20. The Date

95 4 0
                                    


" It's perfect!"

" Pwede na"

" Paniguradong maiinlove talaga si Xylex sayo"

" You look so stuning"

Ako naman ay napangiti sa sarili kong repleksyon. Halos inabot kami ng tatlong oras dahil sa kanilang pagtatalo na wala namang kakwenta kwenta. Palagi silang nagtatalo kung ano ang mas bagay sa akin simula sa ayos ng aking buhok, sa aking make up, lalong lalo na sa aking lipstick, kahit ang aking sasabihin ay pinagtalunan nila.

" Remember what i told you" Sabi ni Jakhei at ngumiti ng nakakaloko sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, wala naman siyang tinuro sa akin ah.

" Hoy gaga, wala kang tinuro sa kanya kaya huwag ka ngang mag assume" Sabi ni Clara kay Jakhei.

" Akala mo naman nakikinig talaga sa atin si Maria, for sure hindi yan nakikinig sa atin kanina kasi si Xylex lang siguro ang iniisip niya" Sabi ni Persephone at tumawa.

Naalala ko naman yung kanina.




" Ganito Maria, pag sinabi niya na can i have you a dance" Sabi ni Clara at inilahad pa niya ang kanyang kamay sa aking harapan.

" Sasabihin mo na; Yes sure" Sabi ni Clara at kinilig.

" Huwag ka nang magpakipot pa kasi sayang yung gracia. Ayaw ni Xylex ng mga pakipot na babae" Sabi ni Clara. Lumapit naman sa amin si Jakhei habang nilalagyan ni Dawn ang kamay ko ng nail polish, ayaw kasi ni Dawn na iba yung mag lalagay ng nail polish kasi gusto niya ng perfect kaya siya na ang gumawa.

" Xylex don't like girls who's pakipot right?" Sabi ni Jakhei kay Clara at agad namang tumango si Clara kay Jakhei kaya ibinaling ni Jakhei yung paningin niya sa akin.

" You will be pakipot for him to be mad" Sabi sa akin ni Jakhei habang mas masamang ngiti.

" Ano ka ba Jakhei! doon rin naman papunta yun at hindi na uso yung pakipot pakipot since magkakilala na si Maria at si Xylex since they are five years old, duh!" Sabi ni Clara at sumingit naman si Persephone.

" But think about this guys, we both know na hindi naman talaga pinapansin ni Xylex si Maria but one day ay bigla nalang niya ito inaya ng date. How suspicious right?" Tanong ni Persephone.

Tama si Persephone, para sa akin ay hindi ako nag e-exist sa buhay ng isang Apollo Xylex Jace Lux pero isang araw ay bigla niya akong inaya ng date. Hindi kaya---

" Hindi kaya mali ang pagkakaintindi natin? baka hindi date ang ibig sabihin ni Xylex sa sinabi niya sa akin. Baka iba ang ibig sabihin nun at hindi date" Sabi ko. Nag assume ako na sasabihin nilang baka tama ako pero silang apat ay tinaasan lang ako ng kilay.

" Alam mo, kung wala ka lang date ngayon ay baka sinampal na kita ng malakas lakas" Sabi ni Persephone.

" Kung hindi lang talaga kita kapatid ay baka na jombag na kita ng malakas" Sabi ni Clara sa akin at yumuko since nakatayo siya then naka upo ako.

" Kung hindi date ibig sabihin ni Xylex, ede ano ang ibig sabihin ng sinabi niya sayo?" Sabi ni Clara kaya napagtanto ko na tama si Clara.

" So cheer up okey, don't give us that expression, this is your first date for Pete's sake! so just smile and don't stress your self too much" Sabi ni Jakhei sa akin.

" Just focus on your date sweety" Dugtong ni Jakhei sa kanyang sinasabi.

" Then if he smiles to you, it means you are beautiful in his eyes" Sabi ni Dawn na hindi man lang tumitingin sa akin kasi naka focus siya sa aking kuko.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now