1: Kuya, Wala Pong Niyog!

1.8K 45 8
                                    

2008

Si Bianca, ung dalagang nakatira sa Villa Theresa.. Dun sa malaking bahay na white.. alam ko kasi araw-araw akong dumadaan sa kanila.. Nakakahiya man pero oo, naglalako ako ng puto at kutsinta..

And everyday na dumadaan ako sa kanila, tahimik akong humihiling na sana sya ung lumabas para bumili.. minsan kasi ung isang babae, ndi ko alam kung maid nila un, or tyahin..

call it langit-lupa, pero masama bang mangarap na sana makausap ko sya like a normal conversation ng normal na magkakilala..

madalas kasi; "lalagyan po ng niyog ma'am?" or "kuya wag ung ndi na mainit ha" ang conversation namen..

nung first time ko syang makita, siguro mga 2weeks na rin akong rumuruta sa lugar nila..

ok talaga sa subdivision nila.. una sa lahat, walang mga aso na kakalat-kalat na number one na kaaway ko.... walang mga tambay na parang gusto palaging agawin ung paninda at benta ko.. at higit sa lahat, karamihan sa mga suki ko, bibili ng worth P30 or P40 na puto at kutsinta, tas magbabayad ng P50 sabay sabing "ok na yung sukli, sayo na.. salamat"..

buraot as it may sound, oo aminado naman ako e.. pero ung mga "tip" na un, para saken na ginagapang mag-isa ang pagaaral at sinusuportahan ang nanay kong may sakit, napakalaking bagay na nun..

so yun nga, one day, sya ung lumabas may dalang plato.

"kuya eight na puto, seven na kutsinta.. wala pong niyog" sabi nia..

whow.. kumakain pala ng kakanin ang mga diwata..

ang ganda nia..maputi.. ang ganda ng mata.. ang pula ng lips.. tsaka ang tangkad nia.. siguro 5'5' sya.. 5'9" ako.. bagay diba..

cguro ka-edad ko sya.. ewan ko.. feel ko kasi muka na kong matanda.. batak na ko sa trabaho mula pa nung bata.. nasubukan ko na halos lahat ng trabahong kalye; barker.. pedicab driver.. nagtinda ng balot.. nagpa-ending.. madami pa kong pinasok na pwedeng pagkakitaan..

"kuya, wala pong niyog!" sigaw nia..

"ay sori po.. papalitan ko na lang po.." sabi ko..

T:(@&#!na kasi e.. sa sobrang ganda nia, naglakbay na agad isip ko..

pagka-abot ko, inabot nia rin ung dalawang P20..

as usual, naghhihintay ako nung "keep the change", pero wala syang sinabi.. basta tumalikod na sya papasok ng gate..

"ma'am may sukli pa po"..

ndi na sya lumingon, dumerecho na sabay sara ng gate..

Nu ba yan..? minsan lang ako mabilhan ng isang mgandang dalaga, sablay pa galawan ko..

so ayun, umalis na ko.. pero ndi na sya nawala sa isip ko..

saktong alas-10 na.. salamat sa Ama, naubos ang paninda ko..

malinis na P200 ang kinita ko..plus P60 na "tip".

"nay, dumaan na po ako ng sinaing na tulingan.. may bigas pa nman po dba? May pangsaing pa tayo..

The Isaw To Remember (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon