42. New Girl

638 27 29
                                    

Ok.. Hindi sira yung motor ko.. Buti na lang hindi nagpilit si Bianca na i-check.. Pero I'll still be staying here hanggang bukas.. Mag gagala muna ako.. hehe.. Magiisip-isip.. Magrereflect.. Baka nga mali 'tong gagawin ko..

I went back to our room.. "Aba magaling!!! Iniwan nia pala ung mga protective gear.. pano ko ngayon dadalhin 'to pauwi.."

Nagpalit ako ng damit.. ung pang gala.. Boardshorts tsaka t-shirt.. Orayt.. Wallet tsaka cellphone lang dala ko.. At ANIMAL!!!! "Bakit nagbago ung wallpaper ko..??" Picture na namen ni Bianca.. Nakakiss siya saken.. Pano 'to nangyari?? Ibig sabihin kinuha nia yung daliri ko nung tulog ako tas inunlock nia with my fingerprint?? Aba!! Mahusay talaga!! Pero wala naman saken yun.. Sweet nga e.. Medio possessive nga lang.. But im cool with that..

Then pumunta ako sa kasera para magbayad ng 1day extension ko sa pagstay sa room.. Palabas na ko ng inn, nung nakita kong may babaeng naka backpack..

"Excuse me.. San po yung front desk?" she asked..

Medio natulala akong konte.. I'm sorry but I have to admit, maganda si ate girl.. Maputi, mga 5'5" ang height, naka-sleeveless na shirt, naka shorts.. Hindi pa naman yata considered na pekp*k shorts un.. Tas naka topsider na Vans..

"Ahh.. Yeah.. Dun sa.. There.." sabay turo ko dun sa front desk nga.. Then pumunta na nga si ate..

"Tanginang yan.. Bobo.. Dun sa There amputa.. bobo mo Edward.." sabi ko sa sarili ko..

Papunta ako sa pinagparkingan ko ng motor, ichecheck ko.. baka nagdilang demonyo pala ako.. baka may nasira nga.. Pero wala naman.. orayt.. Tas tumawag si Bianca..

"Hello?"

"Hi Mahal!!! How are you? I miss you na!!"

"Totoo ba? Mga 15minutes pa lang talaga kayong nakaka-alis.. malamang nanjan pa lang kayo sa kanto.. sa bilihan ng gulay.." sabi ko..

"Wala kang pakialam.. e sa namimiss kita e! baket? Hindi mo ko namimiss? Siguro may nakita ka ng ibang babae no..? Pinagpalit mo na agad ako?" putak siya putak..

"Mahal, nagdodroga ka ba?? Itigil mo na yan ha.. Masama yan.. Anong babaeng pinagsasasabi mo? Nandito ako sa motor.. nagtatanggal ng kadena.. dadalhin ko sa Benguet para makahanap ng replacement.." sabi ko.. Pinangatawanan ko talaga ung pagsisinungaling ko..

"E namimiss na talaga kita e.. gusto ko na ngang bumaba.. balik ako jan.." sabi nia..

"Anu ka ba mahal? Hindi din nga tayo kakayanin nitong motor.. substandard na kadena lang mabibili ko.. masisira din pag hindi tayo kinaya.." sabi ko.. buti na lang walang alam sa motor 'to..

"Ok.. basta magiingat ka ha.. Don't forget, magreport ka saken sa Monday.." she said..

"ok.. I love you.."

"love you too mahal.."

Kinuha ko sa trunk ng motor ko yung gloves tsaka sunglass ko.. Orayt.. Ride mode on.. wala naman akong balak puntahan talaga.. Gusto ko lang maglibot-libot.. kailangang magreset.. Magulo ang isip ko.. Masaya kasi kami na ni Bianca ulet.. Pero malungkot kasi iiwan ko na siya ulet..

Pumunta ako dun sa market.. Pero wala akong binili.. natuwa lang ako dun sa mga colorful na gulay at prutas.. then ride ulet..

Ang ganda ng Sagada.. Pramis.. There's this never ending excitement just to roam around.. Kasi para din siyang normal na village sa Manila.. Mga bahay, mga resto, may convenience store.. Maliit na village na pinapalibutan ng mga mgagandang bundok.. tas malamig.. kahit medio mataas na ang araw, ok lang maglakad-lakad ng walang payong.. Unlike sa city, pag lumabas ka after 8am, para ka ng kine-cremate..

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now