32. The Confession

553 20 1
                                    

Past 12nn na nung dumating kami kina Cath.. We had lunch there tapos umalis na din ako.. Hahabol ako sa trabaho..

Then mga 2pm na ko nakarating sa office..

"Sir, punta ka daw sa office ni Mr. de Vera.. May sasabihin yata sayo.." si Joseph..

"Ok pre, sige.. Salamat.."

"Edward, come in.." sabi ni boss..

"Pinapatawag nio daw po ako, sir.." sabi ko..

"Yes! Nabalitaan ko, nagdate daw kayo ah.."

He must be pertaining to Bianca..

"ahhh.. Opo sir.. Pero wala naman pong nangyari.. Pero sir, sinabi ko na po yung totoo.." sabi ko..

"Yeah, I know.. Yesterday, biglang lumapit sya saken.. Umiiyak.. Kala ko kung anong nangyari.. Tapos yun pala, yun nga daw.. Nalaman na niya.. I thought magagalit din siya saken.. Pero hinde.. Nag thank you siya.. Dahil daw dun sa ginawa ko sa nanay mo.. I guess our plan worked out perfectly.." he said..

Yeah it worked out.. But perfectly, i don't think so.. Masyadong nadelay.. Or, siguro, masyado lang akong nainip.. Siguro kasalanan ko din.. Sana hinintay ko yung chance na masabi ko sa kania lahat.. Gusto kong sisihin ung sarili ko.. Pero I did my best.. Nagtry naman ako e.. Si Bianca yung nagmatigas.. And now, everything's so complicated.. Pero syempre hindi ko masabi kay boss.. Pano ko ba sasabihin..? All along, all he knew is once maging ok kami ni Bianca, once mapatawad na nia ako, then we'll be back to where we were before.. Or what we were before.. Kaso nga, hindi na ganun ang kwento e.. Nasa eksena na si Cath.. Kagabi, nung may inom ako, pakiramdam ko si Cath na talaga ang mahal ko.. Feel ko, magiging masaya na ako.. Hindi ko na kailangan si Bianca.. Pero ngayon, I'm back to reality.. Si Bianca talaga.. I guess it's true, first love never dies..

Pwede bang this time, payagan ako ng mundo.. Na wag akong I-judge kung makikipaghiwalay ako kay Cath.. Na patawarin agad ako kung masasaktan ko siya ulet.. ANG TANGA MO KASI EDWARD!

"Siguro nga po sir.. Sana nga napatawad na nia ako.." sabi ko..

"Let me tell you something.. The day na nakipaghiwalay ka sa kania, yun yata yun, i don't know.. Pero kakalabas pa lang yata ng nanay mo sa hospital, that day, inaway nia ko.. Siguro naisip nia na may kinalaman ako sa nangyari sa inio.. It's a good thing na sumunod ka sa usapan.. Buti wala ka talagang sinabi.. Pero naawa ako sa anak ko nun.. Iyak siya ng iyak.. And I realized, sobrang mahal ka nga ni Yang-yang.. There was even this time, nakita siya ni Tita Raquel nia na nagiimpake siya ng gamit.. Aalis na daw siya.. Sa inio na titira.. I know, bugso lang ng damdamin nia yun.. Pero ewan ko kung anong nangyari kung natuloy ung paglalayas nia.. I'm pretty sure, hindi mo naman siya pwedeng itaboy.. Pero siguradong gugulo buhay mo.."

Nakikinig lang ako.. Napapangiti sa mga revelations..

"nung paalis na kami papuntang states, sobrang hirap namen nung mommy nia na i-convince siya.. Ang hirap.. Walang tigil yung pagiyak nia.. Naki-usap siya samen na kung pwede, isama ka namen sa states.. Pati daw yung nanay mo.. But I told her, malabo yun.. Not because we didn't want to, but knowing you, Edward, alam kong hindi ka papayag.. Taas ng pride mo e.. But for some reason, pag dating namen sa states, parang nagiba siya.. Biglang nagbago yung mood nia.. Hindi ka na nia nababanggit.. Parang galit nga siya sayo e.. Or perhaps, defense mechanism nia un para makalimutan ka.. And from then on, nagbago na siya.. Same pa rin siya samen.. Pero sa ibang tao, lalo na sa mga lalake, galit na galit siya.. Kaya nga akala ko naging tomboy na e..
But guess what, I think she's back.. So palagay ko, you have to make your move na.. Napatawad ka na nia.. It wouldn't be hard for you to get her back.. Alam mo naman na from the start, ikaw ang gusto ko para kay Yang-yang.." sabi nia..

The Isaw To Remember (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon