Chapter 19

43K 1.6K 112
                                    

Senses," tawag ko atensyon ng lalaki sa harapan ko. Agad siyang lumingon sa akin. Mahina ko siyang tinabig para silipin kung anong sinisilip niya sa meeting room.

I saw Primo talking with a lady infront him, hindi ko makita ang mukha ng ginang na kinakausap niya dahil nakaharap ang likod nito sa amin.

"Woah, sino 'yon?" tanong ko kay Senses na agad namang nagkibit balikat.

"I don't know also, but she said that she's one of our investors. Siguro may importante silang pinag-uusapan ni boss. Balita ko rin, Primo is trying to build another establishments inside our school, mas palalakihin niya pa ang university, kaya siguro siya nakikipag-usap ngayon," mahaba ngunit nakangiting paliwanag ni Senses.

"Ay sayang, bwi-bwisitin ko pa naman sana siya." I chuckled mischievously before walking away. Pero hindi pa ako nakakalayo nang sobra ay narinig ko na agad ang pagtawag ni Primo sa pangalan ko.

Dali-dali akong pumasok sa meeting room atsaka tumabi sa kaniya. He held my waist gently. "This is my secretary, Eerrah. Eerrah, Isabella Ramos, one of Empires High's investors."

Nakangiting lumingon ako sa babaeng nasa unahan. Pero agad ding napahinto ang paghinga ko nang makatagpo ang mga mata niya. It feels like I'm looking straight into my eyes.

"H-Hi," I uttered.

I saw how she smiled sweetly at me. She's so beautiful. She's like a goddess for me! Hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.

"She doesn't look like your secretary, Primo," nanunukso nitong saad dahilan para mapayuko ako nang bahagya. Primo let out a chuckle beside me.

"Oh. Iba ba ang tingin mo sa relasyon naming, ma'am?" Primo said while chuckling mischievously.

Kinurot ko ang balikat ni Primo na inalalayan ako paupo sa tabi niya. Ngumiti ako sa babeng nasa harapan naming. "Hello po. I am Eerrah Ferrer, it's my pleasure to meet you," masayang sabi ko.

Napakunot ang noo ko nang makitang natigilan siya saglit, kalaunan ay sinuklian niya naman ako ng ngiti atsaka hinawakan ang kamay ko. "You're very pretty, Eerrah. I love your eyes."

Namula ang mga pisngi ko dahil sa papuri niya. Primo cleared his throat beside me. "Ma'am, I'll order some food for us—"

"Oh, no, ijo. No need for that. Nagpa-deliver na ako ng mga pagkain dito. I'll just call my butler to bring it here," nakangiti nitong pagputol kay Primo.

Nilingon ko na lang ang katabi ko at bahagya siyang nginitian. He immediately encircled his arm around my waist before smiling. "Are you hungry?"

Umiling naman kaagad ako. "I'm fine."

Sabay kaming lumingon sa pintuan nang bumukas 'yon at pumasok ang tatlong lalaki na hinanda ang mga pagkain sa table. I diverted my gaze to Primo when I saw the meal. There's no pasta or anything na puwedeng pumalit sa rice. Kanin lang ang pang-heavy meal.

"Hey, let's eat before we discuss about some things. I cooked these meal and I hope you'll enjoy it," masayang sabi ni ma'am Isabella bago simulan ang pagkain.

Siniko ko si Primo. "You don't eat rice," nag-aalala kong bulong.

He didn't mind me. He prepared a food for me and for himself. Pinagmasdan ko na lang siya nang simulan na niya ang pagkain. I just pouted my lips before eating with them.

Nang matapos kami sa pagkain, agad akong ngumiti kay ma'am Isabella. "Is it good?" she asked.

Nakangiting tumango ako. "Yes po. I like the food. Ang sarap n'yo po palang magluto."

She giggled with my answer. "I really like you, ija! Can I have your number? I want to contact you whenever I'm creating another menu. May restaurant kasi ako, and gusto ko kayong ayaing dalawa ni Primo roon. Natutuwa ako sa 'yo nang sobra." Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.

"Really? I would love to, madame! Here's my number po." Inabot ko sa kaniya ang cellphone na kaagad naman niyang kinuha. She took her cellphone inside her pocket.

Nilingon ko si Primo nang makita ang bahagyang pagtikhim nito. My eyes widened when I saw how pale he is right now.

"May I excuse myself, madame? I'll be back in a minute," he excused himself.

Tumango naman si ma'am Isabella. "Sure, ijo."

Nag-aalalang pinagmasdan ko ang direksyong pinuntahan ni Primo. Ang kulit niya kasi, bakit pa siya kumain ng kanin e hindi nga tinatanggap ng tiyan niya 'yon!

"Ma'am, puwede rin po bang umalis? Saglit lang po. May kukuhanin lang po ako," nahihiya kong paalam.

Hinawakan niya ang kamay ko bago ito marahang haplusin. "Sure, sweetheart! I'll wait here."

Yumuko muna ako sa kaniya bago tumakbo palabas para sundan si Primo. Nakita ko siya sa pantry, nakatuon ang magkabilang braso niya sa counter habang nakayuko ang ulo.

I went closer to him bago mahinang pukpukin ang likod niya. "Ikaw kasi, e. Bakit ka pa rin kumain ng kanin?" nag-aalala kong sabi sa kaniya.

He coughed. "She looks so excited for our reaction. You look so happy when she's around, I don't want to disappoint her. I'll disappoint you also."

Nanubig ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. I gently hugged him habang pinupokpok pa rin nang mahina ang likuran niya. "Kumain ka kaya muna ng pasta or kahit ano? Parang matulak pababa 'yang kanin. O kaya magpapabili ako kila Senses ng gamot. Baka lumala pa 'yan."

"Yeah, medicine will do. But I still need to entertain—"

"Huwag na! Si Senses na ang papupuntahin ko roon. Maiintindihan naman siguro ni ma'am Isabella, ang bait kaya niya."

Hindi na siya sumagot sa akin. Mabilis naman akong naglakad papunta kay Senses na nakaupo sa sala. "Senses," I called his attention.

"Yes, ma'am?" nakangiting sagot niya.

"Can you entertain ma'am Isabelle on the meeting room? Pakisabi sinumpong si Primo ng sakit at emergency lang. Alam mo naman siguro kung tungkol saan 'yung project 'diba?" I asked him.

"What happened to Primo?" He looks worried. "Anyway, yes, I can do that. Take care of him, ako na lang ang makikipag-usap kay ma'am Isabella."

Napangiti ako. "Salamat!"

Nang makasalubong si Silver sa hallway ay agad ko siyang hinila. "Silver! May pupuntahan ka ba?"

Inayos niya ang salamin bago umiling. "Wala naman, bakit?"

"Puwede bang bilhan mo si Primo ng gamot? Masama kasi ang pakiramdam niya. Bili ka ng gamot para sa sakit sa tiyan. Kumain kasi ng kanin e alam namang bawal sa kaniya," gigil kong untag.

Silver chuckled with my outburst. "Yes, ma'am!" He even saluted before walking away. Napangiti na lang ako atsaka bumalik sa pantry.

"Primo, halika sa kwarto. Magpahinga ka muna," mahinahon kong sabi sa kaniya.

Hanggang ngayon ay namumutla pa rin siya. "Fuck, I hate being sick," he whispered coldly. Mapait akong ngumiti atsaka siya nilapitan.

"Magpahinga ka muna, dali, tara na. Mag-i-skip muna ako ng klase ngayong hapon. Takot naman sa akin 'yang mga professors kaya ayos lang, baka mamatay sila sa takot kapag tr-in-ash talk ko sila."

Natatawang napailing si Primo. Niyakap niya ako bago ako halikan sa pisngi. "Thank you."

"Wala 'yon. Inaalagaan kita kasi nakakuha ka ng stuff toy roon sa Tom's World. Tara na nga, kanina ka pa nakatayo, baka mas sumama 'yang pakiramdam mo. Uupakan talaga kita."

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon