5. Fortune Teller

142 9 0
                                    



" It's our free time! Bumangon kana!" Sabi ni Clara habang pilit akong hinihila pero tinatamad ako.

" Pwede bang pass muna ako?" tanong ko habang nakahiga sa kama ko. Hinihila pa ako ng kama ko.

" Come on little sisy! Ang KJ mo, dapat bago tayo tumuntong sa college ay magka boyfriend ka na!" Sabi ni Clara na pilit akong hinihila pero matindi parin ang kapit ko sa kama ko.

" Pass muna ako please" Sabi ko. Tinatamad at inaantok pa ako. Si Xylex kasi, pagkatapos ko kasing nahimatay ay nagulat nalang ako ng magising ako na nasa kama ko na. Ang sabi ni Clara ay ang kapatid niya daw ang bumuhat sa akin which is Xylex.

At dahil sa pagkahimatay ko ay mas naging over na si mom, dad at pati si Clara ay nakisali rin sa kanila. Ilang araw na simula ng mahimatay ako pero nag stock ata sa utak ko Ang conversation namin ni Xylex kaya ilang araw na akong sleepless.

Conversation palang yun ay ilang araw na akong sleepless, ano pa kay kung nag kiss kami?

Nagulat ako sa naisip ko at mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung saan galing ang kahalayan na naisip ko, epekto ata to ng pagpasok sa isip ko misteryosong boses.

" Sige hindi kita pipilitin, basta sumunod ka ha?" Sabi ni Clara sa akin at tumango ako. Narinig ko ang pagsara ng pintuan kaya alam kong wala na siya sa kwarto ko.

Speaking of the mysterious voice, ilang araw na ang lumipas at hindi na siya nagpaparamdam sa akin kaya mabuti naman at ganon.

Hindi man nagpaparamdam ang boses na iyon. Naguguluhan parin ako sa nais niyang sabihin sa akin. Dahil sa misteryosong boses na pumasok sa utak ko ay hirap akong matulog dahil sa kakaisip.

Gusto kong umidlip muna kahit sandali pero parang sinaraduhan na ata ako ng gate ng panaginip dahil hindi na ako makakatulog pa kaya napagdesisyunan ko nalang na bumangon at pumasok sa Cr to do my morning rituals.

Pagbaba ko ay nadatnan ko si Mommy na kumakain at si dad na nagbabasa ng newspapers.

" Oh kain na anak" Sabi ni dad, tumango lang ako kay dad at umupo.

" Kakaalis lang ni Clara kasama si Persephone at Dawn. Hindi ka ba sasama sa kanila anak?" Tanong ni mom habang hindi parin ako binabalingan ng tingin.

" Ginising ako ni Clara kanina, sinabi ko naman na susunod lang ako" Sabi ko at nagsimula nang kumain.

" Okey na ba ang pakiramdam mo anak?" tanong ni dad, tumango naman ako.

" Kung biglang sumakit ang ulo mo ay pagsabihan mo kami anak, nandito lang kami" Sabi ni mom. Feel niya siguro na wala akong tiwala sa kanila.

" Opo mom" Sabi ko at dahan dahan na ngumiti.

Nakuha ng taong kabababa lamang ang atensyon naming tatlo. Agad siyang umupo sa harap ko at nagsimula nang kumain.

" Goodmorning mom, dad, saint" sabi ni Xylex. Muntik pa akong mabulunan dahil sa pagbati niya.

Napansin niya ako?

Kahit si mom at dad ay nagulat sa pagpansin sa akin ni Xylex pero pilit nilang binalewala yun at binati si Xylex. Nasanay na kasi kami sa setup na hindi ako nag exist sa buhay ni Xylex.

" Bakit ka naka bihis? aalis ka?" Tanong ni mom kay Xylex. Sasagot na sana si Xylex pero naunang magsalita si dad.

" Nakabihis nga diba? ede aalis siya" Pambara ni dad kaya muntik akong mabulunan nanaman. Ngumiti lang ako habang pailing iling.

And the battle starts now...

" Alam ko naman na aalis siya okey? ang ibig kong sabihin ay saan siya pupunta" Sabi ni mom at tinaasan niya ng kilay si dad. Nakayuko lang kaming dalawa ni Xylex dahil nasanay na kami na ganyan sila ka sweet.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now