Chapter 13

44.6K 1.6K 78
                                    

"Get me a cup of coffee." Hindi pa ako nakakaupo sa sofa ay may pangalawa na namang utos ang Primo na 'to. Ngumuso na lang ako bago patalon-talon na nagpunta sa mini-kitchen dito. May coffee maker naman sila kaya hindi na ako nagpakahirap pa na magtimpla para sa kaniya.

Nang matapos ay pinatong ko ang tasa sa ibabaw ng maliit na platito 'saka muling bumalik sa loob ng sariling opisina ni Primo. I placed the cup of coffee on his table habang masama ang tingin sa kaniya.

Tiningala niya ako bago umirap. "Quit with that stares, Eerrah."

"Psh! Ang sungit mo!" gigil na sabat ko bago pabagsak na umupo sa sofa na nasa sulok ng kwarto. I pouted my lips before massaging my cheeks, ito ang lagi kong ginagawa sa tuwing nabuburyo ako.

"What are you doing?" takang tanong niya habang nakatingin sa nakanguso kong labi. Agad ko namang binitawan ang pisngi.

"Ang boring dito sa office mo! Mamaya pa ang klase ko kaya wala akong magawa," sagot ko. Umismid lang siya atsaka pinagpatuloy ang pagbabasa sa mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa niya.

Sobrang busy siguro niya? Siya kasi ang presidente ng councils, tapos siya pa ang may-ari ng Empires High. Paniguradong mabibigat ang mga responsibilidad niya. He's just 23 years old but he's so productive. Nakaka-stress kaya kapag maraming inaasikaso.

At ano bang pakealam ko kung busy siya? Buti nga sa kaniya, isa siyang masungit at iritadong nilalang. Bonus na lang pagiging gwapo niya kaya medyo nababawasan ang galit ko.

"Get that box of papers in the storage room. The black one on the left side," bigla niyang sabi dahilan para mapakislot ako.

Pinagpagan ko ang suot-suot na palda bago lumabas ng opisina niya. Nakakairita talaga 'tong uniform namin. Pang-Korea, akala ko pa naman puwedeng magwalwal dito ng naka-civilian.

Balewalang pinasok ko ang storage room bago hanapin ang tinutukoy ni Primo, agad ko namang nakita ang itim na kahon na tinutukoy niya kaya mabilis ko 'yong binuhat. May kabigatan, malamang anim na kilong papel yata 'to.

"Oopps, excuse me," sabi ko nang mapadaan si Senses sa harapan ko. He immediately stopped walking before carrying the box for me, nagulat pa ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang siya nang samaan niya ako ng tingin.

"Why are you carrying this? Mabigat 'to," sabi niya.

"Hindi ba magseselos 'yung syota mo?" natatawang tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Primo. He gave a laugh before shaking his head.

"Czalette is not my girlfriend, magkapatid kami. She always introduce herself as my girlfriend, and I always introduce myself as her boyfriend, in order to protect each other," natatawa niyang paliwanag.

Napatawa ako nang buksan niya ang pintuan ng opisina ni Primo. I saw how Primo raised his head to look at us, kumunot agad ang noo nito nang makita akong nakangiti. Inirapan ko lang siya.

"Sige, salamat. Sabihin mo if pwede akong maging girlfriend mo, mag-a-apply ako," pang-aasar ko kay Senses na agad namang nakisakay. "Sure, I'll update you if I'm hiring." Yumuko muna siya kay Primo bago lumabas ng opisina.

Nakangising umupo ako sa sofa habang bahagyang pumapalakpak. "Nice, ang cool talaga ng lalaking 'yon," bulong ko.

"I told you not to flirt with my members, Eerrah!" Napatalon ako sa kinauupuan nang biglang hampasin ni Primo nang malakas ang lamesa niya. Ilang beses pa akong napakurap.

"B-Bakit? Ano na namang ginawa ko?" takot na tanong ko habang nakatitig sa galit niyang ekspresyon.

"You're fucking flirting with that ass hole!"

"Nagbibiruan lang kami! At anong pake mo kung maglandian kami? Single naman kami parehas, ah!" nakabusangot na sigaw ko.

"You really don't listen to others, Eerrah. And I hate it when someone disobey me in my own territory." Nanigas ako sa kinauupuan nang bigla siyang umikot papunta sa akin. Marahas niya akong hinila patayo bago ako hilahin palabas.

Halos madapa-dapa pa ako nang kaladkarin niya ako hanggang sa sala kung nasaan naroon ang lahat ng councils. Gulat pang napatingin ang mga ito sa amin marahil dahil sa galit na mukha ni Primo.

He faced me before grabbing my chin. "Now you won't be able to do anything you want. You're mine."

Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako sa mismong harapan ng councils. Pilit akong nagpumiglas dahil sa hiya, pero napakahigpit ng pagkakahawak niya sa akin. I gasped when he bit my lower lip hungrily before letting go. Nakatulala na lang ako sa iisang direksyon habang pilit na pinoproseso ang nangyari.

He faced Senses bagoito samaan ng tingin. "I don't even give a fuck if you're my friend, lay a finger on Eerrah and I'll cut your fucking head." Pabalang niya akong hinila paalis sa harapan nila.

Nakatulala lang ako nang pabalang niya akong isandal sa pader sa loob ng opisina niya, he went to lock the door before cornering me. Agad ko namang nilapat ang dalawa kong palad sa dibdib niya para hindi siya masyadong lumapit. Takot na napayuko ako nang makasalubong ang nagbabaga niyang tingin.

"Look at me, Eerrah," matigas niyang utos. Umiling naman ako. He harshly grabbed my chin para maging magkalebel ang mga mata namin. "Speak, baby." Namumulang umirap ako.

"Lumayo ka nga!" inis na singhal ko sa kaniya bago siya itulak nang malakas. Pero parang bato yata ang katawan ng lalaking 'to, aba hindi man lang natinag! 

"I told you not to make me mad, baby. But you still did, now look at me straight on my eyes. I want you to tell me that you're fucking mine!" he added angrily.

Inirapan ko siya. "Ako nga ang dapat na nagagalit sa 'yo ngayon kasi ninakaw mo ang first kiss ko! Ang kapal din ng mukha mo! At sino ka para angkinin ako? Ni hindi ko nga maasikaso sarili ko tapos ipapaubaya ko pa sa iba? Ulol," galit na sagot ko.

Napangiwi ako nang malambing niyang pisilin ang panga ko bago ako titigan nang mariin sa mga mata. "I'm really eager to know your mom's whereabouts so I can use her as threat for you,Eerrah. That's how wicked my mind is, and you'll end up following whatever I say, in the end," he said with his cold voice.

Nanlamig ang buong pagkatao ko dahil sa pagbabanta niya. He's really powerful, hindi na kataka-taka ang bagay na 'yon. But I'm underestimating him too much, ngayon pa lang, nakikita ko na kung gaano siya kapanganib.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon