10. Uncontrollable

129 7 0
                                    





" Saan ka pupunta?" Tanong ni mommy Sexy sa akin.

" Nagyaya kasi si Jakhei na gumala mommy" Saad ko at ngumiti. Ibinaba niya ang magazine na binabasa niya at tumingin sa akin at ibinaling niya ang tingin niya sa relo niya.

" It's already five, anong oras ka uuwi?" Tanong ni mommy.

" Hindi ko po alam" Sabi ko kay mommy at ngumiti.

" Hindi niyo ba isasama si Clara?" Tanong ni mommy, dahan dahan naman akong umiling.

" May lakad kasi si Clara, busy naman si Persephone at Nagpe-prepare si Dawn sa upcoming niyang fashion show kasama ang mama niya" Wika ko kay mama.

" Mama ni Dawn? as in si Ishie? sikat na talaga ang bruhang yun. Sige na, pwede ka nang umalis, mag ingat ka" Sabi ni mommy at tumayo tsaka niyakap ako at yumakap rin ako pabalik.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko agad ang sasakyan ni Jakhei.

" What?! get in, you move like a tortoise" Inis na sabi ni Jakhei kaya agad akong sumakay sa front seat.

" You should not make the goddess Jakhei wait" Taas kilay niyang saad.

" But since I am the one who invite you, libre kita today" Sabi niya at nagsimula nang ipaandar ang sasakyan niya.

Tinignan ko si Jakhei, nagtataka kasi ako sa kanya. Nerd na nerd kasi si Jakhei at hindi ganito ang itsura niya. Malaki ang damit niya kaya nagmumukha siyang mataba noon dahil sa klase ng damit niya, malaking salamin ang gamit niya at wavy ang buhok niyang brown. Sobrang inosente niya noon.

" Maria, people change due to the certain events to their lives, hindi mo pa kasi naranasan ang naranasan ko in Texas which is really really hard. I learned to fight for myself, hinayaan ko lang kasi na tapak tapakan nila ako noon, i let it passed the things that they do to me kaya ako mahina" Sabi ni Jakhei habang nakatingin lang sa daan.

" Yung nakilala mong Jakhei ay mahina, she is very weak and kind. At ang taong kasama mo ngayon, she is still Jakhei that you know but she is not the kind one and weak anymore, she already learned on how to fight" Saad ni Jakhei. Ako naman ay tahimik lang, binago siya dahil sa mga pangyayari sa buhay niya.

" I've hear that you are still the same, you are been bullied if Clara and the gang is not around, how can they bully the daughter of tita Sexy? ang lakas rin ng loob nila" Sabi ni Jakhei. Kahit na matagal siyang nag stay doon sa Texas ay hindi niya kinalimutan at tinalikuran ang salitang pilipino.

***

Nasa SL botique kami, ang Botique na pagmamay ari ni tita Ishie. Tita is kinda busy dahil nga sa upcoming events nila which is the fashion show at isa sa mga models doon ay si Dawn kaya busy siya.

" You will be my barbie today" Jakhei said and giggled.

Inilibot ko ang aking mga mata sa SL botique. Medyo maraming tao, ang iba naman ay tumitingin tingin lang. Magaganda ang ma stilo ng mga damit nila dito ngunit mahal naman dahil yari sa kakaibang tela ang mga damit. Hindi lang ito ang botique shop ni tita Ishie, marami na siyang branches since sikat na si Tita.

Ang totoo niyan, sumama ako kay Jakei dito sa mall dahil nagbabaka sakali akong makita kong muli ang aking ina. Gusto ko siyang makausap, marami akong tanong sa kanya na hindi masagot sagot.

" Maria, come here and wear this" sabi ni Jakhei at inabot sa akin ang damit at itinulak pa ako sa fitting room.

" Just make it faster because I'm too  beautiful to wait" Sabi ni Jakhei. Tinignan ko ang damit na ibinigay ni Jakhei sa akin, agad akong napangiwi dahil sa damit na ibinigay niya sa akin.

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon