Chapter 2

70K 2.1K 124
                                    

Bumaba na ako sa rooftop at nag-desisyon na dumaan muna sa hallway. Pero kaagad na nanliit ang mga mata ko nang makakita ng isang rebulto ng lalaki, nasa harap niya ang isa ring estyudante.

"Hindi ko s-siya kilala, maawa ka!" Pakiusap ng estyudante, anong ginagawa ng mga 'to?

Lalapit na sana ako pero napaatras muli ako nang makitang inangat nung misteryosong lalaki yung estyudante. Wew, lakas ah! "Tell me where the hell is she or I'll kill you." Napabuga ako ng hangin sa narinig. 

"Hindi ko alam—" Napapikit ako nang makitang biniyak ng lalaki ang leeg ng estyudante sa isang likuan lang. Damn! Ang lakas niya! Papaalis na sana ito pero hindi ako puwedeng tumunganga lang.

"Hoy!" Mabilis ko siyang hinabol, mabuti na lang at tumigil din agad siya at humarap sa akin. Infairness, gwapo. 

"Eerrah," nakangising sabi nito, napataas ang kilay ko.

"Pusha. Bakit mo ako kilala?" matigas na pag-uusisa ko sa kanya, is he one of Vladimir's people?

"Because I know." Ay gago, muntik nang pumasok yung laway ko sa ngalangala ko at lumabas sa ilong. Literal!

"Hunghang!"

"Come with me, I've been looking for you." Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Gago ba 'to? Sino pinagloloko niya? Nanay niya? 

"Pagkatapos mong pumatay ng tao, sasabihin mo sa akin 'yan, ha? Nag-aadik ka ba, ha?!" sigaw ko sa kanya. 

"I'm not a fucking addict! And I didn't kill him, he's just fucking unconscious. I'm a mafia, by the way," nagmamalaki pa nitong saad.

Gago ampota, may sapak nga 'to.

"Para kang sinapian ng dalawang demonyo! Bakit naman ako sasama sa 'yo kung mafia ka nga? At sinong bobo ang ipaglalandakan na ganyang klase ka ng tao? That was supposed to be a secret!"

"Eerrah, just come with me."

"Are you one of Vladimir's people? Kung nandito ka para paniwalain ako sa mga kasinungalingan mo at patayin ako, pwes hinding hindi mo ako maloloko," matapang kong sabi.

"Vladimir? Kilala mo si Vladimir Enriquez?" Mas lalong kumunot ang noo niya, so kilala niya nga si Vlad?

"Hindi ninyo ako mapapata--"

"No! Siya ang kalaban namin, Eerrah. He's the creator of Vlad Organization, and they want to kill the supreme president of Empires High. Alam kong matutulungan mo kami because I saw you once, fighting with those bunch of fuckers and you are great! So just come with me," pakiusap nito. Kahit pa nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya, tinalikuran ko pa rin siya at nagsimulang maglakad.

"I'm not going with you," malamig kong sabi.

"Eerrah believe me--" Mabilis kong hinablot ang kamay niya at tinutukan siya ng punyal sa leeg.

"Stop calling me with my name like we're fucking close and stop following me around. Hindi ninyo ako maloloko sa pagkukunwari ninyo, alam kong nandito kayo para patayin ako." Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi lang man ito natinag. Nagsimula na ulit akong maglakad at iniwanan siya.

"Someday, you'll come with me."

Pagkababa ko ng building ay sinalubong kaagad ako ni Yaoel. Great, lolo's butler.

"Where have you been young lady? Pinapasundo ka ng lolo mo--"

"Can you just fucking leave me alone? Tell him I don't want to come with you, pakisabi na rin sa kanya na ayoko siyang makita kahit kalian," mariin kong sabi bago maglakad papalayo, pero mukhang makukulit talaga sila dahil sumunod pa rin.

"Hindi kami aalis nang hindi ka namin kasama, young lady." Napapikit ako dahil sa galit na nararamdaman ko. Napahilamos ako sa mukha nang humarap ako sa kanila

"Just leave me a-alone please." Ayokong umiyak sa harapan nila, ayokong umiyak. Hindi ko alam kung ano ang mahirap intindihin sa sinabi kong ayokong makita ang lolo ko.

Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila, kahit habulin nila ako ay wala silang magagawa. Dumiretsyo ako sa locker room para kuhanin ang skateboard ko. Nawalan ako ng ganang umattend sa mga klase. Sinukbit ko ang bag ko sa likod at nagsimulang mag-skateboard. Iniwasan naman agad ako ng iilang mga estyudante sa ground na ikipinagpasalamat ko sa loob loob.

Habang pauwi ay iniisip ko kung paano ko matatakasan si tanda, bakit pa ba niya ako hinahanap? Ayos na ang buhay ko... joke lang, kailangan ko nga pala ng pera, binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa marating ko ang gate ng apartment. Pumasok ako sa loob at humilata kaagad sa sofa. Ngayon ko lang na-realize na gutom na gutom na ako, ngina ba naman. Kung hindi kasi ako nagdrama-drama kanina!

Dumiretsyo ako sa kusina at binuksan ang ref ko, pero nang makita ko ang loob nito ay napakurap kurap ako. Pusha! Nananaginip ba ako?! Bakit punong-puno ng pagkain ang refrigerator ko? Wala na akong pera at ubos na lahat ng stock ko sa ref kaya nakakapagtaka, sinarado ko ang ref at tumingin sa ibabaw nito. Hindi nga ako nagkamali. Kinuha ko ang envelope sa taas nito na may sulat at perang halagang singkwenta mil.

You're so stubborn. Eerrah. Here's your allowance, nakapagbayad na rin ang lolo mo sa landlady at nag-advance. Eat well, I love you anak. Pasensya na, bibistahin kita kapag hindi ako busy.

From,
Dad

Napangiti ako nang makita ang paborito kong lasagna. Umupo ako sa sofa at nilantakan ito, yummy! Matapos kong kumain ng dalawang lasagna ay binulubog ako ng isang katok. Inis na binuksan ko 'yon, bumalandra sa akin ang landlady na nakataas ang kilay. Akala ko ba nakapagbayad na yung tatay ko sa kanya?

"Hoy, sino yung yayamanin na nagbayad sa upa mo? Mukhang tiba tiba ka roon, a." Napairap ako.

"Tito ko," pagsisinungaling ko bago siya saraduhan ng pintuan.

"Anak ng!" Napasigaw ako nangmakarinig ng ingay mula sa kusina ko.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon