26 ~ Promise

307K 9.8K 1.6K
                                    

A/N: Sumobra sa word count. Ikaw na talaga baby, Brooke! 😍

CHAPTER TWENTY SIX

BROOKE cupped her face with his palms while staring at her. Ang mga mata ay malamlam, na alam niyang sumasalamin sa kanya. Hindi na nila kailangan sabihin kung gaano sila nananabik makasama ulit ang isa't-isa, dahil ang mata nila mismo ang nagsasalita para sa kanila.

Madamdamin na napapikit si Gelicah nang dumampi ang labi ng asawa sa kanyang noo. Dampi palang 'yon pero damang-dama niya ang pangungulila sa halik na 'yon.

"Did I surprise you?" Brooke asked softly, looking through her eyes.

Umilap ang mga mata niya, hindi na naman makatingin ng deretso rito. Bagkos, isang marahan na tango lang ang naisagot niya.

Kahit yata ang pagsasalita ay hindi niya magagawa dahil sa lapit nang distansya nilang dalawa. Ang pamilyar na init sa pagitan nila ay ramdam niya, nakakapanabik.

"Are you mad at me?" Tanong ulit nito na para bang kapag hindi pa narinig ang boses niya ay mabibigo na nang sobra.

Lihim siyang humugot ng hangin sa dibdib, ilang minuto palang silang nakatayo do'n pero pakiramdam niya ay bubuwal na talaga ang kanyang mga tuhod.

The intensity and longing on his eyes were very visible, that made her chest tightened. Kinailangan niya pang humugot ulit ng hangin sa dibdib sa palihim na paraan para lang maayos na makapagsalita.

"J-Just a bit annoyed." She whispered.

Bakit ba kailangan maging matapat siya sa saloobin niya?

Nakita ni Icah ang multong ngiti sa labi ng asawa, na mabilis din na nawala at napalitan ulit ng seryosong ekspresyon.

"What do you want me to do for you to forgive me for making you feel annoyed?" Brooke voice was very gentle.

Gelicah felt his thumb on the side of her lips, he's slightly caressing it...he's feeling it and it seems like he's just stopping himself to kiss her there.

"W-Wala," ang boses niya ay halos hindi niya na marinig, ikinahihiya niya ang inaasta niya sa mga sandaling 'yon.

Ang tapang-tapang niya nang ka-text ito kanina pero ngayon ay natatameme siya. Sa mga magagandang mata palang nito, tiklop na siya...na-hipnotismo na nga talaga siya.

"Gusto kitang halikan," Uminit ang pisngi niya sa sinabi ng asawa kaya mas lalong iniwas ang tingin dito.

Nanghihina na ang mga tuhod niya, ayaw nang gumalaw ng mga paa niya para sana bigyan kahit papano ng distansya ang pagitan nila.

"Pero paano ko gagawin 'yon kung naiinis ka?"

"Eh, di huwag mo akong halikan." Pinasungit niya ang boses.

"Naglilihi ka parin?" Brooke cocked his head on the side, amusement on his eyes. "Pahalik," then he titled his head closer.

Namanhid ang ulo niya at labis nag-init ang buong mukha pababa sa leeg. He's really good on this! In making her blush and embarrass in front of him!

"Bakit ka ba nandito?" Binalot siya ng pagkainis.

Dahil sa pag-iinit nang mukha niya ay pinagpapawisan ang kanyang noo.

"To be with you." Brooke muttered huskily. "And to kiss you." With that, he move his head closer and claim her lips, making her gasped.

It was just a quick kiss but damn, the tingling sensation sent shiver down her spine. Iba talaga ang epekto sa kanya ni Brooke. Bumangon ang pangungulila niya sa asawa pero sa gulat ay naitulak niya ito ng bahagya. Dumilim ang mukha nito pero huli na, natauhan na siya na mali ang halik na 'yon.

Territorial Men 3: Brooke Montero (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon