Chapter 21

42.8K 1.5K 28
                                    

"Saan mo na naman ako dadalhin, Primo, ha? Ikaw, sinasabi ko sa 'yo masyado ka nang nawiwili na kasama ako. May crush ka siguro sa akin," pang-aasar ko kay Primo na kasalukuyang hawak-hawak ang kamay ko habang nagda-drive. Masyado na siyang nawiwili sa akin.


"Ang daldal mo. I'll just take you somewhere. Bakit ba ang lakas mong magduda lagi?" He tsked at me. Napasimangot na lang ako atsaka nag-focus sa daan.


Pero habang nasa byahe kami ay napansin ko ang pagbabago ng mood niya, patingin tingin siya sa side mirror kaya pati ako ay napatingin na rin. Wala akong nakitang kakaiba kaya nagtaka ako.

"What's wrong?" Hindi ko na napigilang magtanong.

"There's someone following us, hold on tight baby. Get your gun incase of emergency." Sumunod na lang ako sa utos niya dahil halatang tensyonado rin siya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaya alam kong kailangan kong magseryoso "Damn it, not here." Rinig kong bulong niya at mas binilisan pa ang pagmamaneho.

Napanganga ako nang bigla niyang iliko ang sasakyan papasok sa isang warehouse. Seryoso ba siya?! Pagkalabas na pagkalabas niya ng kotse ay lumabas na rin ako. Napatingin kaming dalawa sa sampung itim na kotseng pumarada sa harapan namin. Ito ba ang sumusunod sa amin kanina? Bakit hindi ko nakita? Madaya.

"Well, look what we have here. The youngest of Knights. Nice to meet you, Primo." Isang nakakatakot na lalaki ang biglang nagsalita, sa isang iglap ay napapalibutan na siya ng mga lalaking nakaitim.

Aaminin kong medyo kakaiba ang dating ng lalaking 'to, and even Primo, nakikita ko ang paga-alinlangan sa mga mata niya.

"Nice to meet you too, Gork. Why are you looking for me?" I was quiet amazed when he managed to stay cold and intimidating even if there's a glint of fear in his eyes. Maybe hindi napansin 'yon ng mga taong nasa harapan namin. Ganito sila kagaling magtago ng emosyon. Gosh Primo, you're so cool.

"Are you threatened to see me? Of course. Ikaw ang bunso kaya ikaw rin ang pinakamahina ang tiyansa na matalo ako." Tumawa ang lalaki nang malademonyo na ikinangiwi ko. "Knights, Knights...Knights. It feels so good to see the youngest," dagdag ng Gork na 'to.


Napatingin ako kay Primo nang bigla itong tumawa "Kalaban ng tatay ko? I heard you got defeated by him."

"I am Gork, Primo, baka nakakalimutan mong muntik ko nang matalo ang tatay mo noong mga panahong wala pa kayong lahat na anak niya!" Napaatras ako dahil sa nararamdamang kilabot sa Gork na 'to, mas nakakatakot pa siya kay Primo dahil sa mga nanlilisik niyang mata.

"Dati... Dati pa Gork. But when my brother came, what heppened?" Natameme ako sa isang tabi dahil sa sinabi ni Primo, at alam kong napaka-powerful ng sinabi niya dahil nakita ko ang bahagyang panginginig ni Gork. Nakita ko ang mga takot sa mata nito. "Since the day that kuya Avenight came, kahit bata pa lang siya. Wala ka nang palag sa kanya, Gork. Then why are you so brave?" nakangising sabi ni Primo.

So, his eldest brother is really scary. And I can feel it kahit naririnig ko pa lang ang pangalan niya. Paano kaya natitiis 'yon ng asawa niya?

"Damn you! I'll kill you! Sugurin sila!" sigaw nito, napamaang ako nang sunod sunod na sumugod sa amin ang mga lalaking nakaitim.

Nilabas ko ang samurai sa buhok ko at pinalaki ito. Napalabi ako bago makigulo sa bakbakan. Tumalon ako sa ere at nagpakawala ng magkakasunod na sipa. Sa isang iglap ay tumba lahat ng apat na ninja na nakapalibot sa akin. Sumugod ako sa iba pa na tumalima rin. I dodged their attacks but they are too strong kaya napapaatras ako ng kaonti.

Pero lumaban pa ako kaya kahit tatlo sila ay nalalamangan ko ang lakas nila. Nang makitang nawalan sila ng balanse ay pinaikot ko ang samurai sa kamay ko bago sila bigyan ng tigi-isang saksak sa dibdib. "Damn it Eerrah!" Napalingon ako kay Primo nang sumigaw siya. Pero mali ata ang ginawa ko dahil naramdaman ko na lang ang kirot sa binti ko. Nadagdagan pa ito ng isang bala pa ulit na tumama sa tiyan ko.

Ngumiti ako ng pilit kay Primo bago pilit tumayo. Kahit masakit ang binti at tiyan ko ay pinilit ko pa ring lumaban. Panalo pa rin naman ako kahit may mga tama ako ng baril. Sinalag ko ang mga atake ng mga ninja na 'to pero ang mga ilan na atake nila ay tumatama sa akin kaya para na akong tinorture.

Nang makitang parami pa nang parami ang mga kalaban ay kinabahan na ako para sa buhay naming dalawa ni Primo. Lalo na't kita kong napapagod na rin siya dahil sa dami ng kalaban.

Napapikit ako nang matiim para pag-isipan ang magiging plano ko. Pero saktong pagmulat ko ay nabigla na lang ako nang yumakap sa akin si Primo. At mas lalo pang ikinabigla ko ay nang makitang may apat na tao na ang nakikipaglaban sa mga lalaking nakaitim na kalaban lang namin kanina.

And they won...Damn it! Walang kahirap hirap na tinapos nila ang laban kahit triple yung dami ng mga dumagdag kaysa sa kalaban namin kanina.

"P-Primo..." bulong ko nang maramdaman ang sakit sa katawan ko. Mas humigpit pa ang yakap nito sa akin at marahang hinalikan ang labi ko. 

"Shh, I'm here baby. I'm so sorry, I'll kill those assholes for hurting you." Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya habang sinasabi ang bagay na 'yon.

I just smiled at him bago mabaling ang tingin ko sa apat na taong ngayo'y nakaharap na sa amin. Maliban sa isang babae na lumapit pa doon sa mga bangkay.

And I was shocked when I saw a familiar person. "Arrow?"


"Eerrah!" masayang sigaw ng kaibigan ko.

I was speechless for a moment when Arrow went closer to hug me. Naiiyak na sinuklian ko naman ang yakap niya. "You bitch! Kailan ka pa nakauwi mula sa Korea?" I asked her.

"That's a secret. But bitch! I miss you so much!"


Naiiyak na niyakap ko siya pabalik. Arrow and I became best friends 3 years ago. Noong nagpunta ako sa Korea ay nakilala ko siya. The princess of Korea, a fucking princess!


Napalingon ako sa dalawang lalaki na walang pakealam sa pagsipa sa mga katawan sa paligid nila. I know Froze Knights, Arrow sent me his picture months ago. Sabi niya ay ito ang nobyo niya. Her first boyfriend to be precise. Nabaling lang ang atensyon ko sa isa pang lalaking nakakatakot.

"I told you not to recklessly follow anyone, Primo. Are you stupid?" malamig na sabi nito. And I felt goosebumps. Nakakatakot siya kaysa kay Primo at Froze. Unti unti ko nang nage-gets ang nangyayari, but I need to confirm it.

"Is he your brother?" bulong ko kay Primo, he just smirked at me and it means yes! Damn it! Kapatid niya nga ito. Ang sabi nila Daize ay mas nakakatakot ito kay Froze, hindi ko alam na totoo pala talaga. And when I saw how he fought a while ago, he is really a great fighter, and he is so cool.

Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako habang nakatingin sa kapatid niyang si Third. He's really scary, tuwing nagkakatinginan kami ay umiiwas agad ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nilalamon ako ng lupa.

Fuck, is this even normal?

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon