24. 2018

530 22 0
                                    


2018
Maaga akong nagising.. mga 5:30am.. pero syempre tutunganga muna ako ng mga 30mins sa kama ko.. Titimbangin ko kung gano ba kahalaga tong trabahong to saken.. kasi tinatamad akong pumasok.. Ang sarap pang matulog.. lambot kasi ng kama ko.. Sineseduce akong humiga ulet.. Lasapin ang sarap ng pagsasama namen.. parang may espesyal na relasyon kami nitong kama ko.. parang magtatampo sya pag umalis ako.. Pero may ipapagawa saken si boss today e.. Importante.. Sobrang importante..

So bumangon na din ako.. Nagpakulo ng tubig, nagtimpla ng kape.. Nagparepare ng peanut butter jelly.. You may be wondering, kamusta na ba buhay ko ngayon? Well, mas ok na kesa dati.. May sarili na kong condo dito sa BGC.. May kotse na ko.. Issue lang nman ng company.. Binabayaran ko ng pakonti-konte.. hehehe.. Natupad din ung dati kong pangarap.. Meron din akong motor.. Yung kagaya nung dati kong ginamit, Honda CB400..

Tatanungin nio kung pano nangyari.. Nakapag-aral kasi ako.. nakagraduate.. Accountant na ko ngayon.. Si nanay, nasa Valenzuela pa din.. Kasama na niya ung tiyahin ko, ung kapatid niyang walang asawa.. Magaling na nga pala siya, instead of undergoing dialysis, nagpa-kidney transplant sya.. She's healthier than ever..

Hindi ko ipagyayabang na nakuha ko lahat to dahil sa pagsusumikap.. Dahil sobrang stereotype na nun.. Mahirap, nagsumikap, nagtagumpay, naging milyonaryo.. tsss.. Stop that shit! Baduy na kwento.. Oo, nagsikap din ako.. nag-aral ako ng mabuti.. Pero, ang ginamit ko para makapag-aral e yung perang natira dun sa binigay ni Mr. de Vera.. Mga nasa P220k pa ung natira dun.. Ilang dialysis lang nman ung ginawa kay nanay, then may nakuha agad na donor para sa transplant niya.. Habang nag-aaral ako, namamasada pa din ako.. Hindi na ko nagtinda ng puto.. May naaalala lang ako.. Bumabalik yung sakit..

"Edward, 3:30 this afternoon ang dating nia.. Make sure wag mo syang paghihintayin.. are we clear?" si Mr. de Vera.. Yeah, Mr. Alfredo de Vera.. Tatay ni Bianca..

"Yes, sir.. san ko po sya idederecho?" sagot ko..

"Sa bahay nio kung gusto mo.. hahaha" sabi na.. Sira ulo din tong boss ko e no..

"No sir, I mean, sa bahay nio sa Valenzuela o sa resthouse nio sa Tagaytay?" sabi ko..

"Sa Valenzuela.. Dun kami uuwi ng mommy nia mamaya.." sagot nia..

"Ok po sir, alis ako dito ng tanghali.. Aattend lang po ako ng meeting with the supplies department.." sabi ko..

"Ok.. But one last thing.." pahabol nia..

"Yes, sir?"

"Wag kayong mag-aaway ha.. Intindihin mo na lang.. Galit pa yun sayo.." sabi nia..

Napangiti ako.. "Yes, sir".. then umalis na ko..

The Isaw To Remember (Completed) Where stories live. Discover now