Chapter 16

44.3K 1.6K 124
                                    

"I'll make love to you, like you want me to." Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko nang marindi na naman ako sa bunganga ng baklang Daize na 'to.

"Grabe ang lakas talaga ng epekto ng marijuana lalo na sa mga immortal na kalabaw," bulong ko sa kawalan.

Galit na hinarap naman ako ni Daize na nakapameywang pa talaga. "What? You make bulong bulong na naman there ha! Lagi mong dina-damage ang maganda kong image!" maarte niyang sabi.

"Magandang image, ang puta. Sa'yong imahe lang ang may pinakamababang quality!" galit kong singhal. Napahawak naman siya sa dibdib at umakto pang nasaktan sa sinabi ko.

"The audacity of this bitch to make sabi na mababa ang quality ko. Excuse me, I'm expensive and aesthetic." Pumitik pa talaga sa hangin ang loka. Natatawang napailing na lang si Red at Vivrianne na nakaupo sa sofa.

"Expensive pero natumba sa lupa noong sinugod ni Primo," I mocked him before sticking my tongue out.

"Omg!" he groaned. Mabilis siyang umupo sa harapan namin. "Hindi pa nga pala natin napag-usapan 'yung bagay na 'yon. So Eerrah," nakangising lumingon sa akin si Daize habang tinataas baba pa ang magkabilang kilay.

"Ano?" siga kong tanong. "Spill the tea," Red added.

Napairap ako nang wala sa oras dahil sa pagiging chismosa nila. "Anong spill the tea? Gusto n'yo buhusan ko kayo ng tsaa?" untag ko.

Agad namang napairap si Daize. "Omg why are you making it literal ba kasi? Tell us the relationship between you and my baby Primo. Sinugod niya ako kahapon like he's so jealous of my beauty!" irit niya.

Napaismid ako. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa utak ng Primo na 'yon. Selos? Bakit naman siya magseselos? Kahit kailan hindi ako magugustuhan ng lalaking 'yon, lagi nga akong binubwiset! 

Pero gano'n pa talaga siya kahigpit sa mga utusan niya? He won't let any man come closer to me. Or baka naman may trauma siya sa mga lalaki? Ewan ko, ginugulo niya ang utak ko!

"Hindi 'yon nagseselos. Lahat naman mabwi-bwiset kapag nakita 'yang mukha mo," pang-aasar ko. Humagalpak ako ng tawa nang sugurin ako ni Daize para kilitiin.

"Layas! Ahh!" sigaw ko bago magpakawala ng tawa nang hindi pa rin siya makuntento sa pagkiliti sa akin. Mabilis kong hiniklat ang buhok niya bago siya sabunutan. Agad naman siyang napabitaw sa akin bago ako samaan ng tingin.

"You make gulo gulo my hair na naman! Argh! I'm so nanggigigil sa 'yo! Pasalamat ka you're so beautiful like me kaya hindi kita sinasaktan!" he groaned.

Umismid lang ako. "Yang buhok mo naka-ilang kulay na 'yan, kapag nasira 'yan bahala ka sa buhay mo. Makakalbo ka," saway ko sa kaniya.

Hinawi niya naman ang bangs bago ngumuso. "Opo, mommy Eerrah!"

"Mommy Eerrah, amputa. Kung ikaw lang ang magiging anak ko hindi na kita iluluwal!" sabat ko sa sinabi niya.

He just flipped his imaginary long hair. "Mawawalan ka ng chance na magkaroon ng aesthetic baby, excuse me!"

Hinilot ko na lang ang sentido nang manakit na naman ito. Nababaliw ako rito kay Daize, para kang nag-alaga ng sampung koreano sa pagkahilo sa lengguaheng ginagamit niya.

"TOTOO PALA 'yung sinabi mo kanina? Lalabas talaga tayo ng Empires High?" mangha kong tanong kay Primo habang nakasilip sa kotse niya. Binaba niya pa ang salamin sa bintana bago ako titigan nang masama.

"Ano pang tinatayo mo diyan? Sakay," he said.

Napairap ako bago umikot papunta sa passenger's seat. Nakabusangot kong binuksan ang pintuan ng kotse bago sumakay sa tabi niya.

"Saan tayo—" Napahinto ako sa pagsasalita nang lumapit siya sa akin. He grabbed my chin before kissing my lips gently. Pagkatapos ay lumayo siya nang nakangisi, kasabay rin no'n ay ang pagkabit ng seatbelt sa akin.

"Oh, sorry. You forgot about your seatbelt," nakangisi niyang sabi bago imaubra ang sasakyan.

"Seatbelt pero may kasamang kiss? Namumuro ka ng bwisit ka!" Mabilis ko siyang sinapok sa ulo. Agad naman niyang sinalo ang kamay ko bago ako hilahin papalapit. Naiiritang umiwas ako nang tangka na naman niya akong halikan. Nag-landing tuloy ang labi niya sa pisngi ko.

Padabog akong lumayo atsaka siya sinamaan ng tingin. "Sumosobra ka na sa pananachansing mo sa akin!"

Balewala niyang pinagpatuloy ang pagmamaneho ng sasakyan. "That's part of our deal," he answered me.

"Lahat na lang parte ng punyetang deal na 'yan! Ang sama ng ugali mo, nakalimutan mo yata maging tao," panunumbat ko.

Hinila ng malaya niyang kamay ang kamay ko bago ito hawakan nang mahigpit. Hindi na ako nakaimik at nakapalag, we'll end up arguing and it doesn't make sense.

"I'm sorry," he whispered. Pabalang akong lumingon sa kaniya.

"Sincere na 'yan, ha?" paninigurado ko.

He laughed before nodding his head. Hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Yeah."

Wala sa sariling lumingon ako sa bintana atsaka ngumiti nang matamis. Pakiramdam ko ay namumula ang magkabila kong pisngi dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng puso ko sa tuwing magkakadikit ang mga balat namin. Kinulam kaya ako ng hayop na 'to?

"Grabe, ang fulfilling pala makalabas sa school na 'yon. Para akong bagong laya sa kulungan," madamdaming saad ko habang tinatanaw ang mga nadadaanan naming gusali.

Primo chuckled mischievously. "Akala ko nga mapapabagsak mo ang mga tauhan ko, but it seems like you're hesitating," he said.

"So sinasabi mong mahina ako, gano'n ba, ha?" nanghahamon kong tanong.

"I didn't say anything."

"Yon ang pinapalabas mo!"

"This is my tone," nakangisi niyang sabat.

"So, you're mocking me?"

"I'm not mocking you, Eerrah." Napairap ako nang pangmalakasan dahil sa pagkairita sa lalaking 'to.

"Hindi ako mahina, kayang kaya nga kitang ibalibag, gusto mo subukan ko?" asar kong sabi.
"Ang ingay mo."

"Hindi ako maingay! Nagsalita ka kaya sinagot kita!" pumapadyak kong sagot. Muli kong binaling ang tingin sa unahan bago bumulong. "Ayoko silang saktan kasi ako naman ang lumalabag sa batas. Ginagawa lang nila ang trabaho nila."

I heard him cleared his throat. "Nakokonsensya ka?"

Marahas ko siyang nilingon. "Malamang! Ano bang akala mo sa akin, kagaya mong demonyo? May natitira pang pagkatao sa puso ko kasi 'yon ang mga requirements sa pagiging dyosa."

Tumawa na naman siya na nakapagpatulala sa akin. Tanginang lalaki 'to, ang gwapo gwapo ng mukha. Parang anghel na bumaba sa langit pero pang-demonyo ang ugali. In short, fallen angel.

"I didn't know that you're a good person. Akala ko kasi puro pagyayabang at kahambugan lang ang nasa loob ng utak mo."

Napangisi ako sa sinabi niyang 'yon. "Kung hindi mo matatanong, lagi akong may award noong elementary bilang pinakatahimik at mabait na estyudante kaya—"

"Yeah, just shut up."

Pasimple ko siyang binugbog sa isipan ko nang putulin niya na naman ang pagyayabang ko. Walanghiya talaga ang ugali nito kahit kailan. Walang pakundangan sa pambu-bwiset sa akin.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon