Epilogue

207 5 0
                                    


Catastrophe's POV

Seventeen years later...

I am Catastrophe Peace and i am aware of everything.

As in Everything.

Magic?

Power?

Greek Myths?

My mom?

About the Curse?

My Ancestors?

Not new to me anymore.

" Bumangon ka na" Saad ng isang boses kaya agad akong napatayo. Im not afraid to have fights or any bad doings o kahit sino mang tao na nasa school namin, pero itong kausap ko ay kakaiba.

" Yes lola" Sabi ko at dali daling pumasok sa banyo. That was my lola Sexy, she is in her 60's pero nakakatakot ang aura niya lalo na kapag nakataas ang kilay niya.

Im turning 18, months from now but I'm a bit afraid to her. Tao lang si lola ngunit kaya niyang kausapin si Nyx--which is ninuno ko at sa pagkakaalam ko, kayang Tanggalin ni Nyx ang aking kapangyarihan kahit na hindi siya ang nagbigay ng mga kapangyarihan na meron ako.

Ganyan kabangis ang ninuno ko.

" Nasa baba na si Krizan, kaya mag handa ka na" Sabi ni lola at narinig ko ang pagsara ng pintuan.

Krizan Pitogo, a friend of mine. Actually my Bestfriend, my one and only human-bestfriend. Agad akong nagbihis at bumaba na at nakita ko ang mukha ng kaibigan ko then i try to read her mind.

But i read nothing.

Simula nang makilala ko si Maria ay hindi ko na nababasa ang kanyang nasa isipan hindi tulad ng iba at misteryo parin sa akin iyon hanggang ngayon.

" Goodmorning Astro" Bati ni Krizan sa akin. Astro is from my name CatASTROphe.

" Goodmorning din, Kriz" Sabi ko pabalik at ngumiti sa kanya at nagpaalam na kami kay dad at kay lola.

Alam ni Krizan ang pagkatao ko ngunit hindi lahat. Ang alam niya lang ay niregaluhan ako ng anim na kakayahan ng mga matatandang tao at alam niya ang anim na iyon. Ang sabi sa akin ni lola, ikapito si Nyx na nagbigay sa akin regalo ngunit hindi daw sinabi ni Nyx kung ano ang ibinigay niya sa akin ngunit may ibinigay daw siya.

" Oh bakit tulala ka?" Tanong ni Krizan sa akin ay ngumiti.

" Wala, may naisip lang ako" Sabi ko at bahagyang tumawa at binalewala lang naman niya yun. Hindi alam ni Krizan na hindi ko mapapasok ang nasa utak niya.

O baka naman pareho kaming kakaiba?

Natatakot akong tanungin siya dahil baka mabigla kaya hinahayaan ko na lang. Pumasok na kami sa aming room at siya naman ay abalang nagbabasa sa librong hawak niya.

Hindi alam ni Maria na involve ako sa Greek Mythology o baka naman ay alam na niya pero naghihintay lang ako na magtapat sa kanya dahil ayaw niyang pangunahan ako.

OH FVCK.

Nababaliw ako sa kakaisip, hindi ko kasi malaman laman kahit na binigyan ako ni Athena ng pambihirang katalinuhan.

Napatingin ako kay Krizan, simple lang siya at ang kanyang pamumuhay. Wala siyang kamalay malay na pilit kong pasukin ang nasa utak niya. Mabait, maunawain, ngunit may pagkasira, maganda naman siya lalo na ang kanyang mga mata.

Kahit may saltik siya ay wala parin siyang kaalam alam sa mga pinanggagawa ko.

***

Kagagaling ko lang mula sa school at nakabihis na ako ngayon.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now