Chapter 23

40.5K 1.3K 17
                                    

Hindi ko na alam kung gaano namin kabilis narating ang Hospital ni Primo. Tumakbo na ako papasok sa loob dahil sa pag-aalala, mabilis akong nagtanong kung nasaan si daddy. The nurse said that he was in critical condition pero nasa private room na siya.

Mabilis kong tinahak ang private room namin sa Hospital na 'to, I don't care if everyone's looking at me while wearing a school uniform.

"Dad!" Naibulalas ko pagkabukas ko ng pintuan. Napatakip ang kamay ko sa bibig ko ng makita ang sitwasyon ni daddy. Sobrang daming nakakabit sa kanya, may oxygen din siya at galos galos ang katawan niya. 

"Ma'am Eerrah." Napatingin ako sa mayordoma namin na kalalabas lang ng banyo.

"What h-happened? Is my dad fine?" naiiyak kong tanong, bumilis ang tibok ng puso ko nang mahina itong umiling. "Answer me! Damn it!" Napahawak ito sa dibdib dahil sa biglaang pagsagot ko. Pero hindi siya nadala at hindi pa rin sumagot.

"Eerrah! I told you not to go here because it's dangerous!" Lumingon ako kay Vicente na kakapasok lang. At alam kong hindi ko na natiis ang nararamdaman ko. Kinuha ko ang baril mula sa palda ko at itinutok sa kanya.

"Tell me what happened t-to dad! Nagmamakaawa ako Vicente, sabihin mo sa akin, gagaling ba si daddy? Magiging ayos ba siya?! Sumagot ka!" umiiyak kong tanong, he just shook his head kaya pakiramdam ko ay nawalan ako ng pag-asa.

"Hindi ko alam Eerrah, hindi ko alam." Tuluyan nang bumagsak ang baril na hawak ko pati ang pag-asa ko. I didn't know how I was able to reach my dad, lumuhod ako sa tabi ng hospital bed nito bago hawakan ang kamay niya.

"D-Dad, h'wag naman," pailing iling kong sabi.

"Even if you can't hear me, I know that your heart will understand me, dad. Daddy 'wag mo 'kong iiwan." Pagmamakaawa ko, halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Pinaghalo-halong sakit at galit.


I'll make sure that I'll make that person who did this to my dad pay. "Hindi 'to aksidente, malakas ang pakiramdam ko na sinasadya itong mangyari sa tatay ko."

"How can you say so Eerrah? You don't know what happened." Napailing ako nang sunod sunod sa sinabi ni Vicente.

"Are you really stupid to notice it? You've grown some balls but you're still stupid, Vicente," mapang-uyam na sabi ko, he clenched his jaw bago ako sakalin. Idinikit niya ako sa pader at mahigpit na hinawakan ang leeg ko.

"Don't you dare insult me Eerrah, ikaw ang bobo dito dahil hindi mo alam ang nangyari sa daddy mo, nandoon ka sa ibang lugar at napapakasaya." Lalong lumukob ang galit sa dibdib ko.

Hindi ko na naramdaman ang sakit na ginagawa niya, mas nanaig ang lakas ko kaya buong lakas kong inalis ang kamay niya at hinagis siya. 

Tumalsik siya dahil sa lakas na binuhos ko. Pagkalapit ko sa kanya ay sinakal ko siya at inangat sa pader.

"You weak, hindi mo talaga ako kinilala Vicente. Hindi mo alam kung sino ako kapag nagagalit ako." Ibinalya ko siya sa sahig dahilan para mapaubo siya ng dugo. I don't care how old is he right now, papatayin ko siya kung gusto ko.

"Eerrah, don't kill me apo." Napatawa ako nang malakas nang marinig ang sinabi nito.

"Apo? Tinawag mo akong apo?! Wow! For the very first time Vicente! Should I congratulate you? You look like a responsible grandfather now. Am I bad? I hurted you lolo." Pineke ko ang pag-aalala sa boses ko, hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin.

"You worthless child—"

"Shut the fucking up! Don't act like you knew me well dahil hindi naman! Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin sa 'yo ngayon?" Lumapit ako at lumuhod kapantay niya. 

Hawak hawak niya pa rin ang leeg kaya napangisi ako bago muli siyang sakalin. Napaatras at namutla siya dahil sa ginawa ko kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kanya.

"I want to kill you, Vicente. I want you gone, but I can't do it, and you know why? Because I love you. I love you as my grand father but you can't love me back, gustong gusto kitang patayin pero putangina lang dahil napakamaawain ko!" 

Lumambot ang ekspresyon niya nang makita ang pagtulo ng mga luha ko. Marahas na binitawan ko siya pero hindi pa rin ako lumayo "Even if I wanted to kill you, mas gusto ko pa ring patayin yung sarili ko. Kasi may kahinaan ako, ikaw 'yon at si daddy. But I swear Vicente, I swear to satan...If something happens to dad, papatayin kita, kakaligtaan kong kadugo kita."

I left him dumbfounded, my heart is still raging in fire. Galit na galit ako, at alam ko kung saan papatungo ang galit na nararamdaman ko. 

Mas lalo pang nadagdagan at bumigat ang nararamdaman ko maging ang galit ko nang makita muli si dad. Tuluyang nang bumuhos ang mga luha ko kasabay nang pagkawala ng mga hikbi sa bibig ko.

"I'm sorry," I whispered.


"I always want to find my mom to the point that I already forget about you. I already forget about the person who's always there for me when I have no where to go. Ang selfish ko dad, ang selfish selfish ko po. Ito na ba yung karma ko? Bakit ikaw dad? Bakit ikaw yung pinagbuntungan? Dapat ako, dad. Dapat ako yung nakahiga diyan hindi ikaw, dapat ako dad. Lahat na lang sinasalo mo! Lahat na lang ng sakit ko, dad. Lahat na lang dad ikaw ang sumasalo, paano ka dad? Paano yung sarili mo?!" Bumiyak ang boses ko dahil sa pag-iyak. Kahit anong punas ko ay hindi matigil tigil.

"Isipin mo naman yung sarili mo dad, kasi puro ako. Puro ako na lang nasa isip mo pero never mong inisip yung sarili mo! All of your life dad, ako ang nasa center ng buhay mo. Daddy, h'wag naman gano'n. 'Wag please, mahal na mahal kita daddy, mahal na mahal kita." Hindi ko na nakayanan lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Ang alam ko na lang ay unti unting nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko, pero ramdam ko ang galit na pinaka-angat sa lahat. 

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon