16. Dreams

116 7 0
                                    


Naglalakad ako sa isang lugar na sobrang ganda. Isa ata itong paraiso. Ang mga bulaklak dito ay mababango at maraming paro paro ang nasa paligid.

Napangiti ako sa ganda ng paligid. May namataan akong isang palasyo na sobrang laki kaya napag desisyunan kong pumasok.

" May tao ho ba?" Tanong ko ngunit nag echo lang sa buong palasyo ang aking boses.

Dahan dahan akong naglakad papasok. Inilibot ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang malaking trono.

" Maria.." Sabi ng lalakeng boses. matigas at malalim ang kanyang boses at agad akong lumingon kung saan nanggaling ang boses na aking narinig.

Ang boses na aking narinig ay nagmula pala sa isang lalake na nakaupo sa trono. Malaki ang pangangatawan nito at makisig na lalake.

Pero malabo ang kanyang mukha. Ilang beses akong kumurap kurap ngunit sadyang malabo talaga ang kanyang mukha.

Inangat niya ang kanyang kamay at itinuro ang labas. Tinignan ko ang tinuro niya, isang fountain na may babaeng nakatalikod.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa babaeng iyon. Animoy nagtatampisaw siya sa tubig na nagmumula sa fountain. Umupo ako sa kanyang tabi.

" Ah...Miss, itinuro kasi sa akin ng lalakeng nasa trono ang dereksyon na ito ngunit malabo ang kanyang mukha. Bakit po ganon?" Tanong ko. Dahan dahan naman siyang humarap sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kanyang mukha, malaki ang aming pagkakahawig, pwera nalang sa buhok dahil ang buhok niya ay kulot pero sobrang itim, pareho rin kami ng mata. Hindi ko alam pero bakit parang kilala ko siya?

" Siya ba ang nagturo ng dereksyon na ito?" Tanong niya kaya bahagya akong nagulat. nakatunganga lang kasi ako sa kanyang mukha. Agad akong tumango.

" Pero malabo ang kanyang mukha, hindi naman malabo ang mukha mo" Sabi ko ngunit sinuklian lang niya ako ng ngiti saka siya tumayo at naglakad papasok sa palasyo kaya sinundan ko siya.

Pag pasok namin ay laking gulat ko nang makitang maraming tao ang nandito. Maganda at gwapo, pati pananamit ay maganda.

Namamangha ako sa aking mga nakikita.

" Maria" Tawag sa akin ng babaeng kulot.

" Bakit po?" Tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.

" Dito. Dito ka nabibilang"


Hingal na hingal akong bumangon. Pawisan ako at nakahawak ako sa aking dibdib. Mabilis ang tibok ng akin puso.

Ano yung napanaginipan ko?

Agad akong tumayo at bumaba upang kumuha ng maiinom. Nanginginig parin ako habang naglalagay ako ng tubig sa aking hawak na baso.

Mabilis ko iyong ininom. Mabuti naman at dahil sa tubig na iyon ay napakalma ang pagtibok ng aking puso.

Sino ba kasi yung misteryosong babae? ano ang ibig niyang sabihin? bakit may pagkahawig kami? bakit kamukha niya si mama?

" My saint"

Agad akong nagulat dahil sa boses na iyon at napalingon kung saan nanggagaling ang boses.

Xylex.

" Why are you still up?" Tanong niya at lumapit sa akin. Napalunok ako at dahan dahan na umatras habang nakatitig lang sa kanyang mga mata.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Where stories live. Discover now