14. Birthday

101 6 0
                                    


Inimulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang napakagandang sinag ng araw. Idagdag mo pa ang huni ng mga ibon na tila ba ang saya nila. Kaya agad akong bumangon at humarap sa aking salamin at nakita ko kung gaano kasaya ang aking mga mata.

" Maligayang kaarawan, aking sarili"

Agad akong naligo at at nag bihis saka ako bumaba.

Ngunit sa aking pagbaba ay napansin ko ang katahimikan ng buong paligid. Bakit ba ang tahimik?

" Ah, manang nasaan sila?" Tanong ko kay manang na nasa kusina. Nasa kusina ako ngayon habang nagtataka dahil walang nandito. Wala sila mommy at daddy. Kahit si Clara at Xylex ay wala rin.

" Nako may lakad po silang lahat" Sabi ni manang kaya nagulat ako.

" Magkakasama silang umalis ng bahay?" Halos hindi makapaniwalang tanong ko pero dahan dahan namang tumango si manang kaya agad akong nalungkot.

Kaarawan ko pa naman.

Malungkot akong bumalik sa aking kwarto at doon na umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Eh ano naman kung wala sila? eh ano naman kung nakalimutan nila ang kaarawan ko? hindi naman kasi ako ganon ka importante upang maalala nila ang aking kaarawan. 

Ang mabuti pa, dadalawin ko nalang si papa.

Hindi ko parin mapigilan na malungkot kasi walang mi isa na nasa aming bahay ang naka alala ng aking kaarawan, kahit na si Manang ay nakalimutan ito. Nasanay na kasi ako na sa aking paggising ay may matatanggap akong surpresa na galing sa kanila. Siguro dahil nasanay na ako, dapat siguro ay noon pa lamang ay hindi ko na sinanay ang sarili ko sa mga ganoong bagay.

Aalis na sana ako ng biglang nagpakita si Iris. Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa kanyang ganda ngunit hindi ko parin maipaliwanag ang kanyang biglaang pagsulpot sa kung saan.

" Te-teka, hindi naman kita tinawag gamit ang aking kaisipan" Nagtatakang tanong ko. Ngunit ngumiti lang siya sa akin ng matamis. May itinatago siya sa kanyang likuran ngunit hindi nagtagal ay ipinakita niya ito sa akin.

" Maligayang kaarawan, Maria Tyche" Sabi ni Iris. Kung nakakamangha ang ganda ni Iris, mas nakakamangha ang kanyang ibinigay na tatlong bulaklak.

Ngunit base sa itsura ng kanyang ibinigay, ang bulaklak na ito ay sadyang kakaiba dahil ang kulay nito ay tulad ng bahaghari at kumikinang kinang pa.

" Ang bulaklak na yan ay espesyal at hindi yan naluluma o nalalanta sapagkat may mahika iyang taglay" Sabi ni Iris.

" Teka paano mo nalaman na kaarawan ko ngayon?" Tanong ko. Paano niya nalaman kung ngayon lang kami nagkakilala.

Bigla naman siyang tumawa na animoy may nakakatawa talaga.

" Nakalimutan mo na ata, kasama mo ako sa lahat ng kabanata ng iyong buhay. Matagal na kitang kilala Maria" Sabi ni Iris at lumapit sa akin at itinuro ang puso ko.

" At alam ko rin kung sino ang tao na may espesyal na parte sa iyong puso. Isang binata na napaka kisig at may angking katalinuhan ngunit--" Agad kong tinakpan ang aking pandinig. Ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya.

" Ayaw mo yatang marinig ang aking sasabihin, nagpapahiwatig lang na tama nga ang aking hinala. Ang binatang si Xylex ay---"

" Huwag mong ipagpatuloy ang sinasabi mo Iris" Sabi ko at gumulong gulong sa aking higaan habang nakatakip sa aking tenga ang aking mga kamay. si Iris naman ay tawa ng tawa. 

" Dahil kaarawan mo ngayon, bibigyan kita ng kakayahan na mayakap ang iyong ama na hindi sumasakit ang kanyang ulo. Maaalala at makikilala ka niya bilang si Maria Tyche na anak niya, hindi bilang kung sino lang na dalaga kundi bilang anak niya, limitado lang ang kakayahan ko kaya isang araw lang ang maiibigay ko sayo" Sabi ni Iris na siyang dahilan upang mapabangon ako sa aking kinahihigaan. Itatanong ko pa sana kung paano niya nalaman ang kondisyon ng aking ama ngunit na alala ko nanaman ang sinabi niya na kasama ko siya sa lahat ng yugto ng aking buhay.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon