17. Truth

100 6 0
                                    



Kinakabahan ako. Nandito lang ako sa aking kwarto habang nag iisip. Nagdadalawang isip kasi ako kung tatanungin ko ba si mommy para sa confirmation.

Gusto kong malaman ang totoo, gusto kong malaman lahat ngunit natatakot ako sa aking malalaman. Baka hindi ko kakayanin o baka hindi agad mag sink in sa utak ko ang lahat.

Pero napagdesisyunan ko nalang na bumaba. Laking gulat ko nalang nang makita sila mommy Sexy, Cronus at Eris.

Sa pagkakaalam ko kasi, umalis sila Xylex kasama ang mga kaibigan niya tapos si Clara naman ay may sariling lakad. Bakit sila nandito?

" Tamang tama, nandito na siya" Sabi ni Cronus at tumayo sabay lapit sa akin. Tinignan ko sila na may halong pagtataka.

" Isa nalang ang ating hinihintay" Sabi ni Eris. Mas kumunot ang noo ko sa sinahi ni Eris pero pilit kong binale wala yun at naupo sa sofa.

Katabi ko si Eris habang nasa harapan naman si Mommy Sexy at Cronus.

" A-anong meron?" Takang tanong ko. Sasagutin na sana ni Cronus yung tanong ko nang may sumulpot sa aking harapan na siyang dahilan upang manlaki ang aking mga mata.

" I-Iris?" Gulat kong saad at tumingin sa kanila ngunit base sa kanilang expresyon ay parang kilala na nila si Iris.

Naguguluhan akong tumingin sa kanila.

" Magkakakilala na kayo?" Tanong ko.

" That's why nandito kami upang sabihin sayo ang lahat. I'm waiting for you to ask but we are running out of time kaya kami na ang magtatapat" Sabi ni mommy Sexy.

" And now, let us start on where it begins"

+++++++++++++++++++++++++++

Sexy.

Flashback...

( Timeline: Ito yung time na after 7 years ay nagkita kita na ang buong SL)

Taas noo akong naglalakad patungo sa aking opisina. May iilang bumati sa akin ngunit hindi ko sila tinitignan.

' Goodmorning ma'am'

' Goodmorning Miss Sexy'

' Magandang araw po'

Pagpasok ko sa aking opisina ay agad akong naupo sa aking swivel chair at biglang pumasok si Tyche.

Siya ang aking secretary simula pa noong bago pa lang ako sa kompanya. Naging instant kapatid ko narin siya ngunit napansin kong matamlay siya.

" Bakit ka matamlay? bakit parang kulang ka sa pahinga? mag leave ka muna baka makakasama yan sa baby mo" Sabi ko and yes, she is Pregnant. Actually Im pregnant too pero mas nauna lang ako ng 2 months sa kanya. Five months na ang sa kanya samantalang 7 months naman yung sa akin. At tsaka kambal ang magiging anak ko kaya medyo malaki na ang tyan ko.

" Sexy, gusto kitang makausap, tungkol sa isang bagay" Sabi ni Tyche kaya pinaupo ko muna siya. Kahit hindi pa niya sinasabi kung ano ang pag uusapan namin ay may idea na ako kung ano yun.

Alam kong kakaiba si Tyche, Mary Tyche talaga ang tunay niyang pangalan at alam ko ang background niya. Noong una ay hindi ako makapaniwala pero sa kalaunan ay naintindihan ko na rin.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon