7. Try

115 5 0
                                    



" Salamat sa kape" Sabi niya. Ako naman ay nanatiling naka tayo habang walang imik.

" Ako pala si Eren Abrigo" Sabi niya at inilahad ang kamay niya sa akin.

" Ako si Maria---"

" Maria Marikit, i know" Sabi niya at tinanggap ang kamay ko. Nagtataka naman akong tinignan siya.

" K-kilala mo ako?" Kunot noong tanong ko. Tumawa naman siya habang nililigpit ang gamit niya. Nasa library parin kami hanggang ngayon at ewan ko ba kung bakit pa ako nag stay.

Siguro susubukan ko ang abilidad ko sa kanya.

" Maria Marikit, a girl with a pale skin, Long black hair, and daughter of Sexy Marikit-Lux" Sabi pa niya at binigyan ako ng stating-the-fact-look.

" Kain muna tayo, may 7/11 na nasa labas, medyo may kalayuan nga lang" Saad ko at agad naman siyang tumango.

" Ano pala ang sadya mo?" Tanong niya sa akin kaya napalunok ako.

" Ma-mamaya ko na sasabihin" Saad ko at hindi na siya umimik pa. Palabas na sana kami ng nabigla ako dahil may humila sa aking buhok.

" Ubod ka talaga ng landi! Una mong nilandi ay si Xylex, pagkatapos ay si Cronus at hindi ka pa talaga nakuntento!" Sabi niya. Hindi ko siya kilala at panay ang hila niya sa buhok ko.

" Aray t-tama na, n-nasasaktan na ako" Sabi ko habang naka hawak sa buhok ko.

" Talagang masasaktan kang malandi ka! mas makati ka pa sa higad! i also wonder kung saan ka kaya pinaglihi ng ina mo?" Saad niya pa. Pilit naman siyang inilalayo ni Eren. May ibang mga tao na pinagtitinginan kami tapos umiiwas sila ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

" Miss tama na! walang ginagawa sayo si Maria" Saad pa ni Eren at tagumpay na nailayo ang babae sa akin.

" Ano Eren? ipagtatanggol mo rin ba ang malanding iyan? siguro dahil nalandi karin niya. Paano ka ba niya nilandi ha Eren?"

" Sino ka ba upang pagsalitaan si Maria ng ganyan? hindi ganon si Maria tulad ng mga sinasabi mo"

" Siguro hindi mo nabalitaan na nilalandi ng babaeng 'to si Xylex, Cronus at pati ikaw"

" Hindi siya ganon, mas malinis at mas mabait pa siya kesa sayo"

" Malinis? mabait? nahihibang ka na ba? hindi mo pa masyadong kilala kung gaano kakati ang higad na iyan"

Nagpatuloy lang sila sa pagpapalitan nila ng masasakit na salita habang ako naman ay tahimik lang na umiiyak. Mahina kasi ako at ang puso ko kaya simpleng masakit lang na salita ay paniguradong tutulo na ang luha ko at masasaktan na.

" Hoy ikaw, malanding babae, humarap ka sa akin" Saad ng babae at hinila ako sa braso at bumaon pa ang kuko niyang matulis.

" Gaano ka ba kakati? wala ba si Xylex at Cronus sa tabi mo para kumati sayo? magpakati ka nalang sa lahat, tutal diyan ka naman magaling" Sabi ng babae at ako naman ay nakayuko lang at tahimik na umiiyak.

" At paano mo sila nagawang landiin ng paisa isa? siguro tumihaya ka lang sa harap nila hindi ba? all you have to do is to spread your legs isn't it? At bakit mo ba ipinagtatanggol ang sampid na iyan ha Eren?"

" Roxane, tama na"

" Inampon ka lang ni Mrs. Sexy Lux ay may gana ka nang lumandi, hindi ka naman kagandahan"

" Roxane, that's enough"

" Sa lahat ng Maria na nakilala ko, ikaw lang ang pinakamalandi, akala mo kung sinong santa eh dimonya rin pala, nasa loob ang kulo" Saad pa niya. Hinila naman ako ni Eren at tumakbo. Dahil hawak niya ako sa braso ay napatakbo narin ako. Huminto lang kami sa kakatakbo nang nasa harap na kami ng 7/11

Maria And The Greek Mythology (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora