Chapter 18

42.3K 1.6K 111
                                    

Huminga ako nang malalim bago ilibot ang tingin sa buong mall. Nakangiting lumingon ako kay Primo. "Tapos ka na bang bumili ng mga gamit?" tanong ko sa kaniya.

He smiled. "You seem so happy. Yeah, why?"

"Laro tayo roon sa Tom's World!" excited kong aya sa kaniya.

Agad namang lumukot ang mukha niya. "A fucking arcade? Anong gagawin mo roon?"

"Maglalaro nga tayo," nakabusangot kong sagot. "You're not a kid, Eerrah, for pete's sake. We need to go," strikto niyang saad bago ako marahang hilahin palabas ng mall.

Para akong pinagsakluban ng langit habang nagpapadala sa kaniya. Nang makarating kami sa parking lot, nanatili akong nakayuko dahil sa lungkot. Miss ko nang maglaro roon, huli akong nakapunta sa arcade ay noong high school pa ako.

Primo opened the car's door for me. Walang imik na sumakay ako sa passenger seat.

Nilingon ko siya nang makitang nakatayo lang siya sa gilid ko. "Bakit?" walang gana kong tanong.

"You really want to go there?" tanong niya.

Ngumiti ako bago humagikhik. "Yes!"

He smiled. "Look at you, you're so happy. Come here." Sumenyas siya kaya agad naman akong bumaba sa kotse. Niyakap niya ang katawan ko bago ako halikan sa pisngi.

"Let's go there."

Humagikhik ako sa saya. "Talaga? Yehey! Tara na," excited kong sabi bago siya hawakan sa kamay.

Ni-lock niya ulit ang kotse bago ipulupot ang braso sa baywang ko. Masaya akong sumama sa kaniya nang pumasok kami muli sa mall. 'Saka ko lang siya dinamba ng yakap nang makasakay na kami sa elevator.

"Salamat! Gustong gusto ko kasi talagang pumunta sa arcade, si daddy kasi laging busy," malambing kong sabi sa kaniya.

Mahigpit niya ring niyakap ang baywang ko. "You're always welcome, my baby."

I giggled when the elevator's door opened. Masayang tumakbo ako papasok sa arcade habang nakasunod naman si Primo sa likuran ko. Excited akong tumabi sa kaniya nang magpunta siya roon sa palitan ng token. Inabot niya sa akin ang mamahaling wallet.

"Go on," he said na para bang pinapaubaya niya sa akin ang pera niya. Ngumuso naman ako bago buksan ang wallet niya. Sinubukan kong maghanap ng isang daang papel pero puro libro ang nandito!

Napatulala na lang ako sa kapal ng pera sa wallet niya. Sumilip ako kay Primo pero busy lang siya sa pagkalikot sa cellphone niya.

Binuklat ko pa ang wallet niya, napanganga na ako nang tuluyan nang makakita ng black card doon. Tangina, mga mas mayayaman pa sa bilyonaryo ang gumagamit nito. Ibang klase rin talaga ang yaman ng Knights, paampon kaya ako?

Pasimple kong binunot ang wallet sa palda bago kumuha ng dalawang daan doon. Mabilis kong inabot 'yon sa babaeng naghihintay atsaka ngumiti kay Primo nang lingunin niya ako.

"What?" he asked nang mapansing kinakamot ko ang batok.

"Wala!" nakangiti kong sabi atsaka inabot sa kaniya ang wallet. Balewala niyang kinuha 'yon mula sa kamay ko. Muntik na akong mapatili nang bigla na lang may humiklat sa wallet ni Primo.

Bubugbugin ko na sana ang taong 'yon pero mabilis siyang nahablot ni Primo. I bit my lower lip nang ibalibag niya ang magnanakaw sa sahig nang walang kahirap-hirap.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon