yong binaba. Pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa pisngi ko. He leaned closer to kiss my lips. Hindi na ako nakapalag dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa inamin niya.

"Let's go?" he said.

Ngumiti ako nang peke bago siya tanguan. "S-Sige."

I heard how he chuckled mischievously. "Why are you so scared of me, Eerrah?" Napaatras ako dahil sa tanong niya. Agad kong iniwas ang tingin bago lumunok nang ilang beses.

"Hindi n-naman," utal kong sagot.

Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. Muli niyang hinila ang baywang ko para hilahin ang katawan ko papalapit. He held my left cheek again before smiling sweetly.

"I won't harm you, Eerrah. I'll never do that to you, baby. Huwag kang matakot sa akin, okay?" he said with his deep voice. Tumango naman ako nang dahan dahan sa kaniya.

Tumikhim muna ako bago siya itulak sa dibdib.

"Bakit naman ako matatakot sa 'yo e ako ang anak ni Satanas? Ha! Asa ka, mamamatay muna ako bago ako panlambutan ng tuhod dahil sa 'yo," pagmamayabang ko bago siya hilahin palabas.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon