12. Greek Mythology Quiz

111 8 0
                                    


" Maria! gumising kana! ang tagal mo!" sigaw ni Clara sa akin at hinila niya ang kumot ko.

" Mamaya na Clara, five minutes pa please" Sabi ko sabay hila pataas ng kumot.

" Hoy bruha ka! ngayon ang quiz niyo kaya bilisan mo na!" Saad ni Clara na siyang nagpabangon sa akin. Ngayon na pala ang quiz namin.

" At si ano... nasa ibaba na" Sabi ni Clara at ngumisi sa akin.

Agad akong pumasok sa Cr at naligo habang inaalala ko ang nangyari kagabi--este kaninang madaling araw pala.




Sampung minuto nalang bago mag alas dos nang makarating kami sa aming bahay. Sabay kaming pumasok ni Xylex at ng pumasok na kami ay bumungad sa amin ang seryosong mukha ni dad, expressionless na mukha ni mom at naka cross arm at naka taas kilay na si Clara.

" L-le-let me e-explain---"

" Get inside. It's already late, very late" Maotoridad na saad ni dad kaya agad akong napalunok at pumasok at ganon din si Xylex.

" Apollo Xylex Jace, we need to discuss something" Seryosong sambit ni dad. Once kasi na binanggit ni dad ang isa sa amin tapos whole name, it means kailangan niyong mag usap ng masinsinan.

" Yes dad" Sabi ni Xylex at sumunod kay dad kaya ang naiwan nalang dito ay kaming tatlo nila mom at Clara.

" Maria Tyche, follow me" Sabi ni mom. For a long years, ngayon ko lang ulit narinig mula sa mismong bibig ni mom ang buong pangalan ko.

Sinundad ko si mom at nasa likuran ko si Clara. Pumasok si mom sa kwarto nilang dalawa ni dad kaya pumasok din ako. Agad kong napansin ang buong paligid dahil hindi kasi kami basta bastang pumapasok sa kwarto ng iba lalong lalo na sa kwarto nila mom.

Narinig kong ni-lock ni Clara ang pinto kaya agad akong napalunok. Never kong nakita ang expression ni mommy kanina na expressionless lang. Nakita ko na ang seryosong aura at maldita niyang aura pero kakaiba kasi ngayon.

Nakatalikod si mom sa akin habang nasa likuran ko si Clara. Dahan dahan namang humarap sa akin si mom na nakangisi--wait NAKANGISI?!

Lumapit sa akin si mom at ganon din si Clara na katulad ni mom ay nakangisi rin. Ano ba ang nangyayari sa kanila?

Agad nila akong pinaupo sa kama nila ni dad at mom.

" Nag date sila kaya natagalan" Mom teased kaya agad akong napangiwi.

" H-hindi! mali kayo ng iniisip" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

" Eh anong ginawa niyo aber?" Tanong ni Clara at sabay pa talaga sila ni mommy na ngumiti ng nakakaloko.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na nahimatay ako dahil baka mag alala lang sila kaya.

" Nagkwentuhan kami" Sabi ko at mas inilapit ni monmy at Clara ang mga mukha nila na animoy hinihintay ang sunod kong sasabihin.

" Nagkwentuhan kami tungkol sa greek mythology tapos nasa tabing dagat ipi-nark ni Xylex ang sasakyan tapos naupo kami sa may bubong ng sasakyan at kumain kami ng dala niyang mga junk foods na binili niya sa nahintuan naming 7/11 tapos---"

" Tama tayo mommy! Xylex is not lying, they are on a date!" Sabi ni Clara at sumigaw na para bang kinikilig.

" My boy is now a man" sabi ni mom at kumislap pa ang kanyang mga mata.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu