Chapter 20

43.5K 1.4K 40
                                    

I accompany him to his room. Inalalayan ko na rin siya sa paghiga niya sa kama. He looks really sick, halatang may iniinda siya dahil pawis na pawis siya. Dagdag pa ang pamumutla ng mukha niya.

Sumampa ako sa kama bago siya haplusin sa buhok. "Anong nararamdaman mo?" I asked him worriedly.

"I'm fine, baby. You're here, so I'm fine."

"Rest for a while, Primo. Hindi ako aalis, dito lang ako, promise," I promised him sincerely.

He hugged my waist atsaka sinuksok ang mukha sa tiyan ko. Hinayaan ko na lang siya kung doon siya komportable. I combed his soft hair with my fingers to let him sleep.

"Eerrah, b-baby. Don't leave me." Naalerto ako nang biglang magsalita si Primo. Nakita kong tulog naman ito kaya nagtaka ako kung bakit niya binanggit ang pangalan ko.

"B-Baby. I miss you, p-please. I'm sorry for l-leaving."

Is he having a nightmare?

Kaagad kong hinaplos ang pisngi niya.

Ilang minuto pa ang hinintay ko hanggang sa maramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ni Primo. I smiled sweetly while still caressing his hair. I hope he's fine.

Binunot ko ang cellphone mula sa bulsa ng palda ko. I contacted daddy, I want to hear his voice.

Kailangan kong ikwento sa kaniya na may nakilala akong isang magandang babae. Baka mamaya puwede sila ni daddy. I chuckled with that thought.

I bit my lower lip while trying my best to contact daddy. Nakailang tawag na ako sa kaniya pero hindi pa rin niya sinasagot. Napansin kong ganito na si daddy simula noong mapag-usapan namin ang mommy ko. Hindi na siya sumasagot sa mga tawag ko.

I kept on worrying about him these past few days. Especially na Sabado na bukas, uuwi ako sa mansion. Gusto ko siyang makita ulit. Baka mamaya kung ano na ang nangyari kay daddy tapos hindi ko man lang alam.

Is he really okay? I'm eager to see him.

Kinagat ko ang ibabang labi bago ibaba ang hawak na cellphone. He's not even answering my texts. There's no point of calling him, baka busy lang talaga siya or tuluyan nang nasakop ng magaling kong lolo ang utak ng tatay ko.

I won't let Vicente took my dad away from me. Ito na lang ang natitira kong kakampi.

"HELLO DAD, good morning! I miss you!" bati ko kay daddy bago siya halikan sa pisngi, ngumiti naman ito sa akin but I can feel that there's something behind that smile.

However, I miss him so much! Masaya ako na nakauwi ako ngayon dito sa mansyon na wala ang Vicente na 'yon. Atleast I got the chance to see dad here.

Ngumiti na lang din ako pabalik habang nakatingin sa kanya. I sat infront him "How's school?" tanong niya.

"Not fine, I've been through a lot of fights," sagot ko, tumango naman ito at ngumiti na lang ulit.

"Is there any problem?" Pinilit kong maging ayos ang boses ko kahit gusto na nitong bumiyak. Nagtama ang mga mata namin ni daddy and I saw different emotions there.

Pain, sadness, madness, and guilt.

Why would dad be mad at me?

"Nothing, why are you suddenly asking that?" Wala na ang mapagbirong boses niya tuwing nag-uusap kami.

I faked a laugh before smiling. "Y-You're just weird, but don't mind me. My mind's little bit upside down right now." Tumawa ako nang mahina but he just smiled a little. And it makes my heart clenched.

Dad, don't be like this, you're killing me.

Ngumiti ako at sinimulan na ang pagkain, habang kumakain kaming dalawa ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Hindi niya ba ako kakamustahin kung bakit ako desididong umuwi dito?

"Dad, you know. I met a beautiful woman yesterday. She's one of Empires High investors. At sobrang ganda niya! Pakiramdam ko nga ay bagay kayo kapag pinagtabi," I said while giggling.

"Really? What's her name?" He looks uninterested.

"Isabella Ramos."

Nakita ko ang bahagyang paghinto ni daddy sa pagkain.

"By the way, bakit ka umuwi dito? Hindi ka umuwi last Saturday and Sunday kaya bakit mo naisipan ngayon?" Kumunot ang noo ko nang ibahin niya ang usapan. Tumikhim na lang ako bago sumagot.

"I just feel it, masama bang bisitahin ka daddy? Hmm?" panlalambing ko sa kanya, napatawa siya nang mahina kaya gumaan ang pakiramdam ko.

"You little kid, tsk. I'm trying everything to be cold but you never fail to ruin the moment tsk." So all this time, he's just pretending to be cold? I faked a cough.

Hindi ako makangiti kahit na alam kong pagpapanggap lang 'yon, because deep inside, I can feel that he's hiding something from me.

Dad, I'm your daughter, how would I not know what you really feel? 'Wag mo akong lokohin sa mga pinapakita mo. I'm your daughter, so tell me, how would I not know that you're lying?

"Eat your food, Eerrah." Agaw nito sa atensyon ko kaya bumalik ako sa reyalidad, ngumiti ako bago tapusin ang pagkain ko.

Kakausapin ko pa sana siya pero mabilis na siyang umalis sa hapag kainan matapos punasan ang bibig. I was left dumbfounded, sitting here. Papasok na ba siya sa office?

"Dad. Papasok ka na ba sa office?" pahabol kong tanong sa kaniya.

Nilingon naman niya ako at tumango. "Yeah. Sorry, I'm in a hurry."

Muli ko na lang binaling ang tingin sa lamesa bago ngumiti nang peke. I wanted to talk to him so bad. Gusto kong ikwento sa kaniya lahat ng nangyari roon sa akin sa Empires High pero umalis siya kaagad.

"Maybe he's just busy, yeah," I whispered, trying to cheer myself up. I'll just find a perfect time to talk to him.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon