23. Goddess of Childbirth

104 4 0
                                    


Si Hera lang ang nasa trono at hindi ko alam kung nasaan si Zeus. Nakaharap ako ngayon sa Queen ng Olympus.

" Ano ang iyong sadya?" Tanong ni Hera habang deretso parin ang tingin.

" Nais ko sanang humingi ng pabor sayo" Sabi ko. Kami lang dalawa ni Hera ang nadito dahil ayaw daw ni Hera na makita sila Mama, Tyche at Dione.

" At anong pabor naman ang iyong hihilingin?" Tanong ni Hera sa akin.

" Gusto ko pong iluwal ko ang aking anak bago sumapit ang aking ika-26 na kaarawan" Sabi ko habang naka yuko. Tumayo naman siya sa kanyang trono at naglakad palapit sa akin.

" Ikaw siguro ang babaeng isinumpa ni Adrestia" Sabi ni Hera. Magtataka pa sana ako kung sino si Adrestia hanggang narealize kong si Nemesis at Adrestia ay iisa.

" At bakit naman kita tutulungan?" Deretsong saad niya kaya napalunok ako. Alam kong itatanong niya kasi ito.

Pero wala na akong ibang malalapitan bukod sa kanya.

" Apo ka ni Tyche hindi ba?" Tanong niya at hinawakan ang baba ko at inangat iyon. Agad naman akong tumango sa kanyang sinabi.

" Si Tyche ay anak ni Zeus at Nyx, kambal ni Tyche si Nemesis hindi ba?" Tanong niya ulit kaya wala akong naisagot sa kanya kundi ang tumango lamang.

" At bakit ko naman tutulungan ang isang katulad mo na apo sa labas ni Zeus?" Saad niya.

" Pero wala nang iba pang makakatulong sa akin kundi ikaw lang" Sabi ko pero agad naman siyang humalakhak.

" Mas mabuti kung ganon, matagal ko na ring alam ang sumpang ibinigay sayo ni Adrestia at nalaman ko narin ang idinagdag sa sumpa at sa pagkaka alam ko, ako lang ang makakatulong sayo" Sabi ni Hera, parang hindi ko ata gustong marinig ang sunod niyang sasabihin.

" Ngunit ito na ang oras na hinihintay ko, dahil hindi ko naman kayang gantihan o labanan si Nyx sapagkat mas mataas siya sa akin,
napag desisyunan ko na noon pa man na hindi kita tutulungan dahil yun lang ang paraan para makaganti ako" Sabi ni Hera kaya nanlumo ako.

" Maari ka nang umalis, hindi kita tutulungan" Sabi niya at tumalikod na sa akin.

" Teka, tulungan mo naman ako, parang awa mo na" Sabi ko.

" Maawa sana ako sayo ngunit ang mukha mo'y nagpapa alala sa akin ng mukha ni Tyche na siyang bunga ng pagkakamali" Sabi niya. Hinawakan ko ang laylayan ng saya niya habang nakaluhod.

" Pakiusap---"

*PAK*

Napahawak ako sa aking pisngi dahil sa lakas ng paglakasampal sa akin ni Hera.

" Hindi mo ba ako naiintindihan? Apo ka sa labas ni Zeus kaya hindi kita maaaring tulungan" Sabi niya ngunit pilit akong tumayo at humawak sa kanya.

" Nag mamaka awa ako" Pagmamaka awa ko ngunit hindi niya lang ako pinansin at sasampalin sana akong muli nang may dumating.

" Tumigil ka Hera" Sambit ng taong bagong dating at umupo siya sa pinakamalaking trono. Sa pinakamalaking trono siya naupo, ibig sabihin...

Siya si Zeus.

" Huwag mo akong pakialaman Zeus" Sambit ni Hera habang nakatitig lang siya sa akin.

" Apo ko siya Hera" Sabi ni Zeus ngunit tumawa lamang si Hera.

" Ngunit ang kinakailangan niya ay ako sapagkat ako lang ang may kayang paanakin siya nang hindi mapapahamak ang kalusugan ng kanyang anak" Sabi ni Hera at tumayo si Zeus.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon