15. Dance and Deal

98 7 0
                                    


" Pasensya ka na friend! wala na kasi kaming maisip na paraan eh" Sabi ni Clara.

" Ay hindi okey lang! nagulat lang ako" Saad ko.

Eh pano, sila pala ang may pakana nitong kidnap. Gusto lang pala nila na ma-surprise ako. At ngayon, naka gown ako ng sobrang ganda at kulay puti at ang designs ay gold. Ang suot kong gown ay katulad ng gown ni Cinderella ( human version) Nasa kwarto ako at kasama ko ngayon si Clara, Persephone, Dawn at Jakhei.

" Ang ganda ng dress diba? si tita Ishie ang nag design" Sabi ni Persephone.

" Yeah whatever"~ Clara

" As if we care"~Jakhei

" Sige pagpatuloy niyo pa yan at pagsasabihan ko si mommy na ibagsak kayo ng tuluyan" Sarcastic na sabi ni Persephone.

" We got high grades remember?"

" As if you can"

At nagpatuloy na sila sa kanilang bangayan. Ilang sandali pa lamang ay dumating si mommy Sexy.

" Maari bang lumabas muna kayo? may pag uusapan lang kami ni Maria" Sabi ni mommy, Bigla naman silang nagsi alisan kaya tumahimik na ang aming kapaligiran.

" Bakit po mommy?" Tanong ko. Nakaupo kasi ako at nakaharap ako sa isang salamin.

" Alam kong matagal mo nang gustong malaman ang mga bagay na tungkol sa iyong ina, hindi ba Maria Tyche?" Sabi ni mom at kumuha ng suklay at maingat na sinuklay ang aking buhok.

" Ah, kasi..ano.."

Nabigla ako dahil marahan na tumawa si mommy.

" Hindi ko naman sinabi na sumagot ka dahil wala namang tanong" Sabi ni mommy.

" Maria anak, naghihintay lang ako na magtanong ka, 13 years ka nang nandito sa ating pamamamahay pero walang mi isang tanong ang
lumabas diyan sa iyong bibig. Handa naman kasi akong sagutin kung ano ang iyong kayanungan tungkol sa mama mo, o sa sarili mo" Sabi ni mommy at tumigil na sa pagsusuklay.

" Halika na" Sabi ni mommy kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

" Tandaan mo anak, naghihintay lang ako na magtanong ka at ibubunyag ko ang lahat ng alam ko"

***

Maraming tao ang nakatingin sa akin. Nasa isang trono ng isang prinsesa kasi ako ngayon.

Lumapit si dad sa akin na may hawak na roses.

" Pwede ka bang maisayaw?" Tanong ni dad kaya napangiti ako at inabot ang kanyang kamay at sumayaw na kami.

" Ang ganda ng dalaga namin ngayon" Sabi ni dad kaya mahina akong natawa.

" Si daddy sinungaling" Sabi ko at bahagyang tumawa.

Ilang minuto pa ang lumipas at sunod sunod na ang mga sumayaw sa akin.

" You look like a human now" Sabi ni Dylan, anak ni tita Haliah at tito Matthew.

" Tao naman talaga ako" Sabi ko.

" Oh really? akala ko kasi na dahil sa make up kaya ka nagmukhang tao" Sabi ni Dylan.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now