Chapter 28

37.6K 1.4K 42
                                    

Napapikit ako nang dumampi ang malamig na hangin sa balat ko. Iminulat ko ang mata ko only to find myself sleeping beside the only man I love. Napatingin ako sa sinag ng araw na sumilip sa kurtina ng bintana.

Umaga na pala, hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako kagabi. Masyado na yata akong occupied sa mga nangyayari, pati pagtulog ko hindi ko na makontrol.

I quietly looked at the man beside me, napangiti ako nang makita ang payapa nitong pagtulog, he's really handsome. I wonder kung gaano ba kaswerte ang isang tulad ko na sa akin napunta ang lalaking 'to.

"Hey, wake up." Bulong ko, pero mahimbing pa rin ang pagtulog nito kaya napasimangot na lamang ako. Sinubukan kong bumangon pero humigpit ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko kaya bumagsak lang din ako sa kama.

"Still possessive even if you're sleeping." Natatawang nasabi ko. I traced his face. Muli kong sinubukan ang pagbangon pero ayaw talaga niya akong pakawalan, kaya wala na akong nagawa kung 'di halikan siya sa labi. 

Napangisi naman ako dahil successful na gumaan na ang braso niya. Unti unti ko itong inalis sa akin bago dahan dahang bumaba ng kama. I went to his walk in closet at kumuha ng damit doon.

Kumuha ako ng white oversized t-shirt at isa namang short. Pagkatapos non ay dire-diretsyo akong pumasok sa banyo niya. And I almost cried again when I was inside. 

Lahat ng gamit dito ay hindi lang para sa isang tao, nagsimula ako sa tootbrush niya na kulay itim at may katabi rin itong isa pa na kulay violet naman.

Nagsimula na akong maligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis na din agad ako sa loob ng banyo. Sinuklay ko na rin ang buhok ko dahil may nakita naman akong suklay sa tabi ng malaking salamin. 

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng banyo, napahagikhik na lamang ako nang makitang tulog na tulog pa rin siya. I should cook for him para paggising niya ay may kakainin na siya.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretsyo papunta sa kusina nila. Napansin naman ng mga maids ang presensya ko, I was surprised nang hindi sila magulat nang makita ako, para ngang masaya pa sila.

"Siya ba yung girlfriend ni sir?"

"Oo siya nga, ang ganda niya grabe."

"Siya yung nakita ko na nasa malaking picture frame doon sa isa pang kwarto." What? May isa pang kwarto at may picture frame ko roon? Nakinig muna ako para hindi na malito.

"Ibig sabihin pala ay sa kanya 'yong kwarto. Mahal na mahal talaga siya ni sir 'no?"

"Okay na rin 'yon, para hindi laging bismud si sir."

Sikreto akong napatawa, pero mahina lang. Ibang klase rin talaga si Primo ko, adik sa alindog ko. "Ahm, hello. Pwede bang turuan ninyo akong magluto para kay sir Primo ninyo?" nahihiyang turan ko sa kanila, mukhang nagulat pa sila nang kausapin ko sila. Pero maya maya'y nagsingitian sila.

"Nako ma'am! Okay na okay lang po, ang sweet ninyo naman po kay sir." Kinikilig pa na sabi nila kaya napatawa na lang ako nang mahinhin. Oh shit, hindi bagay sa akin maging mabait at maging mahinhin. 

"Ano po bang gusto ninyong iluto?" tanong ng isang maid, bigla akong pinamulahan ng mukha dahil sa hiya. Hindi naman kasi ako nagluluto, sa apartment ko ay puro junk foods, can goods, cup noodles, at lutong pagkain na ang mga kinakain ko. Kaya nga kahit hotdog hindi ako marunong.

NAPANGITI AKO nang matamis nang matapos na ang pagluluto ko, thanks to his' maids at nagwagi ako. Tinuruan nila akong magluto ng hotdog, bacon, ham, pati fried rice ay tinuruan din nila ako. Kaya magiging good girl ako sa kanilang lahat.

"Nako ma'am! Si sir ho nagwawala!" Takot na takot na bungad sa akin ng isang maid. Pinatawag ko sa kanya si Primo tapos nagalit sa kanya? "Po? Bakit daw?" takang tanong ko.

"Aba'y sinigawan ako ma'am, eh. Nasaan daw po yung baby niya, eh wala naman po siyang anak. Natakot po tuloy ako kaya kumaripas ako dine. Ako'y nanginig panaglitan ma'am, eh. Ako talaga'y hihimatayin." Napahagalpak ako nang tawa kaya nagsitawanan na rin yung ibang mga maids. Batangeño kasi siya kaya gano'n ang pananalita.

"Ma'am ayan na si sir!" sigaw ulit niya bago magtago sa likuran ko. Maging ang ibang mga maids ay nanginginig din sa takot. They're so innocent.

"Fuck— Baby?! Oh God baby!" Mahigpit akong sinunggaban ni Primo nang yakap pagkakita niya sa akin. "Tinakot mo na naman yung mga maids." Irap ko sa kanya.

"You can't blame me, akala ko umalis ka na. Don't get mad at me, I love you." Namula ako sa hiya. Rinig kong nagbulungan ang mga maids sa likuran namin. Napahagikhik na naman ako nang mahina na ikinakunot ng noo ni Primo 

"Don't mind them baby, by the way. Did you cook all of these?" tanong niya, tumango naman ako. I saw a glimpse of happines in his eyes.

"Let's eat, baka ikaw pa kainin ko." Napalo ko siya sa braso pero tinawanan niya lang ako. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to.

Umupo na kami sa dining, habang yung mga maids naman ay nagse-serve sa amin. Pinilit ko silang sabayan kami pero umiling lang sila at tumingin pa kay Primo na kasalukuyang seryoso ang mukha.

Nilingon niya ako bago ngumiti. He stole a kiss from me that made me speechless. "That's what I want. An appetizer. Sarap," nakangisi niyang sabi bago muling dampian ng halik ang labi ko.

"Leche ka, nakakahiya ka," namumulang sabi ko, he just grinned and chuckled because of my reaction.

"I love you, baby. Mahal na mahal kita," he whispered on my ear before pinching the sides of my waist.

For goodness sake, how can I handle a boyfriend like him? Masyadong malandi. Baka hindi ako magtagal sa presensya nito dahil sa mga pinaggagagawa niya, napaka-extra lagi.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon