8. Jakhei

124 7 0
                                    



Kasama ko ngayon sila Clara, Persephone at Dawn. Papunta kami ng airport ngayon upang sunduin si Jakhei.

Si Jakhei ay anak din ni tita Kiah na dean na ngayon ng Irene high. Halos isang taon lang ang agwat ni Jakhei sa amin dahil magkasing edad kami ni Kennic na kuya niya.

Sa bahay naman ay nandoon ang buong SL members noon. May grand reunion kasi sa bahay namin at ayaw ni mommy Sexy na magsimula hanggat hindi pa dumadating si Jakhei, galing siya sa Texas kung saan nakatira dati sila tita Selene

Si Jakhei ay parang pinaghalong Clara at Dawn ngayon, may pagka bitchy si Jakhei at sopistikada ito tulad ni Dawn. Pero sa pagkakaalam ko ay hindi naman ganon si Jakhei noon.

Kasing ugali ko si Jakhei at tahimik lang sa tabi, madalas siyang nag oobserba sa paligid at palaging nakaharap sa libro kundi sa computer niya.

Alam kong may nangyari sa Texas na hindi niya sinasabi sa amin. Ayaw ko namang gamitin ang abilidad ko dahil nirerespeto ko ang desisyon ni Jakhei, pinili ni Jakhei na hindi sabihin sa amin kaya mas nakakabuti sigurong maghintay kami kung kelan niya gustong sabihin sa amin ang lahat.

***

Agad kaming bumaba dahil nandito na kami sa airport. Hinihintay lang namin na lumabas si Jakhei, gusto kong sumama dahil gusto kong makita kung gaano kalaki ang ipinagbago ni Jakhei ngayon dahil halos pitong taon palang ako nang pumunta sa Texas si Jakhei.

" Ang tagal naman ni Jakhei! hindi naman yun kagandahan" Saad ni Persephone at agad naman siyang binatukan ni Clara.

" Wala pa tayong isang minuto dito na naghintay pero reklamo ka na ng reklamo, sana hindi ka nalang sumama kung reklamo ka ng reklamo" Wika ni Clara kay Persephone.

" Eh gusto kong makita kung gaano kalaki ang ipinagbago ni Jakhei ngayon. Gusto kong isa ako sa mga taong makakakita sa kanya ng personal, duh!" Pagtataray ni Persephone kay Clara.

" Tumahimik na nga kayo, sana hinulog ko nalang kayo palabas ng kotse ko kanina habang umaandar pa ang sasakyan ko" Singit ni Dawn at ilang sandali lang ay bumaba na ang eroplano na sinasakyan ni Jakhei kaya bigla kaming na alerto. Lahat kami ay sabik nang makita si Jakhei dahil alam naming marami na ang ipinagbago niya.

Ilang sandali palang ang aming hinintay ay bigla nang nagsilabasan ang mga pasahero ngunit isa lang sa kanila ang naka agaw pansin ko.

Ang babaeng naka ponytail ang buhok niyang sa tantya koy hanggang bewang, naka floral dress na off shoulder at bakas sa aura niya na isa siyang sopistikadang babae. Siguro mas magkakasundo sila ni Dawn kesa sa amin nila Persephone at Clara.

Hindi siya naka ngiti ng sinalubong namin siya at may kasama pa siyang taga bitbit ng kanyang mga gamit.

" What? Are we gonna stare each other forever?" Taas kilay niyang tanong. Agad naman namin siyang nilapitan at niyakap.

" I miss every one of you" Sabi niya.

" Akala namin wala ka nang balak pang umuwi dahil ang tagal tagal mo kasi" Naiinis na sabi ni Persephone.

" I was just late for 3 minutes Persephone, i did not make you wait for three years" Pagtataray pa ni Jakhei at humarap sa akin.

" My long time friend, Maria T--" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam pero ayaw kong mabanggit sa akin ang ikalawang pangalan ko, Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko talagang mabanggit, o marinig man ang ikalawang pangalan ko.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now