3. Hair

150 9 0
                                    




" Well, ang swerte naman natin mga sisters" Sabi ng babaeng nasa gitna. Ako naman ay dahan dahan na umatras. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.

Should i use my ability?

Napapikit ako ng mariin para pigilan ang sarili ko.

Masama yun Maria.

Hinawakan ng isang babae ang buhok ko. Ako naman ay kinakabahan sa susunod na mangyayari. Im silently praying na sana ay hindi niya ako sasaktan.

" We won't hurt you anyway, may itatanong lang sana ako" Sabi ng nasa gitna na si Honey habang dahan dahan na naglakad paikot sa akin.

" What is the real score between you and Xylex?" tanong Honey

" Ahh... kapatid?" Sabi ko pero tumawa lang si Honey pati yung dalawa pa niyang kasama.

Yung dati na hinihimas niya lang ang buhok kong itim ay hinawakan na niya ito ng mahigpit.

" Come on, we both know na hindi kayo magkapatid" Sabi niya habang mahigpit parin ang kapit niya sa buhok ko kaya napapikit ako sa sakit.

" You got a nice hair. Black, yet straight, silky, and smooth" Sabi niya kaya halos maubos ang dugo ko sa mukha.

" Akin na lang to" Sabi niya. Kaya biglang tumulo ang luha ko.

" Huwag...Please" Pagmamakaawa ko. Importante sa akin ang buhok ko. Ayaw kong ipaputol to.

" I want you to beg" Sabi niya.

" Luhod!" Sigaw niya kaya mas mabilis pa sa alas kwatro akong lumuhod.

" Go! start begging now!" Sabi niya sabay sipa sa akin sa mukha kasi magkalebel na ang mukha ko sa paa niya.

" H-huwag please" Nanginginig kong sabi.

" Give me a scissor" Utos ni Honey sa mga kasamahan niya kaya halos mahimatay ako.

" P-please... parang awa mo na...importante s-sa akin ang buhok ko" Sabi ko habang umiiyak.

Ito nalang ang ala alang meron ako.

" I'm sorry bitch, i was not satisfied to see you like that. I want you to feel so devastated" Sabi ni Honey at aakmang puputulin ang buhok ko.

" Please... gagawin ko ang lahat huwag mo lang putulin ang buhok ko" Pakiusap ko habang umiiyak.

" Lahat?"

" O-oo"

" I want you to out of my sight. But before that, i want to cut your hair" Sabi niya sabay hila ng buhok ko pataas kaya napatayo ako dahil sa sakit ng pagka hila niya sa akin. Pumikit ako ng mariin.

" Please.. ito nalang ang tanging meron ako. Parang awa mo na" Pagmamakaawa ko sa kanya.

" I really love you to beg but sorry" Sabi niya at gugupitan na niya ang buhok ko kaya mariin akong pumikit.

Paalam.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang pag cut ng gunting at nararamdaman ko ang pagkakahulog ng buhok ko.

Pagdilat ng mga mata ko ay nasa harap ko na si Clara na galit na galit. Paulit ulit niyang ginugupit ang buhok ni Honey. Hawak naman ni Persephone at Dawn ang dalawa pang kasama ni Honey habang si Cronus ay pinipigilan si Clara.

" Anong ginawa mo sa kapatid ko?!ipapatanggal kita sa school na ito punyeta ka!" Sabi ni Clara. Nakuha ni Cronus ang gunting at pilit pinakalma si Clara. Ngayon ko lang narealize na maraming tao ang naka tingin.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon