Chapter 5

54.3K 1.8K 183
                                    

"My father? And you actually believe in that old man? You morons. Mga gago ba kayo at hindi kayo marunong kumilos nang hindi sinusunod ang utos ng gagong 'yon? The hell with that fucking old man at talagang hawak kayo sa leeg?!" Nakita ko ang pamumula ng leeg ni daddy dahil sa galit. I held his shoulder para pakalmahin siya.

"We're sorry, Mr. Pero 'yon na lang din ang naiisip naming paraan dahil hindi na namin nakokontrol ang--"

"Oh talaga ba kalbo? Kaya pala noong pinilit kayo ng tatay ko na 'wag paalisin 'to si Eerrah ay ginawa ninyo, tapos ngayong pinipilit kayo na paalisin ay gagawin ninyo rin? And now you're telling me that kicking my daughter out from this school is the best solution?! Putang ina ninyo." Nagulat ako sa biglang pagmumura ni daddy. Napatayo na rin si dean sa kinauupuan niya. Mabilis ko nang hinila ang tatay ko palabas ng office bago pa man 'to mangagat.

"Daddy! Para kang ewan! Nagmumukha ka tuloy squatter sa pagmumura mo!" bulyaw ko sa kaniya nang makalabas kami. Napadaing naman ako nang batukan din ako nito.

"Kapag tagalog ang mura, squatter? Kapag english, hot? Gano'n ba anak? Sino bang hindi mapipikon sa mga tarantadong 'yon? Mga mukha pa lang wala pa ata sa kalyo ng paa--"

"May kalyo ka?" taas kilay kong tanong.

"Wala! I mean, mga mukha pa lang nila wala pa yata sa kuko ko sa paa. Sa gwapo kong 'to kakampihan nila yung gurang at tanda na 'yon? Talagang mapapatay ko 'yong mga 'yon," nakapameywang na sabi nito kaya napailing ako.

"Hindi mo na dapat sila pinapatulan pa, dad," nag-aalalang sabi ko, umiling lang din siya.

"Tsk. Marunong ka pa sa akin, ha? 'Di mo ba nakita mukha nung dean na 'yon?--"

"Dad enough," saway ko rito bago lingunin si Aeiou sa tabi ko. "Eerrah, una na ako," nahihiyang paalam ni Aeiou na tinanguan ko lang. Ngumiti naman ng malapad sa akin si daddy pagkaalis ni Aeiou.

"What now dad? Saan na akong school lilipat?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan.

"I have no choice anak, but I think I need to find a new school for you. Hindi naman ganon kadali ang paglipat mo dahil marami kang records. Bakit ka ba kasi nagmana sa akin. But anyway, I'll do my best to find a school as soon as possible." Tumango naman ako at ngumiti.

"BAKIT KASAMA ang babaeng 'yan? Sa pagkakaalam ko ay ako lang ang natanggal sa school at hindi siya kasama," iritang sabi ko bago ituro si vowels na nakabusangot na. Siya pa talaga ang nakabusangot samantalang ako nga ang walang ka-alam alam sa mga nangyayari? Nagmumukha tuloy akong tanga rito.

We're in front my apartment right now. Sabi ni daddy ay ngayon niya raw ako dadalhin sa school na tinutukoy niya. Empires High. That's the name of the school and I'm not familiar with that.

"Kasi kasama ako, gano'n lang kasimple Eternity." Muntik ko nang maihampas kay Aeiou ang-dala dala kong maleta dahil sa pagsagot niya. Kung 'di lang 'to babae sasapakin ko 'to sa panga.

"Ano, 'di ka sasagot nang maayos?" banta ko sa kaniya bago siya ambahan. She automatically stopped me before speaking up. 

"Oo na! Kung kilala mo si Kaliber, siya ang nag-utos sa akin na bantayan ka." Napatingin ako nang matalim sa kanya. 

"Pinapabantayan ako ni Kaliber?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Ahh, oo? Kasasabi ko lang, Eerrah." Pilosopo talagang 'tong gurang na 'to. Actually, maganda naman talaga siya, wala na siyang salamin ngayon at nakalugay na rin siya. Mas bagay sa kanya para hindi siya magmukhang kaawa-awa, ako pa tuloy sumasalo ng kaeng-engan ng babaeng 'to.

"Tangina. Bakit ka nandito?!" sigaw ko agad nang makita ko pa lang si Kaliber na kalalabas lang ng sasakyan niya. 

"Nice to see you again Eternity, sabi na at papayag ka talaga." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi nito.

"For your information hindi ikaw ang nagpapayag sa akin, it's my dad. At magkasundo pala talaga kayong dalawa!" I answered. 

"Whatever, pumayag ka pa rin. Anyway, sir, we have to go, baka ma-late pa kami," paalam ni Kaliber.

"Anak mag-ingat ka roon, baka—"

"Dad come on! Aalis na kami, dami pang satsat," naiirita kong sabi at hinila na ang maleta ko.

 "Ikaw naman, ang init agad ng ulo ng babygirl ko! Magpaalam ka muna kay daddy!"

"Okay, bye po. Salamat po. Mamimiss ko po kayo. Sobra po," sarkastikong sabi ko, napairap at napangiwi ako nang tumawa lang sila. Humalik muna ako sa pisngi ni daddy bago maunang sumakay sa kotse.

Sunod na sumakay si Kaliber at nagsimula nang paandarin ang sasakyan, hindi na lang ako kumibo at nagpasyang ilabas ang earphone ko. Sinaksak ko ito sa cellphone at sinalpak sa tenga ko.

Kailangan ko mag-beauty rest.

"Hey, gising na. We're here." Agad kong sinampal ang taong gumulo sa pagtulog ko. Pero bigla rin akong napamulat nang ma-realize ang ginawa ko.

"Ouch! What the heck! Bakit ka nananampal?!" sigaw ni Kaliber na ngayon ay nakasalampak na sa kotse

"Pasensya ka na totoy, nasobrahan lang sa pagde-day dream" parang wala lang na sabi ko at bumaba na ng kotse. Nabungaran ko si vowels na parang bugnot na bugnot habang kinakamot ang batok.

"Tsk. Ibang klase, balik ka na naman sa dati," rinig kong sabi ni Kaliber mula sa likuran ko. Nanahimik na lang ako habang bitbit ang bagahe at bag ko. 

"Akala ko ba nandito na tayo? Ano 'to? Camping ba ang pinuntahan natin? O jungle club?" sarkstikong tanong ko nang makita ang gubat sa harapan namin.

"We'll get there soon," sagot ni Aeiou na ikinatango ko na lang. 

"Hoy, Aeiou! Bitbitin mo 'tong bagahe mo! Kapal ng mukha?!" Napatawa naman si Aeiou sa sigaw ng lalaki bago dali-daling bumalik at hatakin kay Kaliber ang maleta niya. 

"Hindi ka talaga gentleman!" sigaw ni Aeiou na hindi naman mukhang galit, nagpapa-cute lang 'to.

"Oo! Dahil beastmode ako ngayon!"

Ayos din ah, nakakairitang makita 'tong dalawa. Sarap pag-umpugin. "Tsk, diyan pa naman nagsimula lolo't lola ko," pailing-iling na sabi ko.

"Sila 'yon hindi kami!" sabay nilang sabi at sabay din silang humarap! Nagkatingin pa sila pero nag-iwas agad ng tingin sa isa't isa habang namumula ang mga pisngi. Walanghiyang lovestory 'yan.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon