3 ~ Deal

328K 10.4K 1.6K
                                    




CHAPTER THREE

"THEY are stranded because of the typhoon. Hindi na sila makakarating dito," paliwanag niya kay Brooke nang makatanggap ng text message mula sa sekretarya ng ama.

"The weather is not that bad," nakasilip ito sa malapad na bintanang salamin na natatabunan ng makapal na kurtina.

"Not that bad? Can't you hear the thunder?"

Hinawi nito ang kurtina pasara at muling bumalik sa kaninang inuupuan. Tahimik niya lang itong pinapanood. Ang perang ipinadala nito sa bank account niya ay hindi pa pumapasok dahil sa kawalan ng sapat na internet signal connection.

"Are we going to stay here tonight?" He asked casually.

"It depends on the weather. If the rain stop, I'll be back in Manila."

"And if it's not, we will stay here."

Pasimple siyang napalunok. She can stay, but she's afraid to stay alone. Pero bakit parang mas nakakatakot na mag stay siya na kasama si Brooke? Hindi niya na makilala ang nararamdaman niya.

"Yes, you can stay in the guest room. And I will be in my own room."

"Show me my room,"

"Ngayon na?"

Brooke glance at her. "Pwede rin na mamaya na. Magtitigan muna tayo dito."

Inirapan niya ito, nahimigan ang sarkasmo sa boses nito. She lazily stood up and pulled down her dress a bit to cover her legs. It's a casual pencil cut dress just above her knees, she used to wear mini dress but today she felt so conscious, knowing that someone is secretly staring on her body.

Nauuna siyang maglakad kay Brooke, pero damang-dama niya ang paglapat ng tingin nito sa katawan niya. Nakakaasiwa na parang nakakakiliti. Hindi na naman siya mapakali, lalo at paakyat sila sa hagdan.

Sa bawat hakbang niya ay umaangat ang dulo ng dress na suot niya kaya panay din ang baba niya niyon. Hanggang sa marinig niya ang magaan na pagsipol ng binata na nakasunod sa kanya.

"I like your legs," Brooke muttered, praising her.

"Ilang babae na ang sinabihan mo n'yan?" Aniya, patuloy sa paghakbang.

"Ikaw palang,"

Uminit ang pisngi niya. Napaka bolero!

"Maniwala ako sa'yo,"

"I don't praise women."

"Mukha nga," she murmured. "Please, quit staring at my back body,"

"I'm just checking my soon-to-be-wife's body, is it a big deal?"

Hindi niya napigilan at huminto siya, humarap siya dito. Ang isang kamay ay nasa barandilya, habang ang isa ay nasa bewang niya. Her eyebrow arched when she saw him bitting his lower lip, suppressing a smile.

"Huwag mo akong tignan," pagtataray niya.

"You really like this position, huh."

Gelicah watch their position, she's towering him again, nakatingala ito sa kanya, naglalaro ang apoy at pagkatuwa sa mga mata.

"What's wrong with this position?"

"You like towering me. Gustung-gusto mo na tinitingala kita," umangat ang makapal na kilay nito sa sarkastikong paraan. "Kulang nalang sambahin kita."

"Gano'n naman dapat. Ang mga babae dapat sinasamba."

"Sasambahin naman kita, sa ibang paraan nga lang."

Territorial Men 3: Brooke Montero (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon