Chapter 14

44.9K 1.7K 160
                                    

"Are you threatening me?" nanghahamon kong tanong.

"What if I am, threatening you?" nanghahamon din niyang tugon.

Inis na kumawala ako sa pagkakapinid ko sa pader bago bumusangot. "Oo na! Sa'yo na! Angkinin mo na kahit kalian mo gusto! Bakit kailangan mo pang manakot? Crush nga kita 'diba? Nagpapakipot lang ako," pagbibiro ko para pagaanin ang paligid.

His face remained serious, napanguso na lang ako sa inis bago siya banggain sa balikat. Komportable akong umupo sa swivel chair niya bago marahang iikot 'yon.

"Wiee," mahinang tili ko habang pinaglalaruan ang upuan. Nakapamulsa lang siyang nakasandal sa pader habang mariing nakatitig sa akin. Inungusan ko naman siya. "Oh, bakit? Akala ko I'm yours? Dapat you're mine rin, lahat ng gamit mo, gamit ko na. Naiinggit ka ba sa ginagawa ko? Halika rito, upo ka, tapos kakandong ako sa 'yo," pang-aasar ko.

He just shook his head before walking closer to me, pumwesto siya sa gilid ko bago ayusin ang upuan. Napadiretsyo tuloy ako ng upo nang ilapit niya ang mukha sa akin.

"You're the only one who have some guts to answer me back, Eerrah. And I love how you swirl your tongue to disobey me," he said huskily. Napalunok na lang ako nang marahan niyang ilapat ang mga labi sa labi ko. 

I just let him do whatever he wants, wala naman akong magagawa kahit pumalag pa ako sa gusto niyang gawin. He already stole my first kiss, what's the use of arguing with this man e kontrolado yata nito ang lahat ng bagay sa mundo.

Inis na kinagat ko ang ibabang labi niya dahil sa panggigigil. Ang lambot lambot ng labi niya, nakakainis. He held his bleeding lower lip while looking at me unbelievably.

"What the actual fuck, Eerrah. Did you just bite my lip?" hindi makapaniwalang tanong niya habang hawak hawak ang ibabang labi. 

Kinagat ko ang ibabang labi bago tumango. "S-Sorry, bwisit ka kasi--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mabilis niyang sapuin ang magkabila kong pisngi bago sunggaban muli ang mga labi ko. 

He hungrily kissed me like there's no tomorrow. Pasimple rin niyang kinakagat-kagat ang ibabang labi ko habang humahaplos ang kamay niya sa pisngi ko.

He let go of me before biting my lower lip gently. "As much as I want to own you right now, I know my limitations. You should be thankful of how great my self-control is," he said while smirking. 

Be thankful daw, eh bare minimum lang maging kalma kapag tinitigasan ka. Bwisit talaga 'to. 'Saka diyosa naman talaga ako, sinong hindi magse-self-control kapag ako na ang pinag-uusapan.

'Diba, slay.

Lumayo si Primo sa akin bago dumiretsyo sa cooler.  He took a can of soda inside it atsaka naglakad muli pabalik sa pwesto ko. Inabot niya ang four season na soda na tinanggap ko naman. 

I placed it on his table while looking at him. "G-Galit ka ba kasi kinagat ko ang labi mo?" alanganin kong tanong.

He shook his head habang sapo-sapo pa rin ang nasaktang labi. "You're naughty, Eerrah. I like your aggressiveness."

Agad na sumama ang mukha ko. "Nanggigil ako sa inis hindi dahil sa kilig!" sigaw ko. He let out a chuckle.

"Your mood changes a lot."

"Depende ang mood ko sa taong kausap ko," masama ang loob na sagot ko. 

"Hindi na puwedeng magbago ang mood mo simula ngayon," seryoso niyang sabi na ikinakunot naman ng noo ko.

"Ha? Bakit?"

"Dahil ako lang ang kakausapin mo."

Napanganga ako nang bigla niya akong talikuran bago lumabas ng opisina. Naiwan akong nakanganga dahil sa binitawan niyang salita. Anong siya lang ang kakausapin ko? Ano ako? Puppet na walang bibig at nagsasalita lang kapag amo ang kausap?

"Ang taas talaga ng pride at kayabangan ng hayop na 'yon," gigil na untag ko habang pinipigilang sumabog sa inis. Pinadyak ko muna ang mga paa bago siya sundan sa labas. 

I saw him talking to the councils kaya mabilis akong tumabi sa kaniya. I was about to say hello to Czalette pero agad akong sinamaan ng tingin ni Primo. Nanahimik na lang ako.

"Wala ka bang klase?" matapang niyang tanong sa akin.

"M'eron, after 10 minutes," sagot ko.

"Pumasok ka na, ihahatid kita," he said coldly. Humarap siya muli sa councils. "Stay here, prepare the meeting room. I'll discuss some important topics later."

Kumaway ako sa councils nang pasimple nilang itaas ang mga kamay nila para magpaalam sa akin. I followed Primo all the way to his office, siya na mismo ang nagbitbit ng bag ko bago ako lagpasan. Halos mabuntal pa ako sa kinatatayuan nang hilahin niya ang kamay ko papaalis. 

Hinayaan ko na lang siyang hilahin ako para ihatid ako sa klase ko ngayon. Ayoko sana siyang isama dahil paniguradong pag-iinitan ako ng ibang estyudante. 

Primo's with me right now, ang pantasya nang marami. Kaya paniguradong mala-showbiz ang atensyon nito mamaya.

Kinagat ko ang ibabang labi nang pumulupot ang isang braso ni Primo sa baywang ko. Nagsihawian ang mga estyudante nang makita kaming paparating. They all look terrified, amazed and shocked. Baka nagulat sila na kasama ng isang bagong salta ang hinahangaan nila.
Wala naman akong kasalanan dito, si Primo ang magaling na nagpumilit pang ihatid ako.

Napapikit ako nang mariin nang makita sila Daize na makakasalubong namin. Kailangan ko pa yata silang gamitin para makaalis sa kamay ng lalaking 'to.

"Daize!" natutuwa kong sigaw para kuhanin ang atensyon nilang tatlo. They immediately look at my direction, pero kalaunan ay agad na nanlaki ang mga mata nila nang makita kung sino ang katabi ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Primo na nakakapit sa baywang ko at pilit itong inalis. Pero nanatili ang mahigpit niyang hawak sa katawan ko habang masamang nakatingin kay Daize. Huwag niyang sabihin na pati bakla kagagalitan niya?

For God's sake walang aagaw sa akin! Sinong magkakagusto sa akin e parang machine ng pagmumura ang bunganga ko.

At bakit ba napaka-possessive niya? I'm sure he's territorial not because he likes me, he's just making sure na siya lang ang puwedeng umalipin sa akin.

"E-Eerrah," nauutal na banggit ni Red sa pangalan ko habang pasimpleng tinatapunan ng tingin ang lalaking katabi ko.

"Hi, s-si Primo nga pala," pakilala ko kay Primo na ngayon ay katakot-takot ang ekspresyon. Nakita ko kung paano mamutla ang pagmumukha ng bakla. Sinong hindi maiihi sa takot kung ganito ka titigan. "Primo, they are my friends. Red, Vivrianne and Daize," awkward na pakilala ko sa kanila.

Nanatili ang mga mata ni Primo kay Daize. "He's your fucking friend?" he asked me. Takot na tumango ako. 

"Dispose him, I don't like him," utos niya na para bang nagpapatapon lang ng basura. Kitang-kita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Daize sa takot.

"W-What? Dispose me?" takang tanong ni Daize bago ituro ang sarili. Primo growled angrily.

"May angal ka?" matapang na sagot ni Primo. I thought Daize's gonna freak out, pero pinanlamigan ako ng katawan nang gawin niyang lalaki ang boses niya. Ngumisi pa siya nang maangas.

"Pre, sorry, ha. Pero bakit mo ako paaalisin sa buhay ni Eerrah? We're friends even before she met you. And we're having a good relationship, you can't dispose me like that." Halos mapanganga ako sa rebutt nito ni Daize. 

Hindi maganda ang ginagawa niya, nang mapatingin ako kay Primo, parang nadedemonyo na yata ang buong pagkatao niya.

"Primo!" Natatarantang sigaw ko nang sugurin niya si Daize. Agad namang pinrotektahan nila Red at Vivrianne ang loka-lokang bakla habang humarang naman ako sa harapan ni Primo.

"Let me kill that fucking bastard, Eerrah," galit niyang utos.

Umiling ako. "You can't kill him!"

"And why the fuck not? Because you like him? Mas lalo ko siyang gustong patayin sa pagtatanggol mo sa gagong 'yan!" Tangka na niya uling susugurin si Daize pero agad ko siyang sinigawan.

"Primo, he's gay!"

Hindi makapaniwalang napatigil siya. "What?" 

Lumingon kami kay Daize na ngayon ay nagpapabebe wave na. Mas lalong nabwisit si Primo sa pagmumukha niya. "Now it makes me more eager to kill him."

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon