29. The Confrontation

602 30 28
                                    

Nakabalik na ko ng Manila.. Back to work.. Pero baon ko pa din yung tanong sa isip ko.. "Dapat pa ba akong makialam?".. But whenever I'm seeing her (Bianca), I can see she's happy.. Minsan narinig ko pa ung mga chikadora sa ofis saying; "Ui, may plano na daw magpakasal sina Ms.Bianca tsaka yung boyfriend nia".. As much as I don't want to be affected, hindi ko naitago e.. Nasigawan ko yung maintenance crew sa office nung nakitang kong may mga nakakalat ng papel sa office ko.. Pero, sobrang naguilty ako dun.. Hinanap ko si ate girl.. Nagsorry ako tas binilhan ko ng Jollibee.. hehehe..

Then one day:

"Sir, pwede ka mamaya?" Si Joseph..

"Pwede saan?" tanong ko..

"Labas tayo mamaya.. Treat ko.." sabi nia..

"Baket, anong meron?"

"Birthday ko sir.." tugon nia..

"Ay pucha, honga pala!! Haberday kapatid!!! Sige sige, san ba yan?"

"Jan lang sa The Fort sir.. malapit lang.."

"Orayt.. sige.. ayos yan.. sabay na tayo mamaya.." sabi ko..

So ayun nga, apat lang kame.. Ako, si Joseph, si Chinnie, tsaka si Sarah.. Kami ung mga pinaka-close sa office.. magkakadepartment kami e.. Nandito kami sa isang bar sa the fort.. Actually gusto ko ng umuwi.. ang ingay.. Hindi ko keri yung mga ganitong gimikan.. Oo, madalas ako sa mga rock concerts na mas maingay.. pero yun kasi ung mga noise na natotolerate ko.. hindi kagaya ng ganito na maingay na, nahihilo pa ko sa paikot-ikot na ilaw.. Pero syempre, hindi nman tayo KJ.. So chill lang.. Masaya nman tong company e.. Si Joseph, cool to.. kaso medio alanganin ako.. hindi ko alam kung straight to or tagilid e.. walang jowa e.. tas medio malambot.. pero hindi ko sya jina-judge.. bahala sya sa buhay nia.. Si Chinnie tsaka Sarah, BFF to.. Actually tatlo sila dati.. Si Rhem.. kaso nag-Dubai na..

Kwentuhan lang kami.. Inom-inom.. tas biglang umorder ng Gambas si Joseph.. Alam nio un? Yung hipon na nasa sizzling plate na may malupet na sauce.. hindi ko alam kung pano idedescribe ung sauce.. basta masarap.. May allergy ako sa hipon, pero hindi naman ganun ka OA na allergy na hindi makahinga, nagpapantal-pantal.. Saken, minsan pag napadami ung kain ko ng hipon, nag-e-LBM ako.. Pero this time, parang hindi ako makakapagpigil.. parang nginingitian ako nung mga hipon.. Sharraaapp.. ok lang, kasi dito din lang nman sa BGC ung condo ko.. So kain ako.. napa-order ako ng kanin.. Sobrang naweirdohan sila saken.. kasi bar talaga yun e.. Yung party-party.. yung tugs-tugs.. tas dun sa isang table may kumakain ng kanin.. E anong gagawin ko, sharap e.. Umorder pa ulet ako ng isang Gambas.. tsaka sisig.. so naging eat out tong gimik namen..

Habang kumakain kame, biglang;

"Uy, yun ung boyfriend ni Miss Bianca oh.." si Sarah habang tinuturo si Jerard..

(Tangina.. anong ginagawa nitong ungas na to dito?) bulong ko sa sarili ko..

Napatingin kaming lahat.. Nandun sya, sa isang table may kasamang mga lalaki at babae.. Mga kaibigan nia siguro.. Umiinom sila..

Nawala na nman ako sa hulog.. nawalan ako ng gana.. Nandun ung urge saken na upakan siya.. pero hindi nga pwede.. kasi sinusuppress ko ung feelings ko.. Dapat wala na kong paki-alam.. Dapat hindi na ko apektado..

Naramdaman kong nanginginig ung laman ko.. Hindi umaayon ung mga voluntary muscles ko sa dinidikta ng isip ko.. And naconfirm ko na walang alam tong mga kasama ko about us.. Me and Bianca.. Kasi tuloy-tuloy lang sila sa chikahan nila e.. Pero wala na talaga ako sa tamang huwisyo.. I need to get out of this place.. Bago pa ko mawala sa tamang pagiisip..

And true enough to the curse.. Curse ng hipon saken.. Nakaramdam ako ng pananakit ng tyan.. Delikado.. Kailangan kong mag-cr..

"Guys, may sasaglitin lang ako sa bahay.. babalik din agad ako.." paalam ko..

The Isaw To Remember (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon