Chapter 7

49.2K 1.6K 135
                                    

"Good morning students." Pagkapuno ng buong gymnasium ay may pumunta na kaagad sa harapan na lalaking tingin ko ay nasa 40 plus pa lang.

Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Pagkasuot naming ng uniform ay bigla na lang akong hinila ng tatlong panggulong tao sa buhay ko. Announcement daw, e wala naman akong pakealam.

"Incase if some students doesn't know me, I am Thanatos Kai. Head of the Councils." Ngumiti ito nang matamis na kahit na sino ay mahuhumaling, alam ko kung gaano ka-espesyal ang taong 'to dahil lahat ay tahimik. "We discussed about different platforms for the school, and since it's the first day of school right now, councils will discuss about the informations."

Mula sa likod ng gymnasium ay nagsilabasan ang walong taong talagang masasabi mong may dating. Ayos, lahat sila ay may mga ipagmamalaking mukha. Lalo na yung nasa gitnang lalaki. Puta, 'di ko ugaling magka-crush pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

Lintek, may crush na ako!

Sabay sabay silang naglakad papunta sa gilid nung Thanatos. Lintek lang, nadako pa tingin sa akin ni vowels at ni Kaliber. Inirapan ko lang silang dalawa dahil mga mukha silang pabigat. Ang papangit ng mga mukha nila nakakaasar. Nabalik ang tingin ko sa crush ko na pumalit kay Thanatos the old man.

Inayos niya ang salamin bago ngumiti nang matamis. Okay, enough na. Hindi ko na siya crush. Mga 5 seconds lang. Nakalimutan kong may phobia nga pala ako sa mga lalaki.

"First of all, we want to apologize for the absence of our president Primo. He has some business to do, but by the way. I am Senses Park, the vice president of councils. And I am here to discuss about the platforms for this school," anunsyo nito.

Nagtatakang kinulbit ko si Daize sa tabi ko. "Hoy, sino si Primo?" tanong ko. He flipped his imaginary hair. "Primo Knights? He own this school, he's my husband and the love of my life."

Napangiwi ako nang wala sa oras. "Kagigising mo lang mananaginip ka na agad. Asa namang magustuhan ka non e Knights..." Napatigil ako sa pagsasalita nang maproseso sa utak ko ang apelyidong nabanggit. "Putangina. Knights?" gulat kong tanong.

Daize nodded. "Same reaction, girlalu!"

Mas lalo akong namutla. Kailangan ko nang makaalis sa paaralan na 'to bago ko pa makatagpo ang taong 'yon. Knights, that surname means death. Whoever gets close to them might be in danger. Gago ako, gusto ko ng gulo pero takot akong mamatay. At ayokong madiskubre ng taong may-ari ng school na 'to ang katarantaduhan ko kaya mas mabuti pang makalayas na agad ako.

TULALANG PINAGMASDAN ko ang professor na kapapasok lang sa classroom. She smiled sweetly bago ayusin ang salamin na nalalaglag. "Hi, students! I know that some of you doesn't know me, kasisimula ko lang dito. Sana ay magkasundo-sundo tayong lahat."

Napailing-iling ako. Parang hindi pa yata nito alam ang trabahong napasukan niya. Hindi na ako nagtaka nang batuhin siya ng isang estyudante ng binilog na papel. The professor looks surprised with that. Sinundan ng tawanan ng buong klase ang nangyari, tahimik lang kaming apat nila Daize habang pinapanood ang mga bobong fetus sa paligid.

Gustong-gusto ko nang manapok pero pinili kong hindi makielam sa mga pinaggagagawa nila. Hindi naman ako ang kinakanti nila kaya ayokong pumalag sa mga estyudante rito na kinulang yata sa buwan. Sinundan ko ng tingin ang professor na tumakbo papalabas habang umiiyak.

The students around me laughed like they won in a game. Hindi nila alam na nagmumukha lang silang mga gago sa pang-aagrabyado ng taong wala namang ginagawa sa kanila. Nang-aaway lang naman ako kapag alam kong gago rin, pero hindi naman ako nagpapaiyak ng kung sinu-sino na lang. Baka mamaya ako na kapalit sa trono ni Satanas kapag ginawa ko 'yon.

Kumunot ang noo ko nang lumapit ang isang babae sa direksyon ko. Pinagmasdan ko ang mukha nito na may mga iilang tattoo, halatang adik at tanga. Pinatong niya ang magkabilang palad sa lamesa ko bago ako ngisian nang malademonyo. "Hi, there. You're new? I'm Alexandra by the way!"

Iniwas ko ang tingin sa Alexandra na 'to. Pakiramdam ko kaharap ko si Medusa, baka mamaya maging bato pa ako kakatitig dito.

"How dare you ignore me, bitch?" she uttered while chewing her bubblegum. Nagtaas ako ng tingin para titigan siya nang diretsyo sa mga mata.

"Layas," mariin kong utos. She smirked at me playfully. "Excuse me?" hindi makapaniwalang tanong niya. Bingi yata 'to o usbaw.

Malakas kong hinampas ang braso niya dahilan para mapalayo siya sa lamesa ko. Matalim ang mga tingin na inangat ko ang mukha. "Sa susunod na lapitan mo ako, babalatan kita ng buhay."

PAGKABAGSAK KO ng katawan sa kama ay isang tawag agad ang bumulabog sa akin. Agad kong dinampot ang cellphone at sinagot ang tawag. "Hello anak! Good evening!" Napasimangot ako, tumagilid ako ng higa at ipinatong ang cellphone sa tenga ko para 'di mangalay. 

 "Hmm?" sagot ko.

"Are you sleepy? Sorry, anak! Pero ano? Kamusta diyan?" Napapikit na ako nang tuluyan dahil pakiramdam ko ay babagsak na ang mga mata ko.

"Dad," wala sa sariling naiusal ko. 

"Why Eerrah?" tanong nito.

"Find my mom, dad." Hindi ko siya narinig na sumagot, antok na antok na ako. Parang ano mang oras ay babagsak na ang mga mata ko. "I'm here, why are you waiting for her when I am already here?" he replied.

"I need her, I need my mom. I need to find some answers, dad. I lose my memories years ago, and maybe she can help me to gain it," I answered.

"Why do you have to find her? You're with me already, hindi naman kita pinapabayaan anak." What's with my dad? He seems off tonight. 

"Dad you're not my mom." Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko nang tumahimik ang kabilang linya.

"And I am not enough? Am I not enough for you Eerrah?" Napailing ako dahil sa sinabi niya. 

"This is the only way so I can gain my memories back. Maybe if I'll have the chance to see her face to face, baka makatulong siya," sagot ko.

"I'm sorry. I might not be able to help you with that one."

Napabuntong hininga na lang ako nang babaan ako ng tawag ni daddy. I shut my eyes in disappointment. How can I find my mom when no one is willing to help me?

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon