25. Nemesis' Curse

112 6 0
                                    



Natatakot ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa aking anak. Sa kanyang ngiti palang ay alam kong may gagawin siyang hindi maganda.

" It's really good to be back" At tumawa siya ng parang isang mangkukulam. Kamukhang kamukha niya si Tyche ngunit dahil sa kasuotan at sa dark ng make up ni Nemesis ay hindi mo maipagkakailang masama siya.

" Anong ginaawa mo rito, Nemesis?" Tanong ni Tyche at lumapit amin.

Kaharap kasi namin ngayon ni Nyx si Nemesis at nasa gitna kaming apat at nasa likuran naman namin ay ang trono nila Zeus at Hera.

" Hulaan mo, manghuhula ka diba?" Sabi ni Nemesis at tumawa. Napuno ng bulong bulungan dito sa Olympus.

Tumingin sa akin si Nemesis at ngumisi.

" Manghuhula karin hindi ba? pamangkin?" Sabi niya sa akin.

" Hindi kasi masyadong mapakinabangan ang abilidad ng iyong ina dahil swerte lang ang meron siya. Ngunit ikaw Maria..." Sabi ni Nemesis at dahan dahan na lumapit sa akin ngunit hinarangan siya ni Tyche at ni mama, si Nyx naman ay poker face lang. Nahahati siguro ang desisyon niya dahil anak niya parin si Nemesis.

" Kaya mong manghula at baguhin ang nakatakdang mangyari" Sabi ni Nemesis kaya nagulat ako at napansin ko rin na parang ako lang yung nagulat sa amin.

Kaya kong baguhin ang nakatakdang mangyari?

" Parang hindi ata alam ng aking pinakamamahal na pamangkin" Nakangising sabi ni Nemesis.

" Bakit hindi niyo sinabi kay Maria ang totoo? Hindi ba't may karapatan si Maria na malaman ang kanyang natatanging kakayahan? sapagkat ang pagiging manghuhula niya ay nagmula kay Tyche" Sabi ni Nemesis.

" Nemesis, alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo at sinasabi ko sayo na hindi maganda ang gagawin mo, nakuha mo na ang iyong gusto" Marahan na sabi ni Nyx ngunit bakas sa kanyang boses ang pagiging awtoridad niya.

" Nakuha ko nga, nakuntento na ako pero nag iba ang aking desisyon nang malaman ko na ang anak ni Maria ang tinutukoy sa propesiya kaya naisip kong..." Pambibitin ni Nemesis sa sasabihin niya at tumingin muna ng deretso sa aking mga mata.

" Isumpang muli ang salinlahi ni Tyche" Bigla akong nanginig sa kanyang sinabi at napatayo si Zeus sa kanyang kinauupuan.

" Nemesis!" Sigaw ni Zeus kaya lahat kami ay nakatingin sa kanya.

Biglang umilaw yung mga mata ni Nemesis at lumutang. May sinasabi siyang hindi ko marinig o maintindihan dahil ang pag galaw lang ng kanyang bibig ang nakikita ko.

" Nemesis!" Sigaw ni Nyx sa kanyang anak ngunit hindi nagpatinag si Nemesis at nagpatuloy na. At ilang sandali pa lang ay bigla nalang siyang nagiging abo ng dahan dahan.

At tuluyan na siyang naging abo.

Magkahalong gulat at takot ang aking nararamdaman ngayon.

" Aeolus, ano ang sinabi ni Nemesis?" Tanong ni Tyche kay Aeolus nang makalapit ito sa amin.

" Hindi ko narinig ang sumpa na kanyang isinaad ngunit narinig ko na babalik muli si Nemesis ngunit ibang katawan na ang gamit niya" Sabi ni Aeolus kaya nanghina ako at napaluhod.

" Ayos ka lang ba Maria?" Tanong ni mama nang makalapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo. Nanginginig parin ang mga binti ko dahil alam kong isinumpa na ni Nemesis ang aking anak bago palang siya naglaho.

" A-aking anak, k-kailangan kong puntahan ang aking anak!" Saad ko.

" Ngunit Maria---" Pinutol ko ang sinasabi ni Dione.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now