46. The Mental Torture

573 27 12
                                    

Bakit ba kasi nakalimutan kong i-deactivate ulet yung account ko?? Sana hindi nia nakitang "active now" ako.. Sana hindi siya nakapag message saken.. Sana hindi ko nabasa ung message nia.. Sana hindi ako nagui-guilty ng ganito.. She has all the rights para magalit.. Iniwan ko siya.. Walang paalam.. And walang iniwang valid reason.. Ngayon, kung mawawala saken si Bianca, it’s all my fault.. Wala akong ibang sisisihin.. Choice ko ‘tong katangahang ‘to e..

Next day.. Excited ako kasi magkakapirmahan na kame nung nakausap ko for office space leasing.. May business akong ilalagay dito sa  Marinduque.. Napag-aralan ko yung in and out nung business ni Mr. de Vera.. I know this is a new venture, pero kung gagayahin ko yung blueprint ng kompanya nia, I’m sure, kakayanin ko ‘to..

Maaga na namang pumunta si Karizza sa bahay.. yahahaha.. Sinusundo si Nica.. ahahahahahaayyyy.. Balakajan..

“RM, punta daw kame sa beach.. Island hopping daw..” Si Nica..

“Yahaha.. ayos yan.. Lupet non.. Go!” sabi ko..

Tas nasa likod na naman si Kaye..

“Edward, come with us.. Para sulit yung vacation naten.. next week yata you’re going back to Manila na e..” sabi ni Kaye..

“ I’m sorry Kaye, may nilalakad ako ngayon e.. Pero si Nica, walang gagawin yan.. Nakuu.. sabi nia saken kagabi, gusto niang mag-island hopping..” sagot ko.. yahahahahaha..

Kung nakakasugat ang pagtitig ni Nica, baka naubusan na ko ng dugo.. yahahaha..

“Sayang.. But if you could catch up, habol ka.. message message tayo..” sabi ni Kaye..

“Sure, hahabol ako.. Before tanghali siguro tapos na yun..” sabi ko..

Yahaha.. walang nagawa si Nica.. Kahit pa-astig astig yung galawan nia, for some reason, tumitiklop siya kay Karizza.. And actually, gusto ko talaga silang samahan.. kasi HAMPOGEE KO BOI pag kasama ko sila.. Sobrang gagandang babae nila.. Tas ako yung kasama.. Nung nasa hot springs nga kame, pinagtitinginan ako e.. Either elibs sila sa lupet ko.. Or iniisip nilang beki ako at mga beshies ko ‘tong dalawa.. But whatever, ang mahalaga nag-eenjoy ako sa company nila..

So ayun nga, nagpunta muna ako sa bangko, may inayos ako sa funds na ipambabayad ko.. Then nagkita na kame nung may-ari nung building.. Napaka-dali nilang kausap.. Walang hassle.. Kung magkano yung initial na napag-usapan, yun na yung bayaran.. Unlike nung iba na kapag nagkabayaran, ang daming pa palang mga hidden panggugulang na idadagdag..

Ayos! Orayt..! Ipapalinis na daw nila.. and after a week, pwede na kong maglagay ng mga office fixtures and furnitures.. Mission accomplished ako dito sa Marinduque..

Mga 11am pa lang, tapos na yung nilakad ko.. Umuwi ako ng bahay.. Tumulong ako kina nanay sa pagluluto.. Hindi na ko sumunod dun sa beach.. Hehe.. Bahala na sila dun ni Nica..

After ng lunch, nagimpake na ko ng gamit.. Kasi bukas luluwas na kami ni Nica papuntang Mindoro..

“Nay, dito po muna kayo ni tiya.. Punta na kami ni Nica bukas sa Mindoro..” sabi ko..

“Anu bang ginawa mo kanina sa bayan..?” tanong nia..

“May inayos po ako.. Yung rerentahang office space..”

“Ah.. yun pala yung sinasabi ni Nica kahapon.. Magnenegosyo ka daw..”

“Opo.. kaso medio mahirap i-pentrate dito yun kasi may mga nauna na..” sabi ko..

“Anong business ba yun..?”

“Salon po nay.. gusto ko na pong tuparin yung pangarap kong maging beautician..”

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now