24. Apollo's Prophecy

111 5 0
                                    


Ilang araw narin ang lumipas simula nang manganak ako at nandito akong muli sa Olympus. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nila ako pinababalik sa earth.

Kaya pala palagi kaming nandito sa semi-gubat dahil ayaw ni Tyche na manalagi doon sa Olympus kasi hindi sila magkasundo ni Hera at Aphrodite, ganon din si Dione pero pumupunta sila doon kapag may okasyon o mahalagang pag uusapan.

Nakaupo ako sa isang bato at nakatingin doon sa tubig na kung saan nakikita ko kung paano alagaan ni Xylex ang anak namin. Hindi ako nahimatay sa aking pagpanganak sa aming anak kaya nakapag usap kami ni Xylex sandali.

Sinabi ko sa kanya na huwag munang pangalanan ang aming anak, dapat hintayin niya ang aking pagbabalik dahil hanggang ngayon ay wala akong maisip na pangalan para sa aming anak.

" Iniisip mo nanaman siguro kung ano ang ipapangalan mo sa iyong anak" Sabi ni Tyche. Nakakahiya kasing mag lola sa kanya dahil kung titignan ang aming itsura ay parang magkasing edad lang kami.

" Wala kasi akong maipapangalan sa aking anak eh" Sabi ko at bahagyang tumawa. Hindi ko alam kung nasaan nagtungo si mama at si Dione kaya kami lang dalawa ni Tyche ang nandito.

Maya maya lang ay may Nymph na nagmamadaling lumapit sa amin at humarap kay Tyche.

" Pasensya na sa aking pagdestorbo sa inyong usapan ngunit may dala akong balita" Sabi ng Nymph, isang magandang Nymph.

" Ano yun Hean?" Tanong ni Tyche.

" Inimbitahan ang lahat ng gods at goddess sa Olympus dahil may isang Propesiya si Apollo, kaya ay dapat pumunta na kayo ngayon sa Olympus" Sabi ng nymph na si Hean.

" Ngunit hihintayin muna namin sila Dione" Sabi ni Tyche ngunit umiling si Hean.

" Nandoon na sila at sa tingin ko'y sobrang mahalaga ng propesiya ni Apollo sapagkat lahat ay inimbitahan sa Olympus. Kahit na si Hades ay nandoon na" Sabi ni Hean kaya nagmadali kaming pumunta doon.

***

Pagpasok pa lang namin ay medyo nagulat ako sa dami ng tao na nandito, Hindi ko akalaing maraming greek gods ang nandito. Halos lahat yata.

Nasa harapan naman si Apollo na may hawak na papel na naka roll.

" Batid kong hindi niyo pa alam kung bakit ang lahat ay inimbitahan ko. At batid niyo na siguro na sadyang napakahalaga ng aking ibabalitang propesiya sapagkat lahat ay maaring pumasok dito sa Olympus" Panimula ni Apollo at binuksan yung papel.

" Nakasulat dito ang isang propesiya na patula kaya aking babasahin sa inyong harapan kaya kaunting katahimikan lang" Sabi niya kaya lahat ay naging tahimik at sinimulan nang basahin ni Apollo ang kanyang propesiya.

Isinilang na ang batang natatangi at kakaiba

Sapagkat may kakaibang taglay ang meron siya

Namayani sa kanya ang pitong kapangyarihan

Na siyang dapat abangan


Bukod doon, may isa pa siyang kakayahan

Kung ang buhay ng nandito ay walang hanggan

Kaya niya itong tuldukan

Na aayon sa kanyang kagustuhan


Si Nyx ay kanyang ninuno

Ngunit hindi si Nyx ang pasimuno

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon