5. The Bookworm

884 27 3
                                    

Sa wakas!!! Naka-ipon na ulet ako ng pambili ng charger.. punta ako ng mall..

Sarap talaga sa mall.. ang lamig.. ang chill.. and feel ko I belong pag nandito ako.. no one knows kung ano mga struggles ko sa buhay.. feel ko, normal na teenager ako..

But like a normal guy, after kong makabili ng kailangan ko, uwian na..

Pababa na ko ng escalator.. tanaw ko ung main entrance.. Tas may nakita ako.. you got it! Nakita ko si Bianca, papasok.. nagpapa-inspect ng bag.. and dumerecho sa up na escalator.. ndi nia ko nakita kasi nkatitig sya sa cellphone nia..

Ayos! Pag baba ko ng escalator, nag U-turn ako at sumakay ulet pataas.. Oo, muka akong g*go..

Sinundan ko sya.. pumunta sya sa National Bookstore.. Yes!! Buti ndi sa Cinderella or kung saan mang damitan.. at least masstalk ko sya.. hehe..

I was so stealth.. im always behind her pero ndi nia ko nakikita.. sa bawat istante, sinisilip ko sya.. Ok, linawin naten, ndi manyakis ung datingan ha.. parang "teen inlove" lang.. lam nio un, diskarteng bagito..

Namimili sya ng mga notebooks.. oo nga pala, pasukan na sa Monday..

I know mamahalin ung mga pinili nia.. samantalang ako, sa palengke lang bumili, tatanggalan ko na lang ng spring tas tatahiin ko..

Tapos, biglang nawala sya.. "nasan na sya?".. sabi ko sa isip ko.. hinanap ko sya.. wala.. wala talaga.. Badtrip!!

Then I turned around, and oops!! Nasa likod sya.. may binabasang libro.. Sh*t!! Halatang sinusundan ko sya..

No choice, dumampot ako ng libro.. nagbasa.. ayos!! Ang swabe ng galawan.. genius na genius..

"Oi, Kuya.. Hi!".. narinig kong sabi nia.. pero ndi agad ako lumingon.. kunyari busy ako sa pagbasa.. tas dahan-dahan akong tumingin..

"ui, ma'am, Hi!".. sabi ko..

"nagbabasa ka din nian? Favorite ko yan"..

Tiningnan ko agad ung title ng book.. "ANNE OF GREEN GABLES; Chronicles of Avonlea"..

(t@%#&!na talaga!!!!! Ang daming libro sa harap ko, bakit ito pa nadampot ko!?!?! ANG KIKAY!!!)

"ah.. oo.. ok nman siya.. actually, kahit anu nman binabasa ko e.. basta libro.." imbento ko..

"haha.. uma-actually ka na nman ha.. anong book ka na??" dugtong nia..

(pwede bang wag ka ng magtanong about this book.. wala nman akong alam dito e.. naiiyak na ko)..

"uhmm.. kakasimula ko pa lang e.. ngayon ko pa nga lang bibilhin".. pinangatawanan ko na..

"eeeh wag yan.. 2nd book yan e.. simulan mo dun sa una".. hirit pa nia..

"ah talaga ba?" gusto ko ng malusaw, maging liquid at dumaloy palabas ng mall..

Luminga-linga sya.. parang may hina-hanap.. tas nagtanong dun sa sales lady na naga-ayos ng mga istante..

"excuse me miss, may copy pa kayo ng book one nito?" tanong nia..

The Isaw To Remember (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon