11. The judgement of Saint and Xylex

119 6 0
                                    


Idinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang puting kisame. Agad akong bumangon upang ilibot ang paningin ko at nakita ko si Xylex na natutulog sa sofa, nasa hospital pala ako at na alala ko na nahimatay pala ako.

Bigla naman akong na awa sa posisyon ni Xylex ngayon, matangkad na tao si Xylex at maliit lang ang sofa kaya hindi siya kasya sa sofa.

Tignignan ko ang wall clock na nasa kisami, alas 11 na ng gabi at paniguradong nag aalala na sila Clara.

" You're awake" Sabi ni Xylex at nag inat ng katawan.

" Salamat pala, umuwi na tayo dahil paniguradong nag aalala na sila Clara" Sabi ko at dahan dahan na bumangon. Napangiwi ako ng makita ko ang aking suot, suot ko parin kasi yung damit na pinili sa akin ni Jakhei ngunit pinasuot nila ako ng hospital gown.

" Siya nga pala, nasabihan mo na ba sila Clara---"

" I already told them that you're with me" Pagputol niya sa sinasabi ko.

***

" Salamat pala" Sabi ko sa kanya. Nasa kotse niya kami ngayon.

" Salamat? you have to pay me saint" Sabi ni Xylex kaya agad nanlaki ang mga mata ko. Bayad? anong bayad?

" Bakit ako magbabayad?" Takang tanong ko kay Xylex.

" Tss. I lied to mom and Irene" Sabi niya na hindi man lang tumitingin sa aking dereksyon.

Hanggang ngayon ay naninibago parin ako dahil pinapansin na ako ngayon ni Xylex, mas nasanay na kasi ako sa setup namin na hindi ako nag e-exist sa buhay niya.

Pero teka! anong kasinungalingan ang sinabi niya kina mommy at Clara?

" Anong sinabi mo kina Clara?" Tanong ko. May parte sa akin na gusto kong malaman ngunit may parte din sa akin na natatakot akong malaman.

" I just said that you are on a date with me" Simpleng sagot niya sa akin habang nagmamaneho. Napatango tango lang ako, sinabi niya lang naman na nasa date ako kasama si Xylex---WAIT!

" A-ano?!" Gulat kong sigaw kaya agad siyang napa-brake.

" You are over reacting" Bored niyang saad. Eh sino ba ang hindi magiging over reacting niyan! kakaiba mag isip si Clara at mommy.

" Alam mo naman na kakaiba mag isip si Clara, lalong lalo na si mommy" Sabi ko.

" Let them think on what they wanna think" He said and he chuckles.

Napabuntong hininga nalang ako. Kakaiba mag isip si Clara tapos sobrang green naman mag isip si mommy. Alam kong pag uwi namin ay hindi pa nila ako patutulugin dahil tatanungin pa nila ako at hindi sila titigil hanggang hindi sila ma satisfy sa sagot ko.

Huminto kami sa isang 7/11, hindi na ako bumaba at si Xylex lang ang pumasok sa 7/11 baka kasi tulad nang napuntahan namin ni Eren na 7/11 na tinarayan ako ng babaeng cashier.

Ilang sandali lang ay lumabas na si Xylex at may dalang medyo kalakihan na plastic na may laman. Deretso siyang pumasok sa kotse at nagmaneho habang ako naman ay tahimik lang.

Ilang minuto pa ang lumipas ay huminto kami sa isang dagat. Ihininto ni Xylex ang sasakyan at agad na bumaba. Kahit nagtataka ay bumaba narin ako. Hindi ba dapat sa bahay ang punta namin? bakit kami nandito sa dis oras ng gabi?

Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin na siyang nagpanginig sa akin. Mabuti naman at bago kami umalis ay nakita ko ang denim jacket ko at agad ko yung isinuot bago pa ako sumakay sa sasakyan ni Xylex.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now