22. Olympus

94 4 0
                                    


Nasaan ako? bakit parang pamilyar ang lugar na ito?

" Maria"

" Nandito na siya"

" Siya na nga"

Napalingon ako sa ma nag uusap at may nakita akong mga magagandang babae. Tatlo sila ngunit yung isang babae ang naka agaw ng aking atensyon.

" Mama?" Hindi makapaniwalang sambit ko at lumapit sa kanya ng dahan dahan.

" Maria" Sabi niya at agad ko siyang niyakap.

Mama...

" Tama na nga yan. Maupo ka muna Maria" Sabi ng babae kaya naupo ako sa isang bato. Parang nasa mini forest pala ako ngayon dahil maraming kakahuyan ang nandito at may maliit na ilog na sobrang linaw.

" Teka, ikaw yung nasa panaginip ko noon!" Bulalas ko at marahan naman siyang tumango.

" Ako si Tyche, lola mo ako" Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Siya si Tyche..

Goddess Tyche...

Yung lola ko...

Yung Goddess ng goodluck at fortune...

" I-ikaw?" Halos hindi makapaniwalang sabi ko at marahan naman siyang tumango. Halos magkasing edad lang kaming lahat. Napalingon naman ako sa isang babae na nakangiti.

" Ako si Dione" Sabi niya. Mala Aurora ng sleeping beauty ang ganda niya.

" Pero teka, bakit ako nandito? diba yung sumpa---"

" Yan ang aming ipapaliwanag sayo ngayon" Sabi ni mama.

" Maria, Naiwan sa lupa ang iyong katawan dahil buhay ka pa ngunit may anyo ka parin kahit papano at pwede kang mapahamak kung gusto mo, kaya mag ingat ka dahil buntis ka. Maria, pare pareho lang tayo ng sumpa ngunit may nadagdag sayo" Sabi ni Tyche at napalunok ako.

" Ano yung nadagdag?" Lakas loob kong tanong.

" Kailangan mong magkaanak ng babae bago ka tumungtong sa edad na 26" Sabi ni Dione ka nanlaki ang mga mata ko.

" Ngunit may anak na akong babae pero nasa tyan ko palang" Sabi ko.

" Kaya nga malapit nang maubos ang oras mo. Dahil kapag hindi ka magka anak ng babae bago ka mag 26 ay ikaw at ang anak mo ay mamamatay" Sabi ni mama kaya napalunok ako. Kabuwanan ko na ngayon at ngayong buwan rin ang aking kaarawan.

" Anong gagawin ko?" Kinakabahan kong sabi.

" Mamaya na natin pagusapan yan. Ang pag uusapan muna natin ay ang sumpa na binigay sa atin" Sabi ni Lola--er mama--uh Tyche na nga lang.

Napatingin ako sa sarili ko, kahit nandito ako sa kakaibang lugar ay malaki ang tyan ko ngunit hindi naman ako nahihirapan na gumalaw pero alam ko sa sarili ko na kahit nandito ako ay maaring mapahamak ang batang dinadala ko kahit nasa lupa ang aking katawan.

Lumapit si Tyche sa may tubig at inilubog doon ang hawak niyang scepter at may nakita akong image.

" Ang mga magulang ko ay si Zeus at Nyx" Sabi ni Tyche at lumabas doon sa tubig ang mukha ng isang lalakeng makisig ang pangangatawan at isang babae na ang damit ay kulay dark violet.

Kung si Nyx ang mama niya, ede may titan Blood siya? 

" May kambal ako, siya si Nemesis" Sabi ni Tyche at nakita ko sa may tubig ang isang babae na kamukhang kamukha ni Tyche pwera nalang sa damit at make up, light make up lang ang gamit ni Tyche samantalang Dark make ups ang kay Nemesis.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon