Chapter 4

55.8K 1.7K 150
                                    

Nabaling ang tingin ko sa unahan nang pumasok si Mrs. Gamelo kasama ang isang babae. Bagong estyudante? 

 "Young lady. Introduce yourself." Uy shet malupet, buti talaga at hindi ako dumaan sa ganito dati.

"Hello, everyone! I am Aeiou!" nakangiti na sabi nito bago ituro ang maliit na name tag sa uniform. Ano? Pangalan niya vowels? 

"Thank you for that, Aeiou. You can sit beside Eerrah." Tinatamad na tinaas ko naman ang kamay ko para makita ako ni vowels pero nanliit ang mga mata ko nang ngumisi ito. 'Wag niyang sabihing crush niya ako?

"Hello, Eerrah," bati sa akin nitong si vowels pagkaupo niya, umismid naman ako. Inayos niya pa ang salamin niya bago ngumiti nang malapad. 

 "Tsk, shh, maingay," saway ko, tumikhim ito bago umiwas ng tingin. Mabuti naman at masunurin. Natulog na lang ako magdamag sa klase hanggang makaramdam ako nang pagyugyog sa balikat ko. Gigil naman na nag-angat ako ng tingin bago kusutin ang mga mata ko.

"Sinong nagbigay sa 'yo ng pahintulot na guluhin ang tulog ko?" inis na tanong ko kay Aeiou na siyang kumulbit sa akin. 

"Sabi kasi n-ni ma'am Gamelo ay sa 'yo raw ako magpa-tour. Binilin niya rin sa akin na kapag tumanggi ka raw ay tatawagan daw nila ang daddy mo at isu--"

"Oo na oo na! Kailangan talaga may banta pang kasama. Tara na, kakain muna ako at baka ikaw ang lamunin ko." Sumunod na lang siya sa akin na talagang dapat lang! Baka hindi ko siya matansya at masapak ko pa siya. 

Pagkarating namin sa cafeteria ay gano' pa rin, mga mukha pa rin silang puwet lahat. Humanap kami ng komportableng table malapit sa entrance.

"Ako na ang oorder, Eerrah. Ano bang gusto mo?" Feeling close talaga 'tong babaeng 'to. 'Di ko need ng friends. 

 "Lasagna, tatlong order. Tapos juice." Tumango naman siya at nilantad pa ang ngipin niyang may braces kaya halos mabato ko siya ng upuan, mabuti na lang ay nakaalis na.

Nang mapansing sobrang tagal bago bumalik ni vowels ay tumayo na ako sa kinauupuan ko. Pinabantayan ko muna sa isang estyudante ang upuan ko bago pumunta sa pinagkukumpulan at pinagtitinginan. Nahagip nang mga mata ko si vowels sa harapan ng grupo ng mga lalaki.

"Why are you wearing your glasses anyway? Maganda ka pa naman sana, lampa nga lang." Napangiwi ako nang makita si MJ, leader ng mga bangag. 

"Kaya nga po ako lampa kasi malabo po mata ko." Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni vowels. Pilosopo rin pala 'to.

"Talagang sinusubukan mo ang pasensya ko," nakatiim bagang na atungal ni MJ, nakita ko ang simpleng pagsenyas niya sa mga alipores niya kaya mabilis akong sumingit.

"Napakahambog talaga," pailing iling na sabi ko dahilan para mapunta sa akin ang lahat ng atensyon, maging si MJ. 

"Eerrah? You clearly told me before that I can d-do everything I want!"

"Hindi kasama ang babaeng 'yan sa kontrata ko. Leave her alone, subukan mong hawakan ulit ang babaeng 'yan at itutuloy ko ang pagpatay sa 'yo." Hinigit ko si Aeiou para umalis na sana pero pagtalikod ko pa lang ay napatigil na ako sa sinabi ni MJ. 

 "Kaya siguro galit ang lolo mo sa 'yo, masyado ka kasing pakialamera." Nagtagis ang mga bagang ko bago humarap sa kanya. Paano niya nalaman ang tungkol sa alitan namin ni lolo?

"H'wag mong ungkatin ang sitwasyon ko," madiin na sambit ko pero ngumisi lang ito. Naiyukom ko nang mariin ang mga kamao ko sa galit. "Paano mo nalaman ang tungkol sa amin?" nakatagis ang mga bagas na tanong ko.

"I have many connections—" Hindi ko na ito pinatapos dahil mabilis ko na siyang nilapitan at sinapak. Hinila ko ang kwelyo niya at binagsak siya sa table na nawarak, bumagsak siya kasabay ang sirang table. Hindi pa ako nakuntento, sumampa ako sa kanya at sinakal siya sa leeg. 

 "Don't you dare fucking use my situation here! Hindi mo alam ang kwento ko!"

"Eerrah! Eerrah stop! Mapapatay mo si MJ!" Natauhan na lamang ako nang marinig ang boses ng mga professors. Ramdam kong may humila sa akin patayo, napatingin ako kay MJ na umuubo habang namumutla. Damn! Hindi dapat ako pumapatay sa publiko! Tangina!

"REALLY BITCH? You almost killed my son, you brat. Anong kasalanan sa 'yo ng anak ko, ha?!" Napapikit ako nang bumarat na naman 'tong fastest rapper in the world. 

"Kung hindi po kasi ratatat 'yung bunganga ninyo edi sana hindi magmamana sa inyo yung anak ninyo," simpleng sabi ko, humigpit naman ang pagkakahawak ni Aeiou sa braso ko.

"Eerrah!" saway ng dean sa akin, napairap na lang ako. Tanginang 'yan, laging ako ang naaagrabyado. Akala ko ba bawal awayin ang mga diyosa? 

"See?! Tingnan ninyo kung gaano kabastos ang bibig ng batang iyan! Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo ng tamang manners?!" sigaw na naman ng nanay nitong si MJ.

Hindi ka rin po ba tinuruan ng tatay mo na manahimik kahit saglit?

"You don't have the rights to insult my daughter, miss." Nanlaki ang mga mata ko nang makita si daddy sa pintuan. Nakamata lamang ako sa kanya hanggang sa umupo siya sa harapan ko. Gustong gusto kong lumundag sa tuwa nang makita ko siya ulit. Ngumiti ito nang matamis sa akin at kumindat pa. Napairap na lang ako sa kaartehan niya.

"First of all, your daughter tried to kill my son--"

Daddy chuckled. "Chill, miss. Mabuti nga at hindi pa natuluyan ang anak mo, 'di ba? Kalma ka lang, masyado kang hot." Napatawa naman ako sa kagaguhan ng tatay ko. Nakita ko namang nabigla pa yung nanay ni MJ maging ang dean.

"Wow. Now look, saan pa nga ba magmamana ang walang breed na babae--"

"Hindi naman kasi kailangan no'n, miss. Hindi naman aso ang anak ko. Pasalamat ka nga at hindi pa kita binabaril sa ginagawa mong pang-iinsulto sa anak ko hindi ba?" dad answered while flashing a sweet smile. "Just kidding, you're taking it seriously," he added.

"Mr. Ferrer. Gusto lang naming sabihin sa inyo na sobrang daming records ni Eerrah sa buong taon. And we don't tolerate those kinds of attitudes. Nakiusap na rin sa amin ang lolo ni Eerrah na tanggalin na rin siya rito." Nabigla ako sa sinabi ni dean, parang kailan lang ay nagmamakaawa siya sa mga teachers na 'wag akong i-kick out.

Bwisit talaga 'yung matanda na 'yon, laki ng sapak ampota.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon