2. Cronus

175 11 0
                                    





Nagising ako dahil sa alarm clock ko. It's first day of school. Dahil sa koneksyon ni mommy sa Irene high ay nakuha ko na kahapon ang schedule ko ng walang kahirap hirap. Perks of being Marikit.

Agad akong naligo at nag bihis. Kahit hindi ako tunay na anak ni mommy Sexy ay may pagkapareho kami tulad ng hindi kami nag me make up pag pumapasok.

Pagbukas ko sa pintuan ay naririnig ko ang mga boses nila sa baba. Nandoon si mommy, daddy at si Clara. They are talking something pero mahina na ngayon ang mga boses nila kaya hindi ko masyadong naririnig.

Using my ability is tempting. Pero nirerespeto ko sila. Nagyakapan silang tatlo at umalis. They are heading to the stairs kaya agad kong sinirado ang pintuan ko at kinuha ang bag ko.

Isa yun sa mga rason kung bakit gusto kong umalis, hindi ako parte ng pamilyang ito. Oo, maganda ang palikitungo ni Mommy, Daddy at Clara. Tanggap nila ako with an open arms, even Lola Zosie accepted me like her own flesh.

But we can't deny the fact that i am not a Marikit nor Lux by blood. And besides, I still have my very own flesh.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may nagbukas ng pintuan.

" Breakfast is ready, baba na" Sabi ni Mommy Sexy, she is smiling genuinely and guide me.

Habang pababa ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi.

Xylex.

" Goodluck sa inyong first day of school mga anak" Sabi ni monmy. Ngumiti lang ako sa kanya, ngumiti rin si Clara habang walang reaksyon si Xylex.

" Xylex, isabay mo si Clara at Maria" Seryosong sabi ni Daddy Cedrick kaya muntik ko nang ibuga ang gatas na nasa bibig ko. Nabilaukan naman si Clara at naibagsak ni Xylex ang kutsarang hawak niya. May panandaliang katahimikan bago kami nakapag react.

" Daddy!"

" Ha?"

" What the fvck!"

" Words Xylex" Mahinahong sabi ni mommy Sexy pero mahahalata mo sa boses niya ang pagiging strict. padabog na kinuha ni Xylex ang kutsara na nabitawan niya.

" My rules" Sabi ni daddy. Masama ang tingin sa akin ni Xylex, siguro minumura na ako nito.

Huhuhuhu help.

" Huwag na po daddy, kay Clara nalang po ako sasabay" Saad ko at ngumiti.

" Yeah daddy, sa akin siya sasabay. Just like before" Sabi ni Clara habang naka tingin kay Daddy.

Ayaw kong makasama si Xylex.

Ayaw ko pang mamatay, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.

" Did you already forgot about your Car Clara?" Tanong ni mommy Sexy.

Ano ba ang nangyari sa sasakyan ni Clara?

Wala pa akong kotse dahil 17 palang ako at ayaw ko namang bigyan nila ako ng kotse.

Pero biglang nagbago ang expression ni Clara na tila ba may naalala.

" Okey fine" Sabi ni Clara at lumungkot.

" Ahh... tatawagan nalang namin si Persephone kundi si Dawn" Saad ko. Pero agad na umiling si daddy at mommy.

Huhuhu mommy, daddy, makisama naman kayo... alam niyo naman na hindi kami in good terms ni Xylex.

" Baka ma late pa sila dahil pupuntahan pa nila kayo" Sabi ni Mommy kaya napa isip ako, mas male late sila kung pupunta pa sila kaya nag agree nalang ako.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now