Chapter 9

47.1K 1.6K 78
                                    

Hey Eerrah girl! Bakit nakabusangot ang maganda mong face?" Daize approached me before twirling the strand of hair from his wig. Sumama ang mukha ko sa ginawa niya.

"Paanong hindi ako bubusangot? Nakita ko 'yang mukha mong dinaig pa ang coloring book sa kintab at colorful," diretsyo kong sagot dahilan para sumama ang tingin niya sa akin. Umismid na lang ako sa tabi habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Homophobic!"

Inis na nilingon ko siya. "Ulol. Bet ko ang mga bakla at tomboy, nakakabwiset lang 'yang mukha mo," sagot ko. He immediately rolled his eyes. "Mas maganda pa kaya ako sa 'yo." Pumitik pa talaga sa harap ko.

Imbes na makipagtalo sa baklang 'to, lumingon na lang ako sa harapan ng classroom habang iniisip ang nangyari kagabi. Wala sa sariling sinampal ko ang pisngi dahilan para mapaatras ang tatlo palayo sa akin. Paulit-ulit kong tinapik ang sarili habang inaalis sa isipan ang paghalik ng gwapong lalaki na 'yon sa akin. He still harassed me, hindi ko siya pinahintulutan na halikan ako!

Red held my shoulder. "Wala ka sa sarili, ano bang nangyari?"

Mahina kong tinaboy ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng balikat ko. "Napanaginipan ko kasi 'yung mukha ni Alexandra," sagot ko atsaka nilingon ang direksyon ng nakakairitang babae na 'yon.

Mukhang narinig yata na tinawag ko ang pangalan niya, biglang lumingon, e. She raised her middle finger, nasundan ng tawanan ng mga alipores niya ang ginawa niyang kabaduyan. Nginuya-nguya niya pa ang bubble gum sa bibig na para bang adik sa kanto.

Matamis ko siyang nginitian bago itaas ang ring finger ko. "Tangina mo, hindi sakto sa fuck you kasi mukha kang impakto." Humalakhak ako pagkatapos kong sabihin 'yon. Agad namang rumehistro ang pagkairita at pagkapahiya sa mga mukha nila nang tumawa ang buong klase.

Mukhang nasa side ko ang ilan dito. Ayos 'yan. May mga body guard ako kapag nagka-zombie apocalypse. Zombie Apocalypse na pinamumunuan ni Alexandra the great. "Eerrah. Huwag mo nang patulan si Alexandra. She's a bad news!" saway sa akin ni Vivrianne bago ako marahang haplusin sa buhok. Iritang umiwas naman ako sa kaniya.

"Kung siya bad news, ako banas na sa pagmumukha ng mga jejemon na estyudante rito. Bakit ba 'yung iba rito feeling powerful?" iritang bulong ko. Natawa naman silang tatlo sa narinig.

 "Those people are spoiled brats. Nabuhay ang mga 'yan sa pera, dahil ang iba rito, sindikato ang pamilya o kaya kasama sa isang malaking organisasyon," Red explained.

Mas lalong bumusangot ang mukha ko. "Kailan kaya ako makakaalis dito. Kapag Sabado at Linggo talaga, hindi na ako babalik."

"What?" Daize chuckled mischievously. "You won't be able to transfer to other school hanggang registered pa ang pangalan mo sa Empires High. And councils won't let you, kailangan nilang protektahan ang image ng school na 'to kaya hanggang maaari, if you start studying here, you will graduate here."

Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Hindi na lang ako sumagot sa kaniya, alam kong seryoso si Daize sa mga binitawan niyang salita. This place is like a living hell, at isa sa mga pruweba ang nangyari kagabi. That man, he's a freakin brutal killer. May ilan na akong pinatay pero hindi ako gano'n kabrutal.

"Earth to Eerrah, bakit nakatulala ka na naman?" Nabalik ang atensyon ko sa nilalakaran naming nang marinig ang matinis na boses ni Vivrianne. Luminga-linga ako sa paligid para lang magulat. Tapos na ang klase?

"Saan tayo pupunta?" kunot-noong tanong ko sa kanilang tatlo. Nilingon ako ni Red na tumigil sa paglalakad. "Pupunta sa dorm? 'Diba ikaw ang nag-aya kanina? That's why we're on the way to our room," sagot niya sa tanong ko.

Kinain na ng eksena kagabi ang buong sistema ng utak ko kaya wala na akong maintindihan sa mga nangyayari. Ganito ba ang epekto kapag nagka-crush ka? Ibig sabihin trial card lang 'yung pagka-crush ko roon sa bise presidente ng councils? 

 "Bakit naman ako magkaka-crush doon e kriminal 'yon?" inis na bulong ko sa sarili.

"Sinong kriminal, Eerrah?" Nilingon ko si Daize na nakikialam na naman sa mga sinasabi ko sa buhay. Bumusangot ako bago siya irapan nang bongga. 

"Ako! Magiging kriminal na ako dahil sa 'yo! Kaonti na lang matetegi ka na sa kadaldalan mo," sagot ko.

Tumawa naman ang dalawang babae habang ang baklang 'to ay naglakas pa ng loob na itulak ako nang mahina. "I hate you so much! Hindi mob a na-a-appreciate na nagkaroon ka ng kaibigan na aesthetically beautiful and gorgeous? Ako ang pinaka-unique sa ating apat, duh! I'm sassy, gorgeous and sexy," nakangising sabi nito habang nagpo-pose pa kahit wala namang camera.

"Ikaw rin ang pinaka-epal. Sana sinama mo na, nahiya ka pa." Sinundan ng tawa ni Vivrianne at Red ang sinabi ko. Ibubuka pa sana ni Daize ang bibig niya para sumagot pero agad silang napatigil tatlo habang nakatingin sa unahan. 

Walang pakealam na lumingon ako sa unahan para lang salubungin ng walong tao na pare-parehas mariing nakatitig sa akin. Sinulyapan ko si Aeiou at Kaliber na nag-iwas ng tingin. I smirked playfully.

"Councils!" saad ko habang nakaangat ang sulok ng labi. Senses Park, the vice president smiled a little. "Eerrah, I'm glad that you know us. Hindi na naming kailangang magpakilala sa 'yo."

Naks, ang lakas din pala ng appeal ng first crush ko. Pero mas gwapo pa rin 'yung current crush ko. Sayang, kung hindi sana ako tinakot ng lalaking 'yon baka sinunggaban ko na siya. 

"Anong kailangan ninyo? Organs? Ito si Daize, puwede na naman 'yang mawala sa mundo," sagot ko bago itulak ang bakla na mabilis tumalon papalayo sa councils. 

Takot na takot, amp. Bugbugin ko pa 'tong mga 'to sa harap niya, e.

"We actually need you to come with us."

Nagtatakang nilingon ko sila. "Ano? Bakit naman ako sasama sa inyo?" masama ang timpla ng mukha na tanong ko.

"The president of the councils wanted to see you personally."

Nawala ang kulay sa mukha ko nang marinig ang sagot ni Senses. Ano? President of the councils? The owner of this school? 'Yung Primo Knights na sinasabi ng baklang Daize na 'to?

"Ha? Bakit?" takot na tanong ko. Nalaman niya ba na tinangka kong tumakas kagabi? Hindi ko naman tinuloy, ah! Bakit pa rin ako pinapatawag? Papatayin niya ba ako? 

Tangina scary!

"You can leave your friends here, we'll accompany you to our office," si Kaliber ang sumagot sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi tanguan sila Daize para magpaalam. Parang mga bata na kumaway sila sa akin habang tinatanaw kami papaalis.

KNIGHTS I-1: Empires High (Primo Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon