18. Future

95 4 0
                                    


HINDI parin matigil sa pagtawa sila Eris, Cronus, Iris at lalong lalo na si Mommy Sexy.

" Hahahaha, naniwala ka agad?" Natatawang sabi sa akin ni mommy Sexy.

Oo nga pala, hindi totoo na apo siya ni Athena.

" Hahahaha, nakisabay lang kasi ako. Syempre apo ka ni Tyche, siya naman ay apo ni Cronus, tapos tong isa naman ay Apo ni Nyx, magpapahuli pa ba ako?" Sabi ni mommy at gumulong gulong pa sa kakatawa.

" Kalokohan mo Sexy" Sabi ni Iris.

" Diba tinatanong mo kung ano ang gagawin mo ngayon? Ang mabuti pa ay puntahan mo nalang ang papa mo dahil naaalala ka na niya" Sabi ni Cronus kaya agad akong napatayo.

" Oo nga pala Maria, dahil natanggap mo na ang deal, matatanggap mo na rin ng paunti unti yung kapangyarihan mo"

" Aalis muna ako" Sabi ko at agad na lumabas ng bahay. Agad akong pumara ng masasakyan ko at sinabi ang aking address. Tinignan muna ako ng kakaiba ni manong na para bang sinasabi na 'May lahi pala siyang baliw?'

Sa aking pagbaba ay agad kong inilibot ang aking paningin sa kabuuhan ng rehab center. Walang masyadong pinagbago dahil nandito naman ako noong nakaraang araw.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tumapat ako sa pintuan na may nakalagay na C-17.

Kinakabahan akong pumasok, paano kung hindi parin niya ako maaalala? pero paano kung naaalala na niya ako, ano ang magiging reaction niya? 

Sa huli ay pumasok ako, bahala na kung ano man ang mangyari. Nakita ko si Papa na prenteng nakaupo sa kanyang upuan habang nagbabasa. Naramdaman niya yata na may pumasok kaya umangat ang tingin niya sa akin. Binaba niya ang librong binabasa niya at tumayo saka lumapit sa akin.

" Tinanggap mo na pala ang deal" Sabi ni papa kaya bigla nalang tumulo ang luha ko at niyakap siya.

" Papa..."

" It's okey"

***

" Alam kong darating ang oras na ito. Na tatanggapin mo ang deal ni Iris" Sabi ni papa habang nakaupo kami at nagkakape.

Pero teka... Kilala niya si Iris?

" Kilala mo si Iris pa?" Tanong ko. Bigla namang tumawa si Papa.

" Hindi ba sinabi sayo ni Sexy na anak ako ni Themis?" Tanong ni papa kaya naalala ko yung sinabi ni mommy Sexy na anak ni Themis si papa.

Halo halo pala ako.

" Nabanggit niya pala" Sabi ko.

" At alam ko rin na hihilingin mo kay Iris na sana ay bumalik narin ang ala ala ko. Pero anak, hindi ko malimutan yung pagdalaw mo sa akin, lahat ng pagdalaw mo sa akin" Sabi ni papa kaya napangiti ako.

" Talagang pinalaki ka ni Sexy at Cedrick ng tama" Sabi ni papa, nagpapasalamat rin ako kina mommy dahil kung hindi dahil sa kanila ay baka kung saan saan na ako ngayon, baka hindi na ako nag aaral ngayon at baka namamalimos na ako ngayon.

" Pa, sabi ni mommy Sexy ay maari kong matalo ang taong sumumpa sa amin ni mama, pero paano?" Tanong ko. Bigla namang sumeryoso ang mukha ni papa.

" Nabanggit narin sa akin ni Mary ang tungkol dyan. Ngunit ang Sabi niya..." Sabi ni papa at tumingin ng deretso sa akin.

" Ikaw lang daw ang nakakaalam" Sabi ni papa kaya napakunot ang noo ko. Paanong ako lang ang nakakaalam kung mismo ako ay hindi ko alam.

Napansin siguro ni papa na naguguluhan ako. Talaga namang naguguluhan ako kaya nagsalita na siya.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now