Special Chapter

45.4K 1K 142
                                    

Before the Wedding

"You look so beautiful in your dress, Eerrah," Arrow said while combing my hair using her fingers. Napatawa naman ako nang wala sa oras habang pinagmamasdan ang amusement sa mukha niya.

"Nagulat ka pa eh matagal na akong maganda," natatawa kong sabat sa kaniya.

She pouted her lips before giggling. Niyakap niya ako mula sa likuran. "Primo's so busy with your birthday. Talagang tinotoo niya pala ang sinabi niyang magarbong party para sa 'yo."

Ngumisi naman ako. "Patay na patay sa akin 'yon, paanong hindi ako mamahalin e full package na ako."

"Ang yabang ah." Nakabusangot na humarap ako sa pintuan nang pumasok doon ang pinsan kong ubod ng sama ang ugali.

Silhouette grinned at me. "Psh, ang panget mo."

"Mas pangit ka! Tingnan mo nga 'yang suot mo. A-attend ka ng birthday ko, hindi ka makikipagbakbakan!" hysterical na saway ko sa kaniya.

Pinagmasdan naman niya ang suot na itim na skinny jeans at leather jacket na black. "What's with my outfit? Masyadong makulay ang birthday mo kaya kailangang may isang flavor na extra! Kayo sweet flavor kayo, ako ang dark forest flavor."

Arrow giggled behind me. Talagang nagsisilbing comedian ang pinsan ko. Kung ano-ano na lang ang sinasabi niya.

"Ewan ko sa 'yo. You didn't even me greet me," nagtatampong saad ko bago siya talikuran. Narinig ko naman ang pagtawa niya mula sa likuran ko.

"Woah, what's with the tantrums, pinsan?" Naramdaman kong hinila niya ang braso ko paharap. "Oo na maganda ka na! Pero mas maganda pa rin ako sa 'yo dahil ako ang reyna ng underworld. Happy birthday."

Padabog niyang inabot ang isang kahon na nakapagpangiti sa akin. She really hates expressing herself, parang napipilitan pa ngang bumati sa akin. I just giggled before hugging her.

"Thank you, pinsan ko," nakangiti kong sabi.

Nandidiring lumayo siya mula sa pagkakayakap ko bago ako samaan ng tingin. "Nakakadiri. Mamaya may virus ka pa," inis niyang singhal sa akin.

Sumandal naman ako kay Arrow para magsumbong. Natatawang tinulak lang niya ang katawan ko. "Sige na, ayusin na natin 'yang buhok mo. Susunduin ka na nila Daize mamaya. I'm really excited to see the party's venue!" she excitedly said.

"Hindi mo pa nakikita?" takang tanong ni Silhouette habang nakakunot ang noo.

Umiling naman si Arrow sa tabi ko. "Ayaw nila tayong papuntahin doon. Baka raw i-spoil natin si Eerrah. Mga praning talaga," she added.

"Kaya pala hindi ako pinapasama ni Third! Tangina talaga mga traydor 'yang magkakapatid na 'yan. Baka nga ako pa ang pumatay kay Eerrah sa pagpapa-curious sa kaniya. Mga bwiset!" gigil na sigaw ni Silhouette.

Napatawa na lang ako sa inasta niya. Nagulat naman ako nang bigla na lang pumasok si Miyuki sa kwarto, Arrow's friend who's my friend also. 

"Hey, Eerrah. The party is all done. Halika na. Kanina pa nanggigigil si Primo na papuntahin ka roon. Baka raw tumakbo ka pa palayo." I giggled with what she said. Napakapraning talaga ng boyfriend ko na 'yon.

"Bakit ba kasi kailangan ninyo pa akong i-blind fold!" gigil kong saad habang inaalalayan ako ni Arrow at Silhouette sa magkabil akong braso.

"Ang ingay talaga ng pinsan ko, baka mabuntal ko 'to," reklamo ni Silhouette sa tabi ko dahilan para mapanguso ako nang bahagya.

"Tanggalin—"

"Ito na! Oh, sarado mo muna mga mata mo." I shut my mouth when Silhouette spoke. Hinawakan niya ang tali ng blindfold kaya agad akong napangiti. Ang hirap kayang tiisin ang blindfold na 'to!

Nang matanggal ang tali sa mga mata ko, I immediately opened my eyes just to get surprised.

"Happy birthday, Eerrah!"

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon